Nanlulumo akong napaupo sa malamig at matigas na kalsada nang mawala siya sa paningin ko. Gusto ko siyang habulin at bawiin mismo sa harapan niya ang mga sinabi ko. Na sabihin ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal at hindi gustong iwan. Na puro kasinungalingan lamang ang lahat, pero hindi ko magawa. Gusto kong magsumbong sa kanya sa pananakot ng mommy niya. Na kung hindi ko siya iiwan ay gagawin nito ang lahat upang masira siya at gawing miserable ang buhay ko at ng mga taong malalapit sa akin.
Alam ko kung ano ang kayang gawin ng pamilya niya. They are powerful enough to make someone suffer. Na kahit buong pamilya nito ay kayang-kaya nilang pahirapan. She threatened me to take the orphanage down. Ang tanging lugar na naging tahanan ko mula ng ako ay sanggol pa lamang. Sa isiping mawawala ito ay labis na panlulumo na ang aking nararamdaman. I can't bear to see the people who care and love me to be in pain. Na kung sakaling mawala ang ampunan ay masaktan sila at mawalan ng tahanan ang mga batang naroon.
Hindi ko kakayanin na dahil sa akin ay mangyari iyon. I have no choice but to sacrifice my own happiness just for the sake of them, my only family. Ayokong maging makasarili para lang sa kaligayahan ko, hindi ko kayang maatim na masaya ako habang sila ay nahihirapan.
Pinilit kong makauwi sa apartment ko kahit hinang-hina ako. Inayos ko ang mga gamit ko at nagsimula nang mag-impake. I don't think I can live in peace kung dito pa rin ako. Plano kong magpakalayo-layo na at kalimutan na lang ang lahat. Kahit masakit ay kakayanin ko. Kasi kahit ano namang gawin ko ay hindi pa rin talaga kami bagay sa isa't isa. Kahit kailan hinding-hindi matatanggap sa lipunang ito ang relasyon namin. Ako na isang mahirap at siya na mayaman. Kahit anong gawing iwas namin ay mahuhusgahan pa rin kami. Marami pa rin ang kokontra sa amin.
I was taken aback when I saw a picture frame on my bedside table. Kuha ito nung 1st monthsary namin. Napapikit ako at inalala ang mga panahong iyon. I was very happy kase sinurprise niya ako at dinala sa isang mamahaling restaurant. Nung una ay ayaw ko pang pumasok dahil sa tingin ko ay hindi ako bagay doon. Puro kase mayayaman ang mga nasa loob at baka ma-out of place lang ako.
'D-dark, huwag na lang dito please,' nahihiyang sabi ko sa kanya habang hinihila ang braso niya paalis sa lugar na iyon.
'Why? All the food here are delicious,' nagtatakang aniya.
'Hindi naman kase iyon ang dahilan. Masyado kasing mahal dito at puro mayayaman ang nasa loob. Okay na ako sa fast food chain lang,' mahabang paliwanag ko sa kanya. Masarap naman kase doon, gaya sa jollibee. Favorite ko kaya ang mga pagkain doon. Kumunot naman ang noo niya.
'No, it's not a good idea, babe. It's bad for the health,' pagtanggi niya.
Wala na akong nagawa dahil mukhang desidido na talaga siya na doon kami. Hanggang sa naenjoy ko na lang ang pagkain namin doon.
Marahan kong pinahid ang mga luhang tumulo pababa sa pisngi ko. I know, I will surely miss him. Ngayon palang ay namimiss ko na ang mga panahong magkasama pa kami. Alam ko rin na paglipas ng panahon ay makakalimutan niya rin ako. Sobra akong nasaktan sa mga sinabi niya kanina pero hindi ko kayang magkaroon ng hinanakit sa kanya dahil alam kong kasalanan ko. Ako ang nagtaboy sa kanya kaya wala akong karapatang magdamdam at magalit sa kanya.
Inabot ako ng ilang oras sa pagiimpake ng mga gamit ko. Dinala ko lang ang mga kailangan at importanteng bagay habang iniwan ko na ang iba. Bahala na siguro ang landlord dito kung anong gagawin niya sa mga natira. Sa huling pagkakataon ay pinagmasdan ko ang naging tahanan ko sa ilang taon kong pagiging independent. Inalala ko rin ang mga panahong nandito siya, kasama ko. Kung paanong lagi siyang tambay dito at sa huli ay kukulitin akong dito na lang matutulog katabi ko. I will miss the every moment we've made here together in this apartment. Sa pag-alis ko ay mananatili na lamang itong isang magandang ala-ala. Ilang sunod-sunod na pagkatok ang nagpabalik ng aking atensyon sa realidad. Tumibok ng mabilis ang puso ko sa isiping siya ang taong kumakatok. Inaamin ko na sa kabila ng lahat ng nangyari ay umaasa akong siya ang taong iyan.
BINABASA MO ANG
Obsession Series 1: My Professor's Obsession (On-going)
RomanceDara Garcia is known for her intelligence and grace. But behind closed doors, she faces a different reality as she becomes the object of her professor's obsession. Despite her attempts to resist, she finds herself trapped in a terrifying cycle of a...