Chapter 57 The Wife

16.1K 1K 325
                                    


Segundo and the Executives are calling me. Habang umiiwas sa traffic papunta sa bahay nina Thea , hindi ko mapigilan ang magmura. Alam kong magmumukha akong tanga doon pero hindi pwedeng wala akong gawin ngayon. Ayokong maulit ang nangyari dati. I need to ask her what's going on, I need to hear it from her mouth.

Ilang beses akong muntik nang makasagi ng ibang sasakyan sa pagpipilit na makasingit at makarating ng mabilis sa pupuntahan ko. My heart pounding in my chest real hard, wala akong ibang gustong gawin sa mga oras na ito kundi ang mabawi si Thea. She's the love of my life, she told me she loves me too, therefore she only belongs right by my side and no one else's.

Pagdating ko sa bahay nila halos masira ko an ang doorbell sa labis na pagmamadali na may magbukas na sa akin ng pinto. Nagmamadaling sinalubong ako ni Mrs. Villasanta.

"Caden, what's the matter? Ano bang nangyayari sa inyo ni Thea, akala ko ba naayos niyo na ang problema niyo? Bakit dumating dito kasama si Bernard? What's going on?" walang seremonyas niyang bungad sa akin. Tingin ko'y gulong-gulong din siya.

Nagpunta siya dito sa bahay nila kasama ang lalaking iyon? Ipininrada niya sa mga magulang niyang may ibang lalaki sa tabi niya? Kumuyom ang kamay ko. Did she plan on telling her parents about Bernard now? Whatever happens to that man's engagement anyway? Nitong mga nakaraang araw hindi ko na inintindi ang bagay na iyon kasi akala ko na sa 'kin na ulit si Thea. Na mali ako ng akala sa kanilang dalawa. Mali ba ako na magtiwala sa mga salita niya?

"I want to talk to her. Nand'yan po ba siya?"

"Wala dito. Umalis din kaagad sila kasama si Aliyah. Hindi ko nga pinayagan pero mapilit ang mga kaibigan niya. Hindi ko alam ang nangyayari Caden, you better tell me now."

"Hindi ko din alam kung ano ang nangyayari. Kung bakit siya umalis ng Isla nang hindi nagpapaalam sa akin."

"Hindi nagpaalam??" halatang gulat din ito dahil marahil wala pang nabanggit si Thea sa estado nila ni Bernard. Nakahinga ako ng maluwag.

"Hahanapin ko siya."

"Sige, hijo. Ano ba naman ang nangyayari sa inyong mga bata kayo?"

Hindi ko na sinagot iyon. Sa halip tinawagan ko ang assistant ko sa opisina para alamin kung saan nakatira si Teisha Bernabe. Kung nasaan ito, malamang nandoon din si Thea.




Habang nasa kotse I was browsing through local TV and Radio Channels, kung meron mang makakatulong sa akin ngayon ang mga reporters iyon na nakasunod sa bawat galaw ni Thea araw-araw. Damn I was right. She's in a local TV station studio now for a brief guesting and interview. Kaagad kong pinihit ang manibela, papunta kung saan ang TV station na iyon. Kakarating lang niya magpapa-interview na kaagad? Ano bang iniisip ng babaeng iyon? I'll personally ask the question and she better answer me right.

"Mr. Arguelles?" ang mismong sikat na host ng show ang humarap sa akin pagdating ko doon.

"Where's Thea?"

"Kakaalis lang. Isang segment lang ang interview not more than 15 minutes. Is there any problem, Mr. Arguelles?" tanong ng middle-aged na host.

"Anong interview yun?"

"Well, her agent contacted me, made the arrangements fast, gusto niyang malaman ng mga fans niya na after Grammy's manalo man siya o hindi, she'll settle down for a good amount of time. Everybody's speculating that the young lady is getting married... or is pregnant. Does it have anything to do with you Mr. Arguelles? Hindi ba't sinama mo siya sa isang isla?"

The Boy I Love to HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon