"Here's your registration paperrrrrsss!!" halos tumalon-talon si Aliyah sa tuwa nang ipakita sa akin ang pink na papel na naglalaman ng official number ko sa competition pati na rin ng mga basic guidelines nito. "I can't believe it! I can't believe you're joining the competition, I am sooo blowwnnn away!"Parang kiti-kiting hindi mapakali si Aliyah sa pagsasayaw at pagwawagayway ng registration card ko sa ere, mas excited pa siya kaysa sa akin sa pagsali ko sa Battle of the Bands. Hindi magtatagal ipopost na ng mga organizers ang picture ko at ng banda ko sa hall at malalaman na ng lahat ang pagsali ko. Gusto kong ihanda ang sarili ko sa pagdating ng araw na iyon na alam kong samu't saring reaction ang makukuha ko. Siguro may matutuwa that I decided to come out of my shell finally and meet the world. May macucurious kung ano nga ba ang kayang ibuga ng isang kagaya ko, at meron din namang maiinis dahil iisipin nilang ambisyosa ako at hindi ako nararapatan sa mundong gusto kong salihan ngayon. Well, I don't care anymore, they can say whatever the wanna say about me, ang alam ko lang gusto kong kumanta at gagawin ko iyon nang hindi iniisip ang opinyon ng ibang tao. Kung gustong kong umangat sa larangang ito, ako muna dapat ang maging number one fan ng sarili ko. Kailangan kong maniwala sa sarili kong kakayahan. Kailangan kong maging kompiyansa sa sarili ko dahil kapag iyon ang naperpekto ko, walang pwedeng makapagpabagsak sa akin.
Napabuntong-hininga ako. Madaling isipin pero mahirap gawin. I have always been the girl who's afraid to come out of the shadows. Ayoko ng napupuna, ayoko nang nagiging spotlight. Takot din ako sa opinyon ng ibang tao sa akin. I may act tough on the outside, pero kapag nakakarinig ako ng hindi magagandang comment sa akin, madalas, I break down and just...cry.
"Hoy! Gaga ang tahimik mo d'yan, di ka magsalita?" pansin ni Aliyah.
"Nakita mo ba si Caden?" Si Aliyah lang ang nag-iisang estudyante dito sa St. Martin ang pwede kong pagtanungan tungkol kay Caden. Simula nang ihatid niya ako sa school noong Monday at maghiwalay kami ng daan papunta sa sari-sarili naming classroom, hindi ko na muling nakita pa si Caden. Madalas ko siyang hintayin sa bagong library, pero hindi na siya pumupunta doon. Friday na ngayon, ni isang txt wala akong nakuha mula sa kanya. I thought that maybe there's something wrong with my phone or his phone, pero alam kong pinapaasa ko lang sa maling pagasa ang sarili ko. Kung sira ang cellphone niya at gusto niya akong kausapin, gagawa siya ng paraan. Sa aming dalawa ako ang mas madaling puntahan, kapag ako ang kumilos, palaging mahirap na humanap ng tyansa na masolo ko siya dahil lagi siyang napapaligiran ng mga teammates niya. At palagi siyang ini-stalk ng mga babaeng may gusto sa kanya.
Dumaan kami ni Aliyah sa locker ni Caden upang sana mag-iwan ng sulat doon. Iyon na lang kasi ang naiisip kong paraan para masabihan ko siya na gusto kong mag-usap kaming dalawa. Pero pareho kaming napabuntong-hininga at napasimangot ni Aliyah nang marating namin ang locker ni Caden. Tinangka kong isiksik sa manipis na uwang sa ilalim ang papel ngunit nang ginawa ko iyon ay bumara lang ito at nagsilaglagan ang di ko mabilang na mga nakatiklop na papel sa paanan ko. Iba-iba ang kulay, iba-iba ang laki at iba't-ibang uri ng papel ang ginamit pero alam kong ang lahat ng iyon ay love letters galing sa iba't-ibang babae.
Nawalan ako ng pag-asa dahil si Caden ang tipo ng lalaking hindi nagbabasa ng love letters, malamang sa malamang kapag nakita niya ang mga ito ay dadakutin niya lang at itatapon sa basurahan. Yup, he may be calm and sweet at times, pero madalas cold-hearted siya lalo na sa mga taong hindi niya kilala. Kaya naman nilukot ko ang sulat na ilang araw kong binuo at tinapon sa pinakamalapit na basurahan na nakita ko.
"Why did you throw that away? Can't you just leave that here with the other letters?"
"There's no use. He'll not read it anyway. Tara na, mali-late na tayo sa Literature class natin."
"Oo nga! Damn! Nakalimutan kong i-memorize ang mga linya ni Juliet sa Act 3 Damn! Damn!"
Tinawanan ko siya. "Baliw ka talaga. Lagot ka na naman kay Sir Cruz niyan. Ipanalangin mo nalang na hindi ikaw ang tawagin."
BINABASA MO ANG
The Boy I Love to Hate
Teen FictionYou Belong With Me by Taylor Swift. This is the song that best fits neighbors Caden and Thea. He's popular. She's not. He's the school famous Quarterback. And she's just a fan girl. She's in love with him since forever. But unlike the song, they're...