PROLOGUE

106K 1.9K 69
                                    

"Pakiulit nga ng sinabi mo Caden Arguelles?" Marie demanded at the top of her lungs.

Mariin akong napapikit habang tutop ang nakayukong noo. We're not in a very private place para magsigawan. Although dim ang paligid ng first class na restaurant na kinaroroonan namin at kaunti lang ang tao, pakiramdam ko lahat naman ng mga ito lihim na nakatutok ang atensyon sa aming dalawa.

Marie, you heard me; we're done. It's over." mahina at nagtitimpi kong tugon.

"You're really breaking up with me? How dare you!" hindi ibinaba ni Marie ang boses. Namumula ang mala-manika nitong mukha at nagbabadya ang mga luha.

"Tch! Lower your voice, will you?" mariin kong asik.

"You're an asshole! Nahihiya ka sa kanila sa 'kin hindi? I gave you everything. My time, my life, I sacrificed even my career for you tapos makikipagbreak ka lang sa 'kin?" hindi makapaniwalang sumbat niya, tuluyan nang tumulo ang luha sa mga mata. Tama naman si Marie, she sacrificed her modeling career just to be with me. Nagkaroon ng bahid ang pangalan niya nang lumabas ang tsismis na inagaw niya ako sa kaibigan niyang modelong si Dayana. Lumabas siyang ahas at walang bait sa sarili, marami sa mga fans ni Dayana ang nagpalugmok sa kanya sa social media hanggang sa wala nang dumating na mga endorsements sa kanya. Pati mismong manager niya, iniwan siya sa ere.

"I'm sorry. Pero hanggang dito na lang talaga ang kaya ko. Sinabi ko naman sa 'yo right from the start na hindi ko kayang makipag-commit sa kahit na kanino. I don't do relationship Marie, alam mo 'yan. Pero ikaw itong nagpumilit, pinagbigyan lang kita—"

"So what are you telling me now? Na kasalanan ko pang minahal at sineryoso kita?" walang tigil ang luha sa mga mata niya. Naawa ako pero wala akong magagawa kailangan kong makipaghiwalay hangga't maaga. Dahil mas lalo lamang siyang masasaktan kapag tumagal pa ang aming relasyon. Marie had been a good friend. A good company. A good fuck. Pero hanggang doon nalang iyon.

"I just wanted to be fair with you. Ayaw na kitang paasahin kaya habang maaga pinuputol ko na ang relasyon na ito."

"Bullshit!" singhal niya. "You never cared for me. You never even loved me. Ibinilang mo lang ako sa mga babaeng pinaglaruan mo. I wonder if there's really a heart inside that hard chest of yours, Caden." Tumayo siya at dinuro-duro ako sa dibdib habang umiiyak. "Hindi ka marunong magmahal, napakainsensitive mo!"

"Just stop, ok? Fuckin' stop!" hinawakan ko ang dalawang kamay niyang bumabayo sa dibdib ko. Look, I'm sorry. Let us just be civil to each other and be friends."

"Damn you! I hate you! Hinding-hindi ako makikipagkaibigan sayo!" naghestirikal na ang babae. Nagtagis ang bagang ko sa hiya. Lahat na ng mga tao sa paligid ay nakalingon sa table namin. I even saw some flashes of cameras around. Hindi ako magkakamaling headline na naman ako bukas sa mga gossip magazines! I wanted to just leave the freakin place! Naiintindihan ko din naman si Marie, galit lang siya at nasasaktan. I knew the feeling very well. Sa maniwala ang lahat o hindi, minsan ko nang naramdaman ang ma-reject at maechapuera ng taong mahal na mahal ko.

"Marie, let's go home. For the last time, ihahatid kita--" bago pa man ako matapos sa sasabihin ay malutong na sampal na ang dumapo sa pisngi ko.

"Now we're even, Caden Arguelles. Isinusumpa kong makakahanap ka ng babaeng magiging katapat mo at magiging karma mo sa lahat ng mga kagaguhang pinaggagagawa mo! Maitim ang puso mo!" madiing pahayag ni Marie bago tumalikod. Nagsalubong ang kilay ko, napikon ako sa sampal na iyon. Pero mas napikon ako sa sinabi niya. Well, nauna na ang karma ko. Wala nang mas sasakit pa sa pinagdaanan ko sa kamay ng isang babae.

Ibinukol ko ang dila sa nasaktang pisngi. Iginala ang paningin sa paligid. Alam kong madaming nakakita."Damn. This is fucking embarrassing!" bulong ko sa sarili bago tuluyang lumabas ng lugar.


********

Sapo-sapo ni Greg ang sumasakit na tiyan dahil sa walang tigil na kakatawa. Hinampas ko ng malakas sa kanya ang lintik na magazine na hawak ko na naglalaman ng pagmumukha ko habang sinasampal ng babae. Nandito kami sa opisina at pumunta lang yata ang loko para pagtawanan ako.

"So you cancelled all your appointments this morning just to laugh at my face, huh?" naiiritang asik ko.

"Hindi naman Cade, natawa lang talaga ako sa mukha mo sa frontpage ng newspaper, huling huli sa akto ang pagkakasampal sayo!" sabay tawa pa.

Matalim na tingin ang ipinukol ko sa kanya. Sumandal ako sa swivel chair at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. "Ang hindi ko maintindihan diyan sa mga reporters na 'yan pati mga walang kakwenta-kwentang bagay pinaglalagay sa headline! Mga walang magawa sa buhay."

"Talaga hindi mo alam? Cade Arguelles in case you haven't notice you're a big fish in the corporate world. Isa ka sa pinakamayamang bachelors sa buong Pilipinas, ikaw lang naman ang nag-iisang tagapagmana at tagapamahala ng conglomerate ng mga Arguelles sa loob at labas ng bansa. Maraming sumusubaybay sa buhay mo. Everything about you is big deal for them, especially your love life! Itong newspaper na 'to, Ilang libong kopya na ang naibenta nationwide! Sa social media palang patok na patok ka na!"

"Yeah. Coming from the writer's boss. Tsismis ang nag dadala sayo ng pera alam ko. Wag ko lang malaman na personal mo akong pinapa-stalk sa mga tauhan mo dahil tatamaan ka sa 'kin! Walang kai-kaibigan sa akin naintindihan mo?"

"Hoy wala akong alam diyan ah.Hindi ako ang naglabas ng balita. Sayang nga eh. Malaking pera sana."

Greg was into newspapers and magazines. Malaking publishing company ang pinapatakbo nito kaya naman hindi nakapagtatakang tsismoso, ka-lalaking tao. Natahimik ito nang binasa ang article tungkol sa akin.

"What's with this 'It's over' na tagline mo? Sikat na 'to ah. Every time na nakikipagbreak ka, you're throwing these cold and deadly words to those girls." komento nito.

"Napaka-tsismoso mo. Umalis ka nga sa harapan ko, hindi ako makapagtrabaho dahil sa'yo!"

"Curious lang ako. Kahit kasi bulgar na bulgar ang mga babe escapades mo sa publiko, marami ka pa ring misteryong tinatago, ni hindi ka nga nagpapainterview!"

Sumeryoso ang mukha ko.

"Pikon ka na?" untag ni Greg.

"I hate those words. Sa totoo lang ayokong binabanggit iyon, nasasabi ko nalang basta kapag gusto ko nang layuan ang isang babae."

"Talaga?" napapaisip nitong tanong sa akin.

Kumuyom ang kamao ko sa pagragasa ng mga memoryang gustong-gusto ko nang kalimutan. paulit-ulit na pinapatay ang puso ko ng mga eksenang bumabalik sa balintataw ko. I need a fuckin' escape from all these! Kailan ko ba makakalimutan ang pagmumukha ng babaeng iyon. Paano ko siya mabubura sa pesteng utak ko!?"

The Boy I Love to HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon