Dara's Pov
Nakauwi na ako galing nang school. Ngayon naman ay sasabak na ko ngayon sa trabaho ko.
Pagkatapos kumain ay dali dali na akong nagbihis upang pumunta sa trabaho. Sobra ang pagmamadali ko dahil baka malate ako.Bawas pa sa sweldo ko.
Pagkalabas ko nang apartment ay kumuha ako ng tricycle upang maihatid na ako sa DM Causine Restaurant.
Don ako nagtatrabaho bilang waitress. Maganda naman ang pasahod nila kaya okay na rin yon para matustusan ko ang pangangailangan ko.
Pagkadating ay agad agad akong nagbayad sa driver at patakbong pumasok na sa loob.
Nang makapasok ay dali dali akong nagpalit ng uniform namin na nakalagay sa aming sariling locker.
Yes may locker sila para sa mga staff na nagtatrabaho sa restaurant.
Pagkatapos magbihis ay pumunta agad ako sa counter upang magtrabaho na.
"Dara pakibigay naman to sa table 5" sabi sakin ni anne. Isa sa mga nagtatrabaho rin dito.
Ngumite muna ako sa kanya bago tinanggap ang tray na may lamang mga pagkain at inumin.
"Kagagaling mo lang sa school?" pagtatanong niya.
"Oo eh nagmadali nga ako baka malate pa ko" pagkekwento ko sa kanya.
"ganyan talaga ang buhay kailangan laging maaga para naman makaiwas sa disgrasya haha" pagbibiro niya.
"ikaw talaga haha sige muna hatid ko muna toh" pagpapaalam ko sa kanya kasabay ng pagtalikod ko.
"here's your order sir" nakangiting sabi ko at inilapag ko ang mga pagkain sa lamesa.
Ngumite naman ang matandang lalaki at nagpasalamat.
Pagbalik ko sa may counter ay may pinag-uusapan ang dalawa kong kasamahan.
"uyy anong pinaguusapan niyo?"pagtatanong ko sa kanila.
"ang creepy kasi nung lalaki sa may dulong lamesa" sabi ni tanya.
"huh saan?" nagtatakang ani ko.
"ayun oh" turo niya kaya naman napatingin ako kung saan iyon at tama nga sila ang creepy niya nga parang si sir lang.
Ikaw ba naman kasi makakita nang lalaking nagpunta sa restaurant para kumain pero balot na balot.
Nakamask kasi siya at nakasumbrero sabayan mo pa na may shades siya tapos puro itim pa yung kulay lahat. Mapagkakamalan mo talaga siyang man in black.
Creepy nga.
"umorder ba siya ba't wala pang naghahatid nang order niya?" tanong ko sa kanila.
"hindi naman siya umuorder eh in fact kanina pa yan nandito halos magkasabay lang kayo nang dating" mahabang litanya ni mia, isa ring katrabaho ko pero cashier siya sa counter.
"g*ga baka oorder talaga yan wala lang lumalapit" sabi ko sa kanila.
"uyy tanya ikaw lumapit tanong mo kung anong order" utos ni mia kay tanya.
"hala ayoko nga nakakatakot eh" mababakasan ng takot na aniya.
"Haysst huwag na nga kayong magtalong dalawa ako na lang ang pupunta." pagsasaway ko sa kanila.
Hindi ko naman kailangan matakot dahil kung may hindi man siya magandang gagawin ay tiyak tatayo pa lang siya ay napapalibutan na agad siya ng mga guard. Sa dami ba naman nilang nagbabantay dito eh.
Tsaka marami ring tao kaya imposibleng gawin niya ang bagay na iyon.
Pero kahit na anong tapang ang meron ako ay kinakabahan rin ako.
Habang papalapit ay namamawis na ako.
'Sh*t Dara calm down!' pagkalma ko sa sarili ko.
Huminga muna ako ng malalim bago dire-diretsong tumungo sa kinaroroonan ng lalaki.
"hi sir what's your order po?" magalang na tanong ko na sinabayan ko ng alinlangang ngiti o baka naman ngiwi na ang kinalabasan.
Nanatili siyang nakayuko kaya naman pilit kong sinisilip ang mukha niya kasi di ko talaga makita.
"Just water" napangiwi ako sa sagot niya.
"yon lang po sir?" pagtatanong ko.
"yes" tipid ulit na sagot niya.
Umalis naman agad ako doon. Ang weird niya nga talaga kung tubig lang naman pala ang order niya dapat sa tindahan na lang siya pumunta. May ice water naman dun pero baka naman maarte si kuya kaya gusto niya dito pa sa mamahaling restaurant uminom.
Kahit naman walang bayad ang tubig na to okay lang..tubig lang kasi.
"oy ano daw order girl?" panchichika ni mia.
"tubig lang daw" sagot ko naman sa kanya.
Napangiwi naman siya sa sinabi ko.
"oh ayan sabihin mo kahit di na lang niya bayaran at kung nauuhaw lang naman pala di niya na kailangang magcostume" natawa naman ako sa tinuran niya bago inabot ang isang basong tubig.
Pagbalik ko ay ganun parin ang itsura niya.Nakayuko parin.
"Sir heto na po yung tubig niyo" inilapag ko ang baso sa lamesa.
"Thank you" balak ko pa sanang hintayin ang baso pero parang wala naman siyang balak inumin ito dahil di naman niya tinatanggal ang mask sa mukha niya kaya wala akong nagawa kundi bumalik na lang sa counter area.
Pero nagtataka ako kung bakit parang pamilyar ang boses na iyon di ko lang talaga maalala kung saan ko narinig.
Hayst it's been a very tiring day for me. Tiyak makakatulog agad ako nang maaga dahil sa pagod.
***
️macharlenebianca
BINABASA MO ANG
Obsession Series 1: My Professor's Obsession (On-going)
RomanceDara Garcia is known for her intelligence and grace. But behind closed doors, she faces a different reality as she becomes the object of her professor's obsession. Despite her attempts to resist, she finds herself trapped in a terrifying cycle of a...