Dara's Pov
It's been a week nang makabalik kami galing sa field trip namin. At hindi pa rin maalis sa isip ko kung paano ko binigay ang pagkababae ko kay Dark. Kung tatanungin niyo kung nagsisisi ba ako? Hindi ang isasagot ko. Bukal sa loob ko ang ibigay ang pinakainiingatan ko sa taong mahal ko.
Sa bawat oras at araw na lumilipas ay mas lalo ko siyang minamahal. Si Dark kasi ang tipo nang tao na walang lumilipas na oras at araw na hindi niya pinapakita ang pagmamahal niya sa akin. Bagay na gusto kong maramdaman sa mga taong mahalaga at espesyal sa akin.
Kung meron mang mapipintas sa kanya yun na siguro yung pagiging possessive at pagkaseloso niya na minsan parang wala na sa lugar. Okay lang naman yung magselos siya pero sana naman huwag niyang career-in masyado. Gaya kanina. Paulit-ulit niyang tinatanong kung kilala ko daw ba yung nagmessage sakin kanina. Nagalit pa ang loko eh hindi ko naman kilala. Ang sabi ko baka na wrong sent lang. Hindi pa sana maniniwala kung hindi ko pa sinamaan ng tingin.
"Babe!" napahinga ako nang malalim nang madinig ko na naman ang pagiinarte niya.
"Ano na naman?!" inis na baling ko sa kanya. Sabado ngayon kaya wala kaming pasok. Ewan ko lang dito sa lalaking to. Mukhang hindi naman siya busy dahil nandito na naman siya nakatambay sa apartment ko.
"I want to sleep here tonight. I want to cuddle you. I miss you!" inikutan ko siya nang mata.
"Magtigil ka nga diyan! Magkasama lang tayo kahapon. Anong miss na naman yan?!" asik ko sa kanya.
"Tss...whether you like it or not, i will sleep here period!" pagkasabi niya non ay pumasok na siya sa kwarto ko at humilata. Napakabossy! Sarap sipain sa mukha kaso huwag na baka mabangasan pa yung gwapong mukha niya.
Naiwan naman akong nakatunganga dito. Desisyon siya masyado!
Tumayo ako sa pagkakaupo sa sofa. Tinignan ko ang oras at nakita kong alasais pasado na. Mabuti na lang pala at nagluto na ako.
Tinungo ko ang kwarto ko kung nasaan si Dark. Kumatok ako at sinabing kakain na kami. Nagtaka ako dahil walang sumasagot kaya naman binuksan ko ang pintuan at pumasok. Pagbukas ko ay nakita ko siyang himbing na natutulog.
Lumapit ako at napansin kong malalim ang paghinga niya. Mukhang pagod na pagod siya. Ano na naman kaya ang ginawa nito kanina?
Hindi ko na muna siya ginising at pinabayaan ko muna. Mukhang kailangan niya nang matagal na tulog.
Kumain na lang ako mag-isa. Titiran ko na lang siya nang kakainin niya. Pagkatapos kumain ay hinugasan ko ang mga ginamit ko.
Papasok na sana ako sa kwarto nang makita ko ang wallet niya sa sofa. Kinuha ko ito at ibibigay na lang sa kanya mamaya pero parang may naguudyok sa akin na buksan ito.
Kahit anong pigil ko sa sarili ko ay wala pa rin akong nagawa. Binuksan ko ito at tumambad agad sa akin ang isang litrato na napakapamilyar sa akin.
Litrato ko nuong nasa 2nd year high school pa lang ako. Nakakapagtaka dahil ngayon lang kami nagkakilala. Paanong mayroon siyang litrato ko nuong high school pa lang ako. Matagal na ba niya akong kilala?
Napaidtad ako nang biglang bumukas ang pintuan. Agad kong naitago sa likod ko ang wallet niya. Grabe ang kabang nararamdaman ko. Feeling ko gusto nang lumabas ng puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito.
Nagtataka naman siyang tumingin sa akin.
"Is there something wrong?" takang tanong niya. Ngumiti ako sa kanya bago kabadong sumagot.
"Wala naman" gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil hindi ako nautal. Mukhang nakumbinsi ko naman siya.
"Anyway did you see my wallet?" biglang bumalik ang kaba ko nang mabanggit niya ang wallet niya.
"Ahm no...b-baka na misplace mo lang" kinakabahang sagot ko.
"Is that so? Ok hahanapin ko na lang dito..I'm sure that I lost it here..dala ko pa siya kanina eh" mahabang sabi niya.
" hanapin na lang natin" kunwaring sabi ko. Sorry po Lord kung nagsinungaling ako.
"No it's ok. I'm hungry Babe I want to eat now" biglang sabi niya.
"Sige sasandukan na lang kita"
"Thank you babe I love you!" masayang sabi niya. Lalapit sana siya sa akin nang pigilan ko siya.
"A-ahm magpalit ka na muna nang damit. Yung pantulog mo" sabi ko sa kanya para mapigilan siyang lumapit sa akin.
"Okay" pagtalikod niya ay napahinga ako nang maluwag. Pigil pigil ko kasi yung hininga ko kanina.
Napatingin ako sa wallet na hawak ko. Mabilis ko itong nilapag sa kung saan ito kanina at mabilis na nagtungo sa kusina.
Hawak ko ang dibdib ko nang makarating ako dito sa kusina. Parang biglang sumakit yung ulo ko. Hindi ko alam kung bakit pa ako nagsinungaling kanina. Kung tutuusin hindi naman ako dapat ang kinakabahan eh. Siya dapat! Kaso iba lang ang pakiramdam ko. Bakit meron siya non? Yun ang tanging katanungan na namumuo ngayon sa isip ko.
"babe?" shit! Muntik ko pang mabitawan ang platong hawak ko nang bigla kong marinig ang boses niya.
"O-okay andiyan na!" binilisan ko ang ginagawa ko at tinungo na ang sala kung saan siya andoon.
Inilapag ko sa harapan niya ang pagkain at akmang aalis na sana nang bigla niyang haklitin ang bewang ko at ipulupot ang mga braso niya dito.
Nailang naman ako. Nang dahil sa ginawa niyang iyon ay napaupo ako sa hita niya kung kaya't ramdam ko ang bukol sa ibabaw niya.
"Stay here babe hmm. I want you to feed me" malambing na pakiusap niya habang marahang hinahalikan ng balikat ko. Paulit ulit niya iyong ginagawa na mas lalong kinailang ko.
"Ahm sige" pagkasabi ko non ay pinilit kong umalis sa hita niya. Nang tinignan ko siya ay lukot ang mukha niya. Halatang hindi nagustuhan ang ginawa ko.
Magsasalita pa sana siya ngunit nilagyan ko na agad nang pagkain ang bibig niya.
Kung gusto niyang subuan ko pa siya...magtiis siya!
Napaubo siya sa pagkabigla. Nakonsensya naman ako kaya binigyan ko agad siya nang tubig.
" Are you going to kill me?!" sabi niya habang nauubo.
'di ka naman natuluyan eh'
"Babe!" inis na sigaw niya.
Gusto kong matawa dahil pulang pula ang mukha niya.
"Sorry" tanging nasabi ko.
"Tss" siya.
"Feed me again PROPERLY" may diin na sabi niya sa dulo.
"Yes master!" panggagaya ko don sa napanuod ko. Nakita kong halos maibuga niya ang tubig na iniinom niya.
"WHAT THE FUCK!" nagulat ako dahil sa pagsigaw niya.
Taka akong napatingin sa kanya. Nagiigting ang panga niya at mas lalong pumula ang mukha niya pababa sa leeg niya.
"Are you still sore babe? Cause if not, I'm going to ravish that sinful body of yours" sabi niya habang mabilis na nagtataas-baba ang dibdib niya na kinalaglag nang panga ko.
***
©️ macharlenebianca
BINABASA MO ANG
Obsession Series 1: My Professor's Obsession (On-going)
RomanceDara Garcia is known for her intelligence and grace. But behind closed doors, she faces a different reality as she becomes the object of her professor's obsession. Despite her attempts to resist, she finds herself trapped in a terrifying cycle of a...