Chapter 40 The Viral Scandal

12.6K 783 122
                                    


Kahit na nanghihina, natuloy ang flight ko pabalik ng Manila, I was able to survive the long flight with disturbed stomach because I had an even more disturbed mind that goes with it. Ilang oras akong nakatitig lang sa smartphone ko bina-browse kung hanggang saan na nakarating ang interview ko na yun kung saan nagcomment ako sa ex ni Marie SinClaire. Over the years I have been very careful not to get in his way, not to even get his slightest attention. Magkaiba na kami ng mundong ginagalawan. Magkaiba na ang mga priority namin sa buhay, at higit sa lahat hindi na kami parte ng buhay ng isat-isa. Lumipas na ang maraming taon, marami nang nagbago sa buhay ko, pero sa tuwing nababanggit ang pangalan ni Caden tuwing nagbabrowse ako sa business news naroon pa rin ang pamilyar na kirot sa puso ko na hindi kayang hilomin ng panahon at ng mga taon. They say that time heals all wounds, apparently not mine, not my deeply wounded heart.

We separated badly, pinakaworst na sitwasyon na yata na pwedeng pagdaanan ng bagong magkasintahan ang napasukan namin ni Caden bago kami magtapos ng senior high school. Nalugi ang kompanya ng Papa niya, tinalikuran siya ng mga magulang niya, dumating sa puntong hindi na siya pwedeng magpatuloy ng paglalaro at pagaaral niya. I was his girlfriend at the lowest time of his life, he made me very happy despite the fact that he was struggling to survive himself. But what can a girlfriend with extreme inferiority complex do for him at that time? I was immature, I was weak, and was clueless of almost everything. Ang iniisip ko lang ng mga panahon na iyon ay kung gaano ako ka-inferior kumpara sa kanya. Iniisip ko lang ang tungkol sa walang kwenta kong opinyon sa sarili ko na hindi ako sexy at hindi ako maganda. Habang binabalikan ko ang lahat ng iyon mas lalo kong gustong kastiguhin ang sarili ko. Napakababaw ng mga dahilan ko para iwasan siya, samantalang kahit na hirap na hirap na siya gusto niya pa ding kumapit sa akin at ipaglaban ako. Sana man lang naging sandalan niya ako, sana man lang natulungan ko siya kahit moral support man lang sana, palakasin ko lang ang loob niya sa gitna ng mga hamon na pinagdadaanan niya. Pero hindi, ang ginawa ko, iniwan ko siya sa ere. I was stupid. I was selfish. I was a big heartache for him. Kaya kahit na gaano ko kagustong bumalik sa kanya at magmakaawa na patawarin niya ako sa lahat ng sakit ng loob na binigay ko hindi ko magawa. Naduduwag ako at nahihiya, wala akong karapatang magpakita ng kahit na anino ko sa kanya.

It has been 11 long years since I left him with a stupid note saying 'it's over."

At hanggang ngayon hindi ako pinapatahimik ng puso ko. Sa tuwing nakikita ko ang mukha niya sa business news nagririgudon ang puso ko tila gustong kumawala. I can say from a distance that a lot has changed about him. Nawalan ng ningning ang kanyang mga mata, nawalan ng lalim ang kanyang mga ngiti. He became even more cold and aloof, he became heartless.

Sa pag-uwi kong ito, gusto kong ipanalangin na sana makita ko siya sa personal kahit na malayo. Gusto ko ring ipanalangin na sana... hindi niya ako makita. Ayokong ipaalala sa kanya ang sakit, ayokong maalala niya kung gaano ako kawalang kwentang girlfriend sa kanya noon. Sa lalim ng inabot ng isip ko sa nakaraan, hindi ko mapigilan ang humikbi ng tahimik. I miss him. I miss him so much. Now I can't even face him with a simple hello, not even a quick glance.



Mahigpit na yakap at mainit na halik ang sinalubong sa akin ng mga magulang ko sa pintuan palang ng bahay namin dito sa Pilipinas. Wala pa ring pinagbago ang lahat sa loob ng 11 years, parang kailan lang nang magdesisyon si Papa na dalhin sa ibang bansa ang kanyang negosyo. Parang kailan lang nang magdesisyon akong sundan ang mga pangarap ko sa America. Ngayon, pagkatapos ng maraming pangyayari sa buhay ko, ang bahay na ito nananatiling walang pinagbago. Nanatiling matatag at nakatayo sa hamon ng panahon. Sana katulad ng bahay na ito ang puso ko, matatag at matapang.

Kinabahan ako nang maalala ko ang bahay sa kabilang bakuran. Bumalik kaya siya sa dati niyang kwarto? Sa kabilang bahay na kaya siya ulit nakatira? Nanghina ang tuhod ko sa isiping iyon, wala tigil din ang pagpitik ng mabilis ng puso ko.

The Boy I Love to HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon