Chapter 9 That's my Baby

20.9K 880 56
                                    


I'm supposed to be drinking my coffee and reviewing the books that I brought home thoroughly. Pero hindi ko magawa. Walang pumapasok na kahit na anong impormasyon sa utak ko. Pakiramdam ko kahit ang lessons ko sa araw na ito nakalimutan ko na lahat, lumilipad ang utak ko! Hindi ko alam kung saan patungo ang takbo nito, hindi ko mahabol, hindi ko rin mapigilan! Kasalanan ni Caden Arguelles ang lahat ng ito. Bakit kasi bigla-bigla nalang ganito ang pakikitungo niya sa akin? Anong nangyari? Tinamaan ba siya ng kidlat? Nahulog sa mataas na pader nabagok ang ulo? Oh di kaya ay nakulam siya? Bakit ganito siya sa akin ngayon? Hindi ko maintindihan! Panay ang sabunot ko sa ulo ko halos ayaw ko nang pakawalan ito, ang sakit na ng anit ko pati na ng buong bungo ko. Ilang beses na din akong nagpa-ikot ikot sa kama ko, nagpatogtog, nanood ng movie, pero walang umeepekto, si Caden pa rin talaga ang laman ng utak ko.

He took me to a fine dine restaurant earlier before going home. Wala siyang imik the whole time pero inalalayan niya ako papasok sa restaurant, hinawakan niya pa ang kamay ko nang paupoin niya ako sa harap ng bilog na mesa, at hinayaan niya akong mamili ng kakainin namin. Hindi rin ako ang nagbayad, kahit ipilit ko ang sarili kong bayad ayaw niyang tanggapin. Kahit paano ko man isipin, parang date ang nangyari sa amin kanina, ultimo nga 'yong manager doon nagparequest na lagyan ng ilang pirasong red roses ang table namin para daw mas romantic ang ambience. Kahit na anong irap ko sa kanya, panay lang ang tawa niya sa akin.

Napakagwapo ng kumag na iyon kanina. Gusto kong isipin na masama siyang tao at hindi ako dapat na dumidikit sa kanya, pero mahirap gawin iyon lalo't napakacharming ng bawat galaw niya, lalong-lalo na ang ngiti niya. Hay! Bwesit! Bwesit talaga!

"Kailangan kong mag-aral. Kailangang kong mag-aral. Thea Villasanta, you're over this many years ago! Hindi ka na babalik sa letseng one sided na pagtingin mo sa Caden Arguelles na 'yon!"

Pero bakit mo siya tinititigan sa library kanina?

Tanong ng ilalim na bahagi ng utak ko. Kasi obvious naman ang sagot, bihira ko lang makita sa malapitan ang mukha ng lalaking iyon, nasasabik akong pag-aralan na muli kagaya ng ginagawa ko tuwing natutulog siya sa ilalim ng puno noong mga bata pa kami. Gusto kong malaman kung ano-ano ang mga pinagbago sa mukha niya. Iyon lang 'yon. At napatunayan ko siyang higit siyang gwapo ngayon. Kung gaano siya ka-cute noong bata pa siya, siya namang charming at appeal niya ngayon.

Hinintay ka niya sa library kanina na para bang boyfriend mo siya. Hindi ginagawa ni Caden iyon sa iba. Sa iyo lang.

Malay ko ba kung nandoon lang siya dahil hindi siya makalakad? Inalalayan ko pa siya para lang makabalik kami ng kotse di ba??

Pero naghintay siya. Matiyaga siyang naghintay ng isang oras habang nagbabasa ka at nag-iipon ng mga libro. Kahit na pagod siya, nakatulog na sa upuan niya, hindi ka iniwan.

Bwesit na utak 'to hindi nakakatulong! Gusto kong magwala at maghagis ng mga gamit!! Hindi ko pa man nagagawa, nakarinig na ako ng kaluskos sa bintana ng kwarto ko. Natakot ako kasi nakalimutan kong bukas ang bintana baka may nakaakyat na magnanakaw! Imposible dahil mataas ang terrace ng bahay. Tumayo ako upang siguraduhing ingay lang ng puno iyon kapag hinahangin. Sumilip ako sa bintana.




"Boom!!"

Muntik na akong mapatili nang malakas. Si Caden Arguelles. Nasa terrace ko siya at pilit na pumapasok sa kwarto ko sa pamamagitan ng nakabukas na bintana. Kaagad niyang tinakpan ng kamay niya ang bibig ko, dumikit ang likod ko sa init ng dibdib niya nang kabigin niya ako pagkapasok na pagkapasok niya.

The Boy I Love to HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon