Chapter 23 In love with a Demon

16.6K 875 72
                                    

"What was that all about?" taas ang kilay niya sa akin.

"Wala." kinapa ko ang dibdib ko. Masarap kahalikan si Bernard. Hindi nakakadiri, hindi din nakakatrauma. Pero may kulang. Parang siyang isang masarap na inumin na dumaan lang sa dila ko, sa lalamunan at nang malunok ay wala na. Walang sipa. Walang after effect. Hindi kagaya kapag si Caden ang hinahalikan ko.

"What? You just give a random kiss for no reason? Just like that?"

"Hindi ah. May gusto lang akong patunayan." depress kong sagot. "Tara na nga lang sa clinic. Kailangan kong magpa-repair ng puso. Kinakalawang na 'tong akin."

"You wanted to know the difference between some guy's kiss and your true love's."

Tinitigan ko siya. "Manghuhula ka ba? Paano mo nalaman?"

"Because you're not the type who kisses random guys."

Nginitian ko siya. "Well, I'm the kind who's into so much 'random' these days. Unpredictable even. Ginagawa ko kung ano ang pumasok sa utak ko nang hindi pinag-iisipan. Yung paghalik ko sayo ngayon, isang maling pitik ng ugat lang sa loob ng utak ko that I acted upon."

Tinitigan niya ako ng masama. "So what did you discover after stealing a kiss from me?"

"Na totoo ang tsismis."

"Na masarap akong humalik?"

"Na iba ang lasa ng true love's kiss."

"Tch."aniya sabay irap sa akin. "Loser."






True love's kiss. It was just an exaggeration put up by overly romantic poets and story tellers to create a fantasy world that never really exist. A world full of gallant princes and princesses in distress. A world where butterfly talks and mouse can sew a beautiful gown. The world they call fairy tales. Walang true love's kiss. It was just a kiss. Lips against hungry lips. No more no less. Pero bakit iba ang pakiramdam ko kapag hinahalikan ako ni Caden? Hindi lang yung pinaniniwalaan kong lips against lips? Kapag siya ang humahalik sa akin, pakiramdam ko kumikinang lahat ng mga bombilya at neurons ko sa utak. Pakiramdam ko umaakyat sa langit ang kaluluwa ko at nagkakafluffy-wings ang mga bituka ko sa tiyan? Tama si Bernard. I'm such a loser. Hindi na talaga ako makaaahon sa napakapathetic kong pagkabaliw kay Caden Arguelles.

"Hoy! Thea Villasanta! Ano na? Kanina pa kita tinatawag dito. Gusto kang marinig kumanta ni Coach. Nandito ka na rin lang, magpaturo ka na sa kanya kung paano kumanta nang may audience. Hindi 'yung puro banyo ka lang."

Nasa dancing and singing class kami. Ang totoo wala naman akong balak na seryosohin ang bagay na ito. Dahil alam kong ilang araw lang, mawawalan na ng interes si Aliyah dito at babalik kami sa dati. Dalawang nerd na tatambay lang sa library hanggang sa magsara ito. Ganoon naman ang buhay namin dati pa hindi ba? Ang gusto kong gawin ay umuwi na, sa mahabang panahon iisang bagay lang ang nagbibigay sa akin ng excitement. Ang umuwi ng bahay para sumilip sa bintana ni Caden. Abangan ang pagbukas niyon, masilayan ko lang ang mukha niya kahit sa malayo, okay na ako. Ganoon ako kapathetic pagdating sa kanya. Old habit dies hard ika nga. Totoo din iyon. Nakadikit na kasi si Caden sa sistema ko kaya ang hirap niyang tanggalin.

Muli kong narinig na nangangalit na tawag ni Aliyah. Kahit na halos hilahin ko ang paa ko sa paglapit sa kanya, ginawa ko. Sasakyan ko nalang ang gusto ng kaibigan ko hanggang sa magsawa siya at siya na mismo ang umayaw dito sa nakakapagod na routine na ito.


Madilim na ng maka-uwi ako sa bahay. Mabuti na lamang at wala ang mga magulang ko kundi mahaba-habang paliwanagan na naman dahil lumampas ako ng curfew. Lata ang katawan ko sa pahirapang sayaw at kanta na pinagawa sa amin ng coach. Sa sobrang pagod ko ni pagpindot ng ilaw hindi ko na ginawa, kahit na ubod ng dilim dumiretso nalang ako sa kama ko, humilata suot ang damit,pantalon at high heels. Nakapusod pa nga ang buhok ko eh, hiniklas ko iyon para makalapat ng maigi ang ulo ko sa malambot na kama. Bumaling ako sa bintana saglit, inaninag ko kung nakabukas ang ilaw sa kabilang bintana, pero kagaya ng dati, nakasarado na naman iyon at madilim. Inabot ko ang lamp shade para naman makakita ako ng kaunting liwanag. Pagbukas ng ilaw, bumungad sa akin ang isang supot mula sa convenience store na naglalaman ng isang pack ng Yakult at tub ng assorted na prutas. Kumunot ang noo ko. Dumaan si Mama sa convenience store at iniwanan ako ng ganito sa kwarto ko?

The Boy I Love to HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon