Lahat ng mga empleyadong madaanan ko pasimpleng nakatitig sa akin na kapag nahuli ko ay kaagad na naglilipat ng tingin. Alam ko ang dahilan kung bakit ganito na naman ang kilos nila, hindi na bago sa akin ito. Sa tuwing may kaganapan sa buhay ko na hina-highlight ng media mas mabilis pa sa virus kung kumalat ang balita, kagaya ngayon. Matunog na naman sa social media ang recent break up ko with Marie, kung hindi ko lang kailangan sa negosyo, hindi na ako interesadong magbukas kahit pa ng Google, wala na nga akong social media accounts nagagawa pa din ng internet na iparating sa akin kung ano ang mga kaganapang pinagtsitsismisan ng mga tao. Pagod na pagod na ako at asar na asar na.
Associating myself with a celebrity like Marie is a bad idea. No, It's actually the worst. And it's never gonna happen again. Ngayon parami na ng parami ang mga taong gustong sumubaybay sa buhay ko na para bang isa akong kapana-panabik na teleserye. Nang makarating ako sa boardroom ng umagang iyon ay bahagya kong niluwagan ang kurbata para makahinga naman kahit kaunti, hindi dahil nasusuffocate ako sa kakulangan ng hangin kundi dahil malapit na naman akong sumabog sa pikon. Nakita ko ang headline sa Google ngayon at hindi ko gusto ang nabasa ko. Everybody is full of opinion like they knew me personally, like they've walked the grounds I'm walking on. Like they're in my shoe for the longest time.
"Have you read my proposal, dude? What can you say about it, am I not a genius or something? Come on say it, man. I'm the best!!" salubong sa akin ni Ethan, anak siya ng isa sa mga kaibigan ng Lolo ko kaya kahit na sa akin siya nagtatrabaho ay casual lang ang turingan namin. Walang Boss, walang empleyado. Isa pa, malakas magdala ng pera si Ethan sa negosyo. Kaedad ko lang din siya at nagkataong magkapareho kami ng mga hilig at gusto.
"What proposal?" kunot-noo kong tanong.
"Hindi mo binasa?"
"Ang alin ba?"
"The private island! The Pearl of the Orient Seas project! I told you I want that island, total naman ay nalulugi na ang kompanyang nagpapatakbo nun hindi pa man sila nagsisimula ay itatake-over na natin habang mainit-init pa ang pagbagsak nila!"
Umiling-iling ako sa sinabi ni Ethan. Napakalabnaw talaga ng konsensiya ng isang ito, para sa pera at negosyo lahat gagawin niya para lang magtagumpay. Kahit pa ang kahulugan niyon ay makaapak siya ng iba o di kaya'y makapanakit. Katwiran niya, hanggat dinadaan niya sa batas at sa patas ang lahat ay wala siyang nilalabag. Ang hindi niya alam ang salitang 'patas' at 'batas' ay malayo at malaki ang pagkakaiba, madalas pa ngang magkasalungat sila.
"I've read the proposal, Ethan. But I don't know if it's wise to capitalize on the idea of others. Hindi ikaw ang bumuo ng orihinal na plano, aagawin mo lang sa kanila 'yon."
"Nalulugi na sila."
"Dahil hindi nila makita kung saan sila nagkamali. Let them figure it out, I'm sure kung hindi natin pakikialaman it's just a matter of time for them to realize what went wrong, makakabawi sila at magtatagumpay sila sa project na iyon."
"Cade, naririnig mo ba ang sarili mo. Kaya bibilhin na natin ngayon na habang hindi pa nila alam kung paano itatama, besides, hindi sila kasing talino ko. Hindi nila makikita kung ano ang mali, hindi sila makakabawi. Ang masama niyan baka hindi natin alam ibenta nila sa iba ang isla pareho tayong nganga! Cade, malaking pera 'to. We're talking about billions here! Kapag nagkataon ang islang iyon ang magiging pinakamalaking private island turned into self-sustainable city in the whole Asia just for royalties! I was thinking of fitting in the whole world to that island. Paris, Egypt, Dubai, Rome...Cade! come on man."
Alam ko ang mga plano niya dahil binasa ko ang mahabang report na inemail niya sa akin over the weekend. Umiiling-iling ako habang iniikot-ikot ang mamahaling ballpen sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
The Boy I Love to Hate
Dla nastolatkówYou Belong With Me by Taylor Swift. This is the song that best fits neighbors Caden and Thea. He's popular. She's not. He's the school famous Quarterback. And she's just a fan girl. She's in love with him since forever. But unlike the song, they're...