Chapter 32

1.1K 33 10
                                    

Lumipas ang isang buwan mula nang umalis sila Aimee at baby Fayzia sa apartment. Habang kami naman ng baby ko ay nagpatuloy na para bang walang nangyari, walang umalis at bumalik sa normal ang lahat.

Paminsan-minsan ay naiisip ko sila at para bang naninibago pa rin ako na kaming dalawa lang ni Light ang magkasama.

Maaga akong nagising upang asikasuhin ang sari-sari store na pagmamay-ari ko. Meron kaseng espasyo sa loob ng apartment na pwede nang gawing maliit na tindahan. Kagaya lang din naman ng mga tinda sa kanto ang itinitinda ko.

“Pabile poo!” Ang pamilyar na boses ng batang babae na nasa limang taong gulang ang narinig ko mula sa labas.

“Oh Chichi, anong bibilhin mo?” ang tanong ko rito.

“Mantika po ate Dara tapos kendi, yung tsokoleyt poo na matamis,” nakangiting aso na sambit niya.

“Naku ikaw ha, baka naman mantika lang talaga ang pinabibili ng nanay mo.” Minsan kase ay ganyan ang gawain niya. Imbes na may sukli pa ay ibibili na. Minsan kaseng napunta rito ang mama niya at nakwento nga ang kapilyahan ng anak.

“'Di po ah, bigay saken 'yan ni mama,”  tanggi niya. “Eh, san si baby layt?” dagdag na sabi niya.

Sinilip ko ang anak ko na nasa duyan at natutulog.

“Tulog pa,” natatawang sagot ko. Ibinigay ko na ang binibili niya at sinuklian ito.

“Uwi agad, baka mamaya masabit ka pa diyan sa gilid at mamuti na ang mata ng mama mo kahihintay sa mantika,” ang paalala ko rito.

“Opo!” sagot nito sabay karipas ng takbo. Napailing na lamang ako, napakakulit talaga.

Nabalik ako sa huwisyo nang marinig ko ang pag-iyak ni Light. Mabilis kong tinungo ang duyan na kinalalagyan nito at binuhat ito.

“Shh baby, nandito na si mama,” pagkausap ko rito ngunit hindi pa rin ito matigil sa pag-iyak. Namumula na ang buong mukha nito ngunit hindi pa rin siya tumitigil. Naiiyak na ako sa nangyayari.

“Shh, ano bang problema? May masakit ba sa baby ko?” itinitapat ko ang likod ng palad ko sa leeg at noo niya at naramdaman kong mainit ito.

Nataranta ako, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Pero kahit na ganun ay pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Walang mangyayari kung magpapanic man ako dahil ako lang ang maaasahan ng baby ko.

Mabilis kong kinuha ang wallet ko at agad na sumakay sa tricycle na nakaparada malapit sa gilid ng apartment.

“Manong, padala naman po sa pinakamalapit na ospital dito.”

Hindi pa rin tumitigil si Light sa kaiiyak. Nagkukulay lila na ang labi nito at natatakot ako na baka maubusan siya ng hangin.

“Shh, 'wag mo naman pakabahin si mama. Tigil na please,” naluluhang pagkausap ko rito habang umaandar ang tricycle.

Mukhang nakaintindi naman ang anak ko at tumigil na rin ako pero naroon pa rin ang paminsan-minsang munting hikbi niya.

Niyakap ko ito at hinaplos ang likod upang pakalmahin siya.

Nang makarating sa St. Alfonso General Hospital ay agad akong nagbayad kay manong at patakbong pumasok sa loob.

Lubos naman ang pasasalamat ko dahil agad kaming inasikaso ng mga nurse na naroon.

Mabilis akong napatayo mula sa kinauupuan ko nang lumabas ang doktor na nagcheck-up kay Light.

“Doc, ano pong problema sa baby ko?” kinakabahang tanong ko.

Tumikhim muna ito bago nagsalita.

“Ngayon lang ba nangyari ito sa anak mo?” ang agad na tanong nito, hindi pinansin ang tanong ko.

Obsession Series 1: My Professor's Obsession (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon