Chapter 5 Ms Yellow Tweety Shoes

23.9K 1K 43
                                    


Cade


"Caden, bakit ngayon ka lang?" salubong ni Daddy. Akala ko walang tao at tulog na ang kaisa-isahan naming katulong sa bahay nang dumating ako. Nakapatay kasi ang lahat ng ilaw sa sala maliban sa isang madilim na lampshade sa tabi ng mahabang sofa. Naabutan ko si Papa na gulo-gulo ang buhok, kalas ang necktie, nakabukas ang ilang butones ng polo at may hawak na isang bote ng alak. Napailing-iling ako at pakutyang tumawa ng maiksi. He fucked up again, I knew. Kaya wala dito si Mommy, malamang nilayasan na naman siya. Ano na naman kayang kalokohan ang ginawa ng ama kong kumpirmadong black sheep ng angkan ng mga Arguelles?

"What happened?"ingos kong tanong na may kasamang paniningkit ng mata.

"Anong klaseng tanong 'yan ha? At bakit ganyan ka kung makatingin? Akala mo ang galing-galing mo ah, pare-pareho kayong lahat. Ikaw, yung Lolo mo, pati na ang mga mapangutya mong mga Tito ang tingin niyo sa akin talunan at walang silbi. Magsama-sama kayong mga animal kayo. Hindi ko kayo kailangan sa buhay ko. Sawang-sawa na ako sa mga pangmamata at pang huhusga niyo sa akin na para bang ang tanga-tanga ko. Na bobo ako at walang silbi!!"

Napairap ako. "Nagtanong lang ako kung ano ang nangyari ang dami mo nang sinabi."

"Wala na. Wala na tayong negosyo. Luging-lugi na, baon na baon na ako sa utang. Binabantaan na ako ng grupo nila Diaz na kung hindi ako makakapagbayad sa lalong madaling panahon, papatayin nila ako. Susunugin nila ang bahay na ito!"

"What?!" tumaas ang tono ko. "What the fuck are you talking about? Anong wala na tayong negosyo? Wala na ang perang pinahiram sa'yo ng Lolo para makabangon ka at nagka-utang ka pa ng malaki? Anong pinaggagawa mo, ano bang nangyari?"

"Anong ginawa ko? Wala! Pinatakbo ko ng maayos sa abot ng makakaya ko, pero wala eh, lugi pa rin. Umutang ako dahil hindi ko kayang harapin ang Lolo mo at sabihing palpak na naman ako, pero ang putang-inang kasosyo ko tinakbuhan ako. Ngayon naisanla ako ang lupa sa probinsya pati na rin ang mga kotse--"

"Kotse ko kasali?"

"Pati mga alahas ng Mama mo, wala nang naiwan Cade."

"Tch. You're in deepshit trouble old man. Bakit ngayon mo lang sinasabi sa akin 'to?"

"Dahil ayokong pati ikaw bumaba ang tingin mo sa akin--"

"Matagal nang mababa ang pagtingin ko sayo Dad! Hindi lang dahil bobo ka sa pagpapatakbo ng negosyo kundi pati na rin pagdating kay Mommy. Ginagago ka ni Mommy ng harap-harapan hindi ka man lang umalma, ni hindi ka nagsalita nang makita mong may ibang lalaking kasama si Mommy sa condo niya!"

Napatingin ng mariin si Ricardo Arguelles. "Paano mo nalaman ang tungkol doon?"

"I'm not as dumb as you are, Dad. I can read signs. I knew that Mom was cheating on you and you know it! Wala kang ginagawa, hindi mo sila sugurin doon at balian ng leeg ang lalaking nang-aagaw sa pag-aari mo. I guess because you don't have the balls to do that--"

Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko lumipad na sa dibdib ko ang alak na hawak niya, nasapol ako at bahagyang tumigil ang pitik ng puso ko dahil doon. Tiniis ko ang sakit. Tiniis ko at hindi pinansin ang bogbog na tumalsik sa binti ko at bumaon.

"Mahal ko ang Mommy mo, ayaw ko siyang tuluyang mawala sa akin. Kapag nakabawi ako sa negosyo alam kong babalik siya sa akin. Kaya lang naman nakikisama si Leah sa gobernador na iyon ay dahil maimpluwensya ito at mapera, kapag bumalik na ang lakas ng negosyo..babalik siya sa akin--"

"Hinahayaan mong mantsyahan ng iba ang pag-aari mo? How pathetic is that, Dad? Eh panu yan, lugi ka na naman? Hindi ka na tutulungan ni Lolo, pati na ng mga kapatid mo. Sawang sawa na sila sa pagsasalo sa mga kapalpakan mo. You're on our own now, Dad. Ano, kailangan ko na din bang tumigil sa pag-aaral dahil wala ka nang pang-tuition sa akin? Sabihin mo lang.."

The Boy I Love to HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon