Dara's POV
Masakit ang katawan na bumangon ako kinabukasan. Napalingon ako sa katabi kong himbing na himbing pa rin sa pagtulog. Matapos kase ng isang round ay hindi pa siya nahusto kung kaya't madaling araw na ay sige parin siya sa paggalaw sa akin. Samantalang ako ay antok na antok na kung kaya't nakatulugan ko na lang ang nangyari kagabi.
Napatitig ako sa kabuuan ng mukha niya. Napakagwapo naman ng lalaking to! Nung nagpaulan ata si Lord ng kagwapuhan ay nandun siya at nagtatampisaw pa.
'Hayst, gwapo nga baliw naman' sa isip ko.
Kumikirot man ang katawan lalo na ang ibabang parte ng katawan ko ay pinilit ko pa rin bumangon at pumunta sa banyo. Nang makapasok ay humarap ako sa salamin na nakadikit sa pader at pinagmasdan ang mga pasa sa buong katawan ko.
Hindi ko maisip na magagawa niya ang mga ganung kaagresibong bagay sa akin. Pero ano pa nga bang ipinagtataka ko, sa ugali pa lang niya ay 'di na nakakagulat. Pero kase, ba't sa akin pa. Ito ang unang beses na naging ganun siya kagalit sa akin.
Napahinga ako ng malalim bago nilinis ang sariling katawan. Habang nasa loob ay iniisip ko kung tama ba ang desisyong gagawin ko mamaya.
I'm hoping for him to understand and to accept whatever my decision is. Pero sa kabila ng mga 'yan ay nagaalinlangan ako kung matatanggap niya ba ito o baka hindi maganda ang maging reaksiyon niya. But whatever it is, siguro naman hindi niya na uulitin ang ginawa niya kagabi sa akin. I don't want him to hurt me again. Kase sa totoo lang, nakakatakot siya 'pag nagagalit.
Lumipas ang mga araw at mas lalo akong naging desidido sa plano kong pakikipaghiwalay kay Dark. At umaasa ako na sana igalang niya ang desisyon kong iyon.
Sa bawat araw kase na lumilipas, feeling ko hindi na ako ang dating ako. Maraming nagbago, hindi lang ang sarili ko. Parang...parang nawalan na ako ng karapatan para sa sarili ko. Lalong lalo na ang kalayaan na gustong gusto ko.
“Are you a statue?”
“Huh?”
Nabalik ako sa huwisyo nang biglang may nagsalita este sumigaw sa tabi ko. Nasa mall pala ako. Nag-grocery. Napatitig ako sa batang nasa likuran ko. Namangha ako dahil mukha itong artista. Gwapo, maputi at cute. Ang sarap pisilin ng matatabang pisngi nito na mamula-mula pa. Mukhang inosente, kaiba sa ugaling ipinapakita. Medyo may pagkasuplado. Actually meron siyang kamukha. Di ko lang mapin-point kung sino.
“Tsk! Deaf! I said, you look like a statue idiot!”
Napanganga ako sa talas ng pananalita nito. Grabe, ang bata pa pero marunong nang magmura.
“Ah, hindi ako statwa bebe, sadyang may iniisip lang hehe” awkward na sabi ko sa bata. Mukhang nakita kase ako nitong nakatulala kanina.
“Ang one more thing bebe, bad po ang magmura” pangaral ko sa kanya.
“Tss” aba't inikutan lang ako ng mata. Gusto kong matawa dahil mas lalo siyang naging cute nang ginawa iyon.
“Gavin! Oh my gosh! Kanina pa kita hinahanap na bata ka. Diba mommy said that don't go anywhere? Paano if may bad guys kang nakasalubong?!” tonong galit ngunit nag-aalalang sabi ng isang babae. She has a curly and blonde hair. Ang ganda niya, parang may lahi. Para siyang model sa runway. Maputi at sexy. Pwede ring maging artista.
“I'm sorry mom. I won't do it again promise. Don't be mad please” the child hugged his mother. Biglang napalingon sa akin ang babae. Medyo gulat pa siya, ngayon niya lang ata ako napansin sa tabi nila.
“Hi, my name is Chandra. Gavin's mother, It's nice to meet you Ms?” sinadya niyang binitin ang sinabi niya. Inosente siyang nakangiti sa akin, aktong makikipagshake-hands.
“Hello, just call me Dara. And it's so nice to meet you too, Chandra” nakangiting sabi ko at tinanggap ang kamay niya.
“I'm sorry if Gavin disturbed you. Kanina ko pa kase siya hinahanap, pero di ko pa rin makita. Nagpapanic na ako kanina, actually papunta na sana ako para magtawag ng mga securities, buti na lang namataan ko siya dito” parang namomroblema pang anas niya.
“No worries, I understand. Ganyan talaga pag mga bata, mahilig mag-explore sa mga bagay-bagay” nakangiting sabi ko.
“Oh, it's time. I'm sorry Dara if we can't entertain you right now. Nagmamadali kase kami eh. We gotta go, see you when we see you” natatawang sambit niya na kinatawa ko rin.
“Sige, ingat kayo!” pamamaalam ko sa kanila. Kumaway rin ako pabalik nang kumaway siya at sumenyas na aalis na. Sinundan ko pa sila ng tingin bago sila mawala sa pningin ko habang buhat ang anak.
Napahinga ko ng malalim bago nagsimulang umalis na rin doon. Naalala ko, makikipagkita pa pala ako kay Dark. Makikipaghiwalay na ako sa kanya.
Bigla naman akong nalungkot nang maisip iyon. Don't get me wrong, mahal ko si Dark. Mahal na mahal pero, feeling ko mali na lahat ng nangyayari sa amin. Parang hindi na tama.
Gusto ko, before we settle everything maayos na lahat. Kase kung hindi, kami lang din ang mahihirapan. At ayokong mangyari 'yon. Kaya hangga't maaari, maghiwalay muna.
When I got home napansin ko na sobrang tahimik sa apartment. Nakakapagtaka lang, kase mga ganitong oras ay nandito na si Dark. Magmula kase nang may mangyari sa amin ay halos dito na siya tumira.
Nang makapasok ay binuksan ko ang ilaw at inayos ang mga pinamili ko. Matapos non ay nagluto na rin ako ng kakainin ko para mamaya. While cooking busy rin ako sa paglilinis ng buong apartment, para naman hindi nakakaalibadbad sa paningin.
Napalingon ako nang biglang bumukas ang pintuan ng apartment ko. Alam kong siya na ito dahil amoy na amoy ko ang mamahalin niyang pabango.
“Babe, I miss you.” akmang hahalik siya sa akin ay agad na umiwas ako. Napansin ko naman ang pag-igting ng panga niya dahil sa ginawa ko.
“What's the problem, why you're so cold?” may himig ng inis na tanong niya.
“Ayoko na.” sambit ko.
Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako ngunit parang nakita ko ang biglang pagdilim ng paningin niya. Natawa siya ng pagak.
“Come again?”
“Maghiwalay na tayo Dark. Ayoko na—”
Naputol ang dapat na sasabihin ko nang bigla niya akong hinawakan ng mahigpit sa aking magkabilang braso sabay sambit ng mga salitang labis na ikinatakot ko.
“You can't do that Dara. You know why? 'Cause the first time I laid my eyes on you, that's the time that I told myself that you're already mine. Heart, body and soul. So nah, dream on babe.”
BINABASA MO ANG
Obsession Series 1: My Professor's Obsession (On-going)
RomantizmDara Garcia is known for her intelligence and grace. But behind closed doors, she faces a different reality as she becomes the object of her professor's obsession. Despite her attempts to resist, she finds herself trapped in a terrifying cycle of a...