Chapter 36

655 16 4
                                    

Dara's Pov

“Dara right?” Mataman akong nakatingin kay Cassidy na nasa harapan ko ngayon. Nakataas ang kilay niya sa akin. Bigla akong nanliit sa sarili ko.

She's very beautiful and sophisticated. Malayong-malayo sa akin. She has this strong dark aura na kahit sinong makaharap niya ay matatakot sa kanya. No wonder, nagustuhan siya ni Dark.

“Do you hear me?” Nabalik lang ako sa huwisyo nang inis na magsalita siya ulit.

“A-ah oo, ako si Dara.” Nakita ko pa ang maarteng pag-ikot ng mata niya nang sumagot ako.

Hindi ko alam kung bakit ganito niya ako pakitunguhan. Sa pagkakatanda ko ay wala naman akong kasalanang ginawa sa kanya..maliban na lang kung alam niyang may nakaraan kami ni Dark.

“The audacity of you to stay here and act like you didn't hurt Dark before.” She angrily said. “Ang kapal din ng mukha mong magpakita pa sa kanila na parang walang nangyari. Is that how desperate you are, bitch?” She added.

Kumunot ang noo ko. Hindi ko nagugustuhan ang mga sinasabi niya sa akin. Hindi naman niya ako kilala ng lubusan para sabihan ako ng mga ganyang salita.

Alam ko naman na may kasalanan ako pero may dahilan din naman kung bakit ko nagawa 'yon.

Why do some people quickly judge someone without knowing that certain person's own point of view? May mapapala ba sila doon?

“Mawalang galang na pero sana naman bago mo ako husgahan, kilalanin mo muna ako ng mabuti. Baka kase may dahilan naman kung bakit ko nagawa 'yon. So be considerate.” Naiinis na saad ko.

Mapang-uyam siyang tumawa. Kumunot ang noo ko. Ano ba kaseng problema niya?

“Why would I do that. You know, Dark wouldn't lie to me. And he isn't a liar.” I was hurt because of what she said. So it's really him who told that to her. Biglang sumakit ang dibdib ko.

Dahil ayoko nang mas palakihin pa ay tinalikuran ko na lang siya upang umalis na. Pero nagulat ako nang may sumabunot sa akin at pihitin ako paharap.

“Don't turn your back when I'm talking to you!” Nanggagalaiting sambit niya. Napahawak naman ako sa pisngi ko nang malakas na sampalin niya ako.

Bigla ay parang nayanig ang mundo ko nang dahil sa sampal na iyon. It really hurts. Mahapdi at makirot. Feeling ko ay bumakat ang palad niya sa kaliwang pisngi ko.

Galit na hinarap ko siya. Dahil sa labis na emosyong nadarama ay sinampal ko rin siya. Anong akala niya, hindi ko siya babawian?

“Ouch! You shit!” Sinabunutan niya ako at ganun din ako sa kanya.

“Ikaw ang nauna, bumawi lang ako!” Inis na sumbat ko sa kanya.

Nagulat pa ako nang lumayo siya sa akin at ginulo-gulo ang buhok niya habang nakaupo sa sahig.

Nagtataka akong napatingin sa kanya. Nababaliw na ba siya? Bakit niya ginagawa 'yon sa sarili niya?

"WHAT THE HELL IS HAPPENING HERE?!" Biglang dumagundong sa buong sulok ng mansyon ang baritonong sigaw na iyon.

Bigla ay sumulpot si Dark mula sa kung saan at nang makita si Cassidy na nasa lapag ay masamang tumingin siya sa akin.

“What did you do?!” Galit na saad niya at tinulungan si Cassidy na tumayo. Inalalayan niya ito sa bewang habang nakakapit naman ito sa braso niya at umaaktong nanghihina. Gusto kong matawa dahil sa galing ng pag-arte niya.

Umiwas ako ng tingin dahil masakit sila sa mata. He didn't even consider my feelings. Pero sabagay, hindi naman niya alam kung anong nararamdaman ko sa kanya. Ako ang may kasalanan kaya ako nasasaktan ng ganito.

“Uhm wa—” my words was cut off by him.

“Anong karapatan mo para saktan si Cassidy?” Napakurap-kurap ako dahil sa sinabi niya. Libo-libong sakit ang bigla kong naramdaman.

“You're just nothing but a fucking maid. Nothing more, nothing less. So better know your place.” Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko dahil sa narinig kong sinabi niya.

I look at Cassidy and I saw how he proudly smirk at me. Napaiwas na lang ako ng tingin.

I am beyond hurt and in pain. Sobrang sakit. Nanggaling pa mismo sa kanya.

Dahil sa hiya at panliliit na nararamdaman ay mabilis akong umalis doon at patakbong tinungo ang maid's quarter kung saan ako naglalagi.

Doon ay ibinuhos ko ang sakit na nararamdaman. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa mapagod ako. Remembering his words, it's like a million knife that continously stabbing me directly to my heart.

Mas gusto ko pang pisikal na saktan niya ako kesa marinig ang mga salitang iyon galing sa kanya.

He didn't even gave me a chance to explain myself. He just immediately judge me easily. Parang napakadali lang sa kanya na sabihin iyon. Alam niyang hindi ako ganun. I'm not that kind of person na mananakit na lang basta nang walang dahilan.

I smiled bitterly. Hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya ko. My son didn't even want me and so as him. Kaya ko pa ba?

Am I being desperate? Mukhang tama si Cassidy, baka nga desperada na ako. Pero masama bang makasama ko lang ang taong mahal ko at ang anak namin?

Mahal na mahal ko sila, to the point na ibinababa ko na ang pagkatao ko para lang sa kanila. I really miss them. Kung ipinaglaban ko lang sana sila. Siguro masaya na kami ngayon.

Kung naging matatag lang sana ako. Hindi sana mangyayari 'to. Wala sana kami sa sitwasyong ito.

Ipinikit ko ang mga mata ko. Hinihiling ko na sana lahat ng sakit at pagod na nararamdaman ko ay mawala na lang bigla paggising ko.

Hindi ko namalayan na hinila na pala ako ng antok. And everything went black.

“Why are you still sleeping?” Isang boses ng bata ang narinig ko pagkamulat ko. Nagulat pa ako dahil nasa harapan ko mismo si Light habang masamang nakatingin sa akin.

“I'm already hungry!” Napabalikwas naman ako ng bangon dahil sa narinig. Napatingin ako sa wall clock sa pader at napatapik sa noo ng makitang alas otso na pala ng gabi.

Ganun ba katagal akong nakatulog? Napasulyap ako sa harapan nang marinig ko ang mahinang paghikbi niya.

“Bakit ka umiiyak?” Nag-aalalang tanong ko dito.

“Daddy's not here, and I'm still not eating. What if I starve to death? You're...you're still sleeping and didn't even cook. I will tell it to daddy. You should be fired!” Gusto kong matawa dahil ang cute niyang magalit but I stopped myself dahil baka mas lumala ang topak niya.

“Sorry na po, napagod lang si mo—yaya.” Muntik pa akong magkamali buti na lang ay napigilan ko agad.

Nilapitan ko siya at kinarga. Ayaw niya pa nung una pero nang tumagal ay napirmi na rin sa karga ko.

“What do you want for dinner?” Tanong ko sa kanya. Pasimple ko siyang inamoy. Hmm, ang bango. Amoy baby.

“I want fried chicken, nuggets and bacon.” Napataas naman ako ng kilay sa request niya.

“Magagalit ang daddy mo. You should also eat vegies baby.” Nalukot ang mukha niya nang marinig ang sinabi ko.

“Daddy's not here. And you won't tell it to him, right?” Nakakunot ang noong bumaling siya sa akin.

Kunwari ay nag-iisip pa ako. Pasimple ko siyang sinilip at nakita ko ang lalong pagbusangot ng mukha niya.

“Don't dare, yaya.” Manang-mana talaga sa ama niya.

“Fine, I will cook all of that but you also need to eat vegies. Okay ba?” Matagal bago siya nakasagot pero napangiti ako nang tumango siya.

Hindi ko napigilan at nanggigigil ko siyang hinalikan sa pisngi. Inis naman na pinahidan niya iyon kaya napahagikhik ako.

“Eww, yaya. Your saliva. Dirty!” Natawa na lang ako. Ang arte naman, parang hindi galing sa akin ha.

Masaya ako dahil kahit papaano ay nakalimutan ko ang mga masasakit na salitang sinabi sa akin ng ama niya.

Obsession Series 1: My Professor's Obsession (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon