Cade
"Cade, may lakad ang barkada this weekend. We're going to go surfing in Baler. Sagot na ni Tristan ang private plane na gagamitin! Maghohotel nalang tayo pagdating doon para no hassle na sa place at sa food. Sasama ka di ba?"
Nasa Spot kami. This is our private place in school. It's like a small play room sa rooftop ng pinakamataas na building sa department namin. Kompleto sa gamit. Fridge, TV, aircon, billiard table, play station, and others. Kasama ko ang tatlo sa barkada ko at ang walang tigil sa kakakuda ay si Jonas na naman. Binitiwan ko ang gitarang hawak ko. "Anong Baler ang inaatungal mo d'yan?"
"Well, napag-usapan na ng grupo 'to. May mga babes tayong kasama galing sa Westside U!! Hindi ka magsisisi, mga game at palaban ang mga 'yon."
Umikot ang mata ko sa kanya. Baler. Gustuhin ko mang sumama wala akong pera. Yung nadugas ko nga sa estudyante nung isang araw naubos sa restaurant na pinuntahan namin ni Thea. Anong ipanggagastos ko d'yan sa Baler na 'yan?
"Dude, di ba may famous hotel kayo doon? Yung ancestral mansion na denevelop ng lolo mo? Pwede tayo doon, malapit lang sa beach na gustong puntahan ng mga babe!" dagdag pa ni Brix.
Napabuga ako ng hangin. Ibinalik ko ang atensyon sa gitara at nagtipa na lamang ng inaaral kong kanta.
"Ano na Cade? Kailangan namin ang sagot mo." si Jonas.
"Hindi ako sasama. May iba akong lakad. Kung gusto niyo kayo nalang."
"Whoa. First time mong tumanggi ah. May lagnat ka ba?"
Tiningnan ko ng masama si Jonas, pati na din si Brix. "Shut up. Hindi mo ba nakikita may kinakabisa ako?"
Inakbayan pa ako ni Jonas. "Master mo na 'yan kanina pa. Ang gusto kong malaman ay kung bakit tumatanggi ka? May ibang babe ka sigurong inaasikaso..?"
"Wala." padabog kong inalis ang braso niya sa balikat ko. "Huwag ka ngang makulit. Kapag sinabi kong ayoko, ayoko! Gusto mong gawin kong string ng gitara 'yang nguso mo?!"
"Iarrange mo nalang kami ng booking sa hotel ng Lolo mo. Balita ko mahirap makapasok doon." ani Brix.
I can't do that. Walang special treatment pagdating kay Segundo Arguelles. Kahit na magrequest ako, hindi din iyon makakarating sa kinauukulan. Wala akong kapangyarihan sa pamilyang iyon. Itong apelyido ko, pakiramdam ko pinahiram lang sa akin. "Inuutusan mo ba ako?" sa halip ay sagot ko kay Brix.
"H-Hindi naman sa ganun, p're. Pero parang ganun na nga!" sabay ang nakakainis na ngiti.
Pinanlisikan ko siya ng tingin. Pairap akong tumalikod, humarap ako sa bintana kung saan kita ang buong oval ng school. Tinuloy ko ang pag-gigitara. Maya-maya nagdatingan na ang iba pang mga kagrupo. They were talking about Bernard.
"Bernard's dad was arrested for human trafficking and estafa today. Can you imagine that? Nagpapadala sila ng mga babae sa labas ng bansa ng walang permit!" said Julius. "who knows kung anong ginagawa nila sa mga babaeng iyon pagdating sa foreign country."
"I heard all their assets have been frozen. Pati mga kotse nila at mamahaling gamit kinokompiska na. Mas mahirap pa sila sa daga ngayon. Kaya pa bang sumama ni Bernard sa grupo?" tanong ni Frank.
Napalingon ako sa kanilang lahat.
"Kahit na gustuhin niya. Wala na siyang pera!" sabay-sabay silang nagtawanan. "Mada-diet sa babae ang loko. Kawawa naman. Huwag niyo na siyang papasukin dito sa Spot. Hindi na siya nababagay dito." deklara ni Julius, ang mayabang na anak ng Senador. "Ano sa tingin mo Cade?"
BINABASA MO ANG
The Boy I Love to Hate
Teen FictionYou Belong With Me by Taylor Swift. This is the song that best fits neighbors Caden and Thea. He's popular. She's not. He's the school famous Quarterback. And she's just a fan girl. She's in love with him since forever. But unlike the song, they're...