Chapter 22 Mighty and Great

16.6K 942 127
                                    




First thing in the morning I saw him entering the school premises in Teisha's car. Naka-red convertible sila, he was on the driver's seat while she's all over him touching every part of his skin. Kahit na matagal na silang nakaparada sa parking lot ng school they didn't seem to notice. Busy silang nagbubulungan at nagtatatawanan sa isa't isa.

At least they're not kissing. Kahit na. Sinong matinong lalaki ang gagawa ng ganito ka public na paglalandi ? Si Caden Arguelles lang. Kung tutuusin wala namang official sa aming dalawa.Ni hindi kami nag i love you sa isa't isa. Maliban sa sinabi niya kagabi na hindi ko naman maaasahan. Baka nga ang totoo kiss buddy lang kami at pampalipas oras niya lang ako.

Masakit. Pero may choice ba ako? Hindi ko na maiiwasan 'to dahil ito naman ang gusto ng puso ko. May pagka masokista na yata ako. Kahit na masaktan basta paminsan-minsan siyang and'yan sa tabi ko --kahit sa dilim lang at tagong lugar kagaya ng kwarto ko. Okay na iyon. Masokista at tanga eh. Kung ipopost ko sa Facebook ang lovelife status ko malamang nagviral ako , viral sa katangahan. Magkakarebolto ako ng wala sa oras.

Pinilit kong tumalikod at magkubli. Mabilis ang mga hakbang ko papunta sa classroom, nang makita ko ang maaliwalas at nakangiting mukha ni Aliyah, medyo kumalma na ang puso ko. Nasa school ako. Normal lang dapat. Balik sa dati ang lahat, walang Caden na nag eexist sa mundo ko dito sa campus.

"May thing kayo ni Bernard? Akala ko si Caden--"

"Ssshh." tinakpan ko ng daliri ko ang bibig ni Aliyah. "Wala kaming thing ni Bernard. Wag kang nagpapaniwala sa mga tsismis."

Umikot ang mga mata ni Aliyah. "Bakit ang sweet niyo doon sa mga pictures? Para kayong bagong lovebirds na naglalandian sa field kahapon!"

"Hindi ah. I was just asking him to teach me football." balewala kong sagot sa curious niyang mga tanong. Inilabas ko na ang libro para sa unang subject. Kumuha ako ng papel at nagsulat doon ng mga keypoints habang nakatingin sa akin si Aliyah.

"Gumagawa ka ng kodigo?" tanong niya.

"Hindi naman 'to kodigo. Para kay Bernard. Mahina siya sa Science, same tayo ng teacher, nabanggit niyang may exam sila. Baka makatulong 'to."

Umangat ang kilay ni Aliyah. "At tutor ka pa niya ngayon? Tigilan mo na 'yan hindi magandang tingnan. Unless gusto mo talagang matsismis na may thing kayo ng lalaking'yan. "

"Hindi na siya kasali sa grupo nila Caden. Outcast na siya ngayon. Gusto ko siyang tulungan dahil hindi niya deserve ang mga pang-aapi ng mga estudyante dito sa kanya, lalong-lalo na ng mga dati niyang kaibigan."

"Ayan ka na naman sa pagkaMother Superior mo." komento ni Aliyah. "Bahala ka na nga d'yan. Gusto mo 'yan eh. Basta sasamahan mo ako mamaya sa practice ko ha. Papakilala kita sa trainer ko. Magaling 'yun magturo kahit na sa mga singer na kagaya mo. If there's a chance baka malay mo makasali ka sa Battle of the Bands!"

"Aliyah. Una sa lahat, wala akong banda. Pangalawa, hindi ako pang-stage. "

"Sinong pang stage? Yung malalanding queen bee ng school kagaya nila Teisha?" biglang napatitig sa akin si Aliyah. "Pati pagiging stage girlfriend ni Caden mukhang ginapang na ng isang iyon."

"Sshh. Let's not talk about it, Aliyah. Ayokong masira ang mood ko ngayong araw na ito ha? At huwag kang mag-alala, sasamahan kita sa practice na 'yan na bago mo na namang trip sa buhay na alam kong ilang araw lang ay makakalimutan mo lang din."

"Hindi ah. Serious ako dito." ingos ng kaibigan ko. Yun naman ang lagi niyang sinasabi kapag may bago siyang natipuhan. Kaya hindi ko nalang pinansin ang mga susunod niyang sinabi. Binaling ko ang atensyon ko sa sinusulat, nang matapos ko iyon ay maingat kong tinupi at siniksik sa bulsa ko. Makikita ko mamaya si Bernard sa susunod na subject, sinabi niyang pupuntahan niya ako.


The Boy I Love to HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon