Chapter 48 Choose Me

15.1K 981 210
                                    


Catiana got me more swimsuit options anyway. Some are one piece suits pero kita pa din naman ang beywang at tiyan sa mga style na yun. An interesting piece caught my attention it was a two piece flounce top micro lace bikini, it has thin straps connecting the two pads in the boobs area that extends criscrossed through the body area just on top of the navel.

The fabric will definitely show a lot of skin in the boobs area and on the buttocks too. I love the design and I love the color. I took the item to the changing room and carefully slip into the elegant blue swimwear.

Mas malaki ang mirror sa labas at mas maliwanag, mas makikita ko doon ng maigi kung anong itsura ng suit sa akin kaya lumabas ako upang doon pasadahan ng tingin ang sarili.

"Hmm.." isang kontentong ngisi ang sumilay sa aking mga labi. Enough naman ang size ng diddib ko para bigyang katarungan ang bra, at maumbok naman ang pwetan ko para sa style ng bikini. Inayos ko ang pagkaka-ikot ng maninipis na straps sa katawan ko bandang taas ng pusod. Dahil doon mas lalong naemphasize ang kurba ang katawan ko.

Hindi na masama. In fact, I'm more than satisfied with the image I see in the mirror. Umikot-ikot pa ako sa salamin upang busisiin lahat ng anggulo--

"Are you going for a swim this late in the evening?"

Nanlaki ang mga mata ko. Natigilan ako sa ginagawa at kaagad na nanigas ang buong katawan. I need to stay calm, I need to look calm. I don't wanna be awkward right now especially if there's nothing to be awkward about. Nagmukha na akong ewan sa kanya kaninang umaga, hindi na mauulit iyon.

Breath in. Breath out. You can do this!

Inalis ko ang mata ko sa salamin at pumihit paharap sa kanya. Aware akong naka bra at panty lang ako at nakaluwa ang kaluluwa ko sa suot ko.

"Kanina ka pa diyan?"sinubukan kong itaas ang kilay ko.

"Kakapasok ko lang."

"Hindi ka marunong kumatok?"

"Kumatok ako. Hind mo lang narinig."

"OKay."Hindi ko kayang magsungit. Tama nang umarteng kalma, hindi ko na kayang umarteng masungit pa lalo't ganyan siya kagwapo, mukhang bagong ligo nakasuot lang ng tshirt and sweatpants, mamasa-masa pa ang buhok. "May kailangan ka?"

"Wala."

"So anong ginagawa mo dito?"

Kibit-balikat siya. "Hindi ko alam."

Hindi niya alam? Malamang tsine-check niya kung tumakas na ako o di kaya'y lihim na kino-kontak ang mga magulang ko.

"Are you going to go swimming?" tanong niya ulit habang pinapasadahan ng tingin ang katawan ko mula ulo hanggang paa. Nag-init ang pisngi ko sa ginawa niya, gustuhin ko mang basahin ang iniisip niya, hindi ko magawa dahil hindi ako makatingin sa mukha niya. Pilit kong binabaling sa ibang direksyon ang mga mata ko.

"Siguro magswiswimming ako. Kaya nga nakaswimsuit."

"At eleven o'clock in the evening?"

"Oo bakit? Tatawagin ko si Catiana magpapasama ako."

"Masyado nang late para tawagin mo siya. Hindi ka naman siguro slave driver? Isa pa may ipapagawa ako sa kanya ng maaga bukas."

Anong ipapagawa mo? Gusto kong itanong pero alam kong baka out of the line na ako.

"Ako nalang mag-isa."

"Malamig ang tubig sa beach sa gabi at delikado nang magswimming doon ngayon."

The Boy I Love to HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon