Magaan ang pakiramdam ko habang tinatahak namin ang daan papauwi. Masaya ako dahil mukhang nag-enjoy talaga ng husto si Light sa pinuntahan namin.
Hindi matigil ang bata sa pagdaldal habang nasa may backseat ito. I took a glance at the driver's seat. Bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Dark habang nagmamaniobra sa steering wheel.
“Let's go back again next time, mommy!” Masayang bulalas ni Light habang nagniningning pa ang mga matang nakatingin sa akin.
“Sige,” malumanay na sang-ayon ko habang nakangiti sa kanya.
Matapos lumipas ang ilang minuto ay tumahimik na rin ang paligid dahil mukhang napagod ang bata at nakatulog na sa likod. Nabahala pa ako dahil baka mahulog pa sa sahig ng kotse kaya napasulyap ako kay Dark.
“Pwede bang ihinto mo muna? Doon na lang muna ako sa likod dahil baka mahulog si Light.” Nahihiya man ay tinapangan ko na lang ang sarili ko.
Saglit pang nangunot ang noo niya sa sinabi ko bago ihinto ang sasakyan. Akmang bababa na sana ako nang mas mauna pa siya sa akin kaya nagtaka ako.
Sinundan ko siya ng tingin na tinungo ang backseat at binuksan ang pintuan nito. Marahan niyang binuhat ang anak namin at pumunta sa may banda ko kaya tarantang binuksan ko ang pintuan sa side ko.
“Get him,” tipid na sambit niya kaya agad kong kinuha mula sa pagkakabuhat niya si Light at paharap kong ipinaupo sa kandungan ko. Napasandal ang pisngi nito sa may bandang dibdib ko.
Matapos niyang ibigay sa akin ang anak namin ay pumunta na siya sa kabilang pintuan at pumasok. Sinimulan na rin niyang paandarin ang makina ng sasakyan.
Matapos non ay hindi na ulit kami nag-imikan hanggang sa makarating kami sa mansyon. Sa bungad pa lang ay napansin ko nang may isang magarang sasakyan ang nakaparada sa may garahe.
Tanda ko ang mga sasakyan ni Dark at wala namang ganoon siyang sasakyan. May inaasahan ba siyang bisita ngayon?
Mukhang hindi rin naman si Cassidy dagil tanda ko rin ang sasakyang ginagamit niya. Kung hindi siya, sino?
Hindi ko alam pero bigla na lamang bumigat ang pakiramdam ko. Sana mali ako ng iniisip. Hindi pa ako handang makaharap ang babaeng iyon.
Ang nanay ni Dark.
Pagpasok pa lamang ay ang matalim na tingin na agad ng donya ang bumungad sa akin. Masama siyang nakatingin sa akin na tila isa akong kriminal sa paningin niya.
“What's the meaning of this, Dark?? What is she doing here? At bakit mo hinayaang mahawakan ng maruming babaeng iyan ang apo ko?!” Ang galit na sigaw nito. Bakas ang pandidiri at pangungutya sa mga mata nito.
“What are you doing here, mom?” Tanong ni Dark, hindi pinansin ang panggagalaiti ng ina.
Napaingos ang ina niya.
“Ano pa nga ba? Eh di binibisita kayo ng apo ko. Kung hindi pa ako pumunta rito ay hindi ko pa malalaman na may peste na palang nakapasok dito sa mansyon!”
“Stop it, mom! Huwag niyong pagsalitaan ng ganyan si Dara. Ina siya ni Light at siya ang babaeng mahal ko!” Natahimik ako sa sinabi ni Dark. Naiiyak ako at the same time ay masaya.
“I can't believe you! Nagpaloko ka na naman sa babaeng iyan!” Dinuro pa ako nito kaya napakislot ako habang kalong si Light. Mabuti na lamang ay mahimbing ang tulog nito at hindi nagigising sa sigawang nagaganap.
“Take him upstairs, susunod ako.” Marahang bulong niya na tinanguan ko. Napaismid pa ang ina nito nang sulyapan ko kaya napaiwas ako ng tingin dito.
“Not in front of my child, mom. Ayokong makita tayo ni Light na nasa ganitong sitwasyon.” Mukhang natauhan naman ang ina nito at natigil.
Hindi ko na pinakinggan pa ang mga sinasabi nila at tinungo ko na ang hagdanan upang dalhin sa kwarto ang anak namin.
Hindi ko maiwasang mag-isip. Nang dahil sa akin ay nag-aaway silang mag-ina. Alam ko naman na ayaw talaga sa akin ng ina ni Dark. At kahit kailan ay hindi niya ako matatanggap para sa anak niya.
Pero may anak kami. Paano naman si Light? Gusto ko ng buong pamilya para sa anak ko. Kahit iyon man lang ang maibigay ko sa kanya.
Ayokong maranasan niya ang nakagisnan kong hindi buo ang pamilya, dahil iyon ang bagay na wala at salat ako.
Mga ilang oras din akong nandoon lang sa kwarto at pinagmamasdan ang anak namin. Hindi mawala ang tingin ko sa kanya...natatakot na baka mawala na naman siya sa akin. Sila ng ama niya.
Ayoko na ulit mag-isa.
I just want to be happy and be with them until the end.
Huwag ngayon kung kailan binuksan ko ulit ang puso't isip ko na makasama sila ng matagal. Ayoko na ulit mawalan ng pag-asa.
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Kasabay nito ang biglaang pagpulupot ng matigas na braso sa kabuuan ng bewang ko.
“I'm sorry about my mom.” Napapikit ako sa lamyos at lambing ng boses niya.
Ang akala ko ay galit siya sa akin dahil hindi niya ako kinakausap kanina.
“Dark, ayoko na ulit mawala kayo sa akin. H-hindi ko na kakayanin. Mahal kita, mahal na mahal ko kayo ng anak natin.” Nakita ko kung paano magningning ang mga mata niya dahil sa sinabi ko.
Ayoko nang magsinungaling sa kanya. Ayoko na ring magtago ng nararamdaman ko. He deserves to know the truth, he deserves to be happy. My family deserves everything good in life.
'My family'
Napakasarap sa pakiramdam na may matatawag na akong sariling pamilya. Yung totoo at akin talaga.
“I love you too, Dara. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko habang buhay.” Napuno ng galak ang puso ko dahil sa sinabi niya.
Kahit na maraming balakid ay ipaglalaban ko na ang nararamdaman ko para sa kanya. Para sa anak namin dahil sila ang buhay ko.
“Huwag mo na ulit akong susukuan, Dara. Pero kahit na gawin mo pa 'yon ay hindi na kita papayagan. Para ka lang sa amin ng anak mo at sa magiging mga anak pa natin.”
Lumuluha akong tumango bilang pagsang-ayon sa mga sinabi niya.
“Hindi na ako aalis at hindi ko na kayo iiwan. Magiging matapang na ako para sa inyo ng anak natin."
“At sa mga susunod pang anak natin.” Pilyong dagdag pa niya.
Inis ko siyang hinampas sa braso dahil sa kalokohan niya. Ngunit kalaunan ay natawa na lang.
“I love you, Dark.”
Ako na ang nagdampi ng labi ko sa malambot na labi niya. Hinawakan niya ang batok ko at mas lalo pang idiniin sa kanya kaya napangiti ako sa gitna ng halikan namin.
Napakaswerte ko at nakilala ko ang lalaking ito. At mas lalong maswerte ako dahil siya ang naging ama ng anak ko.
***
A/n: I'm so sorry for the super late update. Ngayon lang ulit nagkaroon ng internet/data. Kaya hindi ako nakapag-update for the passed few weeks. Anyway, just wanna inform you guys that few more chapters before the epilogue. Malapit na tayong mag-goodbye kina Sir Dark at Dara. And then after nito siguro ay itutuloy ko na rin ang story nina Daddy Shandrei at Selandra.
BINABASA MO ANG
Obsession Series 1: My Professor's Obsession (On-going)
RomanceDara Garcia is known for her intelligence and grace. But behind closed doors, she faces a different reality as she becomes the object of her professor's obsession. Despite her attempts to resist, she finds herself trapped in a terrifying cycle of a...