Third Person's Pov
Hindi mapakali ang isang lalaki nang malamang nasa panganib ang babaeng kinahuhumalinagan.
Sa isip niya ay talagang mananagot ang may pakana kung bakit wala ngayon sa tabi niya ang kinahuhumalingang dalaga.
'Damn them! Try to touch my woman and i will buried them 10 feet from the land they stand.'
Kinuha niya ang kanyang cellphone sa may dashboard ng sasakyan niya habang nagmamaneho. Trinace niya agad kung nasaan ang dalaga at napatiim bagang siya nang malamang nasa may parte ito ng gubat.
Mabuti na lang talaga at may nilagay siyang detector dito kundi baka mabaliw siya kung hindi niya pa ito nahanap.
Hindi mo talaga malalaman kung mayroon ka nito dahil parang kakulay lang din ito ng balat ng isang tao at nakadikit ito sa katawan ng carrier nito.
Ikinabit niya ang earpiece sa kanyang tenga at may kinausap habang nagdadrive.
"Go to the place where i send to you and bring them all" agad namang tumalima ang tinawagan niya at namatay na agad ang tawag.
'Subukan lang talaga nilang galawin ni hibla ng buhok mo makakapatay ako!' galit na utas niya sa isip niya.
Nang malapit na siya sa kanyang paroroonan ay mas lalo niyang binilisan ang pagmamaniobra ng kanyang sasakyan. Mas mabuti ng maaga bago pa siya mahuli dahil kung mangyayari yun ay hindi niya mapipigilan ang sarili niyang makapatay.
Nang matanaw ang isang madilim na daan na pinaliligiran ng mga nagkalakihang puno ay agad siyang lumabas ng sasakyan niya.
Tiningnan niya ang location ng dalaga na nakaconnect sa cellphone niya. Base dito ay mga ilang hakbang na lang ang layo niya sa mga ito.
Napatingin siya sa likod niya ng may dumating na limang sasakyan.
Bumaba dito ang mga purong nakaitim na nga lalaki na may dalang mga naglalakihang mga baril at agad na lumapit sa kanya.
30 men in black with their deadly weapons. Napangisi siya dahil talagang wala na siyang balak pang buhayin ang mga hayop na iyon.
Lumapit sa kanya si Ben na kanang kamay niya sa organisasyong siya ang nagmamay-ari.
"Boss nakita po ito ng mga tauhan doon sa bandang iyon."
Inabot niya ang hawak ni ben at napatiim bagang siya nang makitang sapatos iyon ng dalaga.
"Search all the area kung may kahina-hinalang tunog ay ipaalam niyo agad sakin" tumango ito at agad na tumalima.
Siya naman ay ganun din ang ginawa dahil alalang alala na siya sa dalaga.
Napatigil siya ng may marinig na sigaw.At hinding hindi siya nagkakamali dahil talagang kilalang kilala niya ang sigaw na iyon.Napakuyom siya ng kamao ng marinig ang halakhakan ng mga demonyong iyon kaya naman napangisi siya.
'Sige lang magpakasaya kayo dahil yan na ang huling araw na makakatawa kayo ng ganyan.'
Tinawagan niya si Ben at pinahinto na ang mga ito sa paghahanap.
"Come here i already know where she is"
Nakangisi siya habang tinutungo ang lugar na iyon.Ikinasa niya ang baril na hawak niya at hinawakan iyon ng mahigpit.
"Time is over"
Nanginig sa galit ang katawan niya ng nakitang hawak ito ng isang lalaki.
'Damn! You dare to touch whats mine...i will kill you!' nagtatagis ang ngiping saad niya.
BINABASA MO ANG
Obsession Series 1: My Professor's Obsession (On-going)
RomanceDara Garcia is known for her intelligence and grace. But behind closed doors, she faces a different reality as she becomes the object of her professor's obsession. Despite her attempts to resist, she finds herself trapped in a terrifying cycle of a...