Chapter 28 I like you!

13.1K 835 72
                                    


"So this is your discharge papers and I'm signing this right now, makakauwi ka na din sa wakas Ms. Villasanta!" masiglang bati sa akin ng doctor ko. Tumingin sa akin sina Mama at Papa para ngitian ako. Ilang araw ko din silang pinagalala kaya masaya ako na nawala na ang mga wrinkles nilang dalawa dulot ng pagaalala sa akin. Naiexcite na akong umuwi pero iniisip ko si Caden, alam kong dahil mas malala ang nangyari sa kanya ay baka mag-stay pa siya dito ng ilang araw.

"Si Caden po?" hindi ko namalayang naitanong ko sa doctor.

"Si Mr. Arguelles? Mabuti na ang lagay niya, nagising na din siya kagabi at sa tingin namin ay nakakarecover na siya kahit papaano."

"Pwede ko po ba siyang puntahan?"

"Ahm." napakamot ang doctor. "Yes you can, but he's not in a very good mood today I'm not sure if he'll accept visitor in his suite now. Tinaboy niya ang isang nurse namin na magpapalit sana ng dressing ng sugat niya."

Kumunot ang noo ko. Bakit naman gagawin ni Caden iyon? "Baka po nagkatrauma siya kaya medyo aggressive?" pero aggressive naman talaga at magagalitin si Caden paminsan-minsan. It's a side of his character that I've always known kahit pa ibang-iba ang pinapakita niyang kasweetan sa akin the last few weeks. I decided I need to go talk to him, hindi niya pwedeng tanggihan ang mga nag-gagamot sa kanya. Kaya nang makaalis ang doctor, hindi ko na muna isinuot ang dalang pamalit-damit ni Mama.

"Ma, silipin ko lang po muna si Caden.."

Tumingin din ako kay Papa. Tinanguan niya ako.

"Sige, bilisan mo lang. Uuwi na tayo today, aasikasuhin lang ni Papa mo ang bills , tapos mag-aayos ako ng gamit mo. Bumalik ka kaagad ha?"

"Opo."

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan habang papunta sa suite ni Caden. Iniisip ko kung bakit siya bad mood at kung papapasukin niya ba ako kapag kumatok ako. Maaga pa, siguradong wala siyang bisita dahil hindi pa tumatanggap ng mga bisita ang hospital sa mga oras na ito. Kaya naman binilisan ko ang paglakad. Kumatok ako ng ilang beses, pero wala akong naririnig na sagot mula sa loob. Inisip kong natutulog lang siya, ayokong isipin na baka ayaw niya lang akong papasukin kaya di siya umiimik sa loob. Pinasyang kong pihitin ang doorknob. Nakita ko siya sa hospital bed, nakaangat iyon ng husto kaya halos para nalang siyang nakaupo. Nakapikit ang mga mata niya pero pakiramdam ko ay gising siya.

"Caden. Can I come in?"

Hindi siya sumagot. Pumasok ako ng tuluyan at tumayo sa tabi ng kama.

Matagal bago siya nagbukas ng mga mata at salubungin ang tingin ko.

"Who told you to come in?" masungit niyang umpisa, salubong pa ang kilay. He's being grumpy again. Normal lang iyon dahil alam kong iritable naman talaga ang kahit na sinong tao kapag may masakit na nararamdaman.

"I asked you."

"I didn't answer. Do you know what that means?"

"Silence means yes." sinubukan kong tamisan ang ngiti sa kanya.

Pinanlisikan niya ako ng tingin. "It means NO in my vocabulary."

Huminga ako ng malalim. Masyado akong masaya na okay na siya para magalit ako sa kanya. Kahit na anong sungit ng pakikitungo niya sa akin ngayon hindi ko magawang mairita, Gusto ko lang siyang yakapin at ikulong sa mga bisig ko ng mahigpit na mahigpit. Besides, sinong magagalit sa pasyenteng kahit ilang araw nang walang ligo at simpleng hospital gown ang suot ay sadyang napakagwapo pa din? His hair a mess, his face stone-hard, jaw rigid and lips flushing and pinkish....despite being sick.

The Boy I Love to HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon