Chapter 28

1K 33 6
                                    

"Where are you going?"

Hindi ko siya pinansin sa tanong niya. Ngayong nandito ang mommy niya ay wala siyang magagawa kundi hayaan ako sa gusto ko.

Mukhang hindi rin naman niya gustong maeskandalo kami sa harap nito.

"What the fuck Dara, fucking answer my question!" nagngingitngit ngunit pabulong na anas niya.

Nandiyan lang kase sa kusina ang mommy niya.

Ngayong nandito na ito ay mas dumami ang tao sa mansyon. Nagkaroon na ng mga katulong, driver at bodyguards na dati naman ay wala.

Hindi ko alam kung bakit biglang naging ganun.

"Pabayaan mo na ako, ikaw na nga ang nasunod tungkol sa pag-aaral ko pati ba naman sa trabaho ko ay epal ka pa rin??!"

"So it's about your work? Well, goodluck!" nakangising saad niya bago lumabas ng kwarto.

Nagulat ako sa naging kilos niya. Ang akala ko ay mahihirapan pa akong makaalis dito ngunit nagkamali ako.

Inakala ko kaseng magtatalo pa kami bago ako makaalis.

Nang makarating sa DM Cuisine Restaurant ay nagtaka ako nang mabungaran na sa may entrance door ang manager namin.

"Ms. Dara Garcia," seryosong saad nito.

Bigla naman akong nilukob ng kaba dahil sa tono at reaksiyon nito.

"I'm sorry to say this but you are already fired."

"Po? B-bakit po?" hindi makapaniwalang tanong ko. Alam ko namang may kasalanan din ako dahil hindi rin ako nakapasok ng ilang araw ngunit masyado naman atang biglaan na tatanggalin na agad ako.

"I don't know either. The owner itself was the one who initiate to fire you."

Naiiyak at nagtataka naman akong napatingin sa kanya. Sa tagal kong nagtrabaho rito ay ni hindi ko pa nakita o nakilala ang may ari ng restaurant na ito.

Masyado itong misteryoso na kahit pangalan ay kaunti lamang ang nakakaalam.

"Pero b-bakit naman po biglaan. At sa pagkakaalam ko naman, wala naman po akong ginagawang masama."

Nanlumo ako nang umiling lamang siya na tila ipinaparating na wala talaga siyang magagawa.

"Again, I'm so sorry Ms. Garcia but Mr. Mendelev's final decision was the only thing that matters."

Tila naman nabingi ako sa apelyidong nabanggit niya. Sa loob-loob ko ay gusto ko nang tirisin ang taong iyon.

Right at this moment, It already came up on my mind that the owner of this restaurant was my obsessive and possessive ex-boyfriend.

Yes, he's no longer my boyfriend anymore since I already broke up with him.

Eventhough he's insisting that we are still couple since he didn't agree with my decision. For me, we are already over! Wala na! Tapos na!

Wala akong nagawa kundi tanggapin na lang ang naging desisyon ng demonyong 'yon.

All this time, siya naman pala talaga ang may-ari ng lugar na ito. Kung alam ko lang, hindi na lang sana ako nag-apply dito!

"Oh, what a pity babe." Boses pa lang ay kilalang-kilala ko na.

Imbes na patulan pa siya ay nagwalk-out na lang ako sa lugar na 'yon. Hindi ko ata kakayaning makasama ang lalaking 'yon sa iisang lugar.

Pakiramdam ko ay masusuffocate ako at hindi makakahinga sa sobrang irita at galit sa kanya.

"Oopps, wait!"

Obsession Series 1: My Professor's Obsession (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon