Thea"Ano na nga ang sinabi ni Sir kanina?" tanong ng bestfriend kong si Aliyah. Masungit na mukha ang ibinalik ko sa kanya.
"Hindi ka kasi nakikinig, kanina ka pa nakabantay d'yan sa labas ng bintana. May hinihintay ka na namang dumaan!" gusto ko siyang sigawan pero nag-aalala akong baka marinig kami ng teacher na naglelecture sa harapan.
"SSsshhh. Huwag kang maingay. Nakakahiya baka marinig ka nila." sita nito sa akin. Umangat ang kilay ko.
"Ah ganun, tapos sa akin hindi ka nahihiya, lantaran 'yang pagpapantasya mo sa Caden Arguelles na 'yan na mukha namang nakatagilid na tuna sa San Marino!"
"Hoy! Caden Arguelles iyon. Baka model kamu ng San Marino Paradise. Dahil paraiso sa ganda ang ningning ng kanyang mga mata pati na ang pagkaka-ukit ng dimples niya! Nakita mo na ba ang katawan niya nang hubarin niya ang damit niya pagkatapos ng game nila last year? Friend! Ulam."
Ulam daw. Hmm. Hindi siya kilala ng kaibigan ko pero dahil nga kapitnahay ko siya at ex-crush ko, kilalang kilala ko si Caden Arguelles. Maganda si Aliyah at siyang pinakamatalino sa classroom namin, kapag nalaman ni Caden o ng barkada niya na patay na patay si Aliyah dito malamang gagamitin nilang walking encyclopedia at project-maker ang friend ko, papagawain ng mga reports at uutus-utusan. Nasaksihan ko na 'yon sa dating Valedictorian na gumraduate last year. Kailangang hikayatin ko si Aliyah na layuan ang Caden Arguelles dahil isa siyang malaking tumor na kapag kumapit sayo ay masisira ang buhay mo.
"Bakit kaya hindi pa siya dumadaan, ganitong oras dapat papunta na siya sa next subject niya. Wala naman siyang ibang dadaanan kundi dito lang sa harap ng classroom natin."
"Dumaan na. Kanina pa noong nasa CR ka."
Nanlaki ang mga mata niya. "Ano?! bakit hindi mo sinabi??"
"Ang iingay nila hindi mo narinig? Kasama na naman niya ang barkada niyang puro nakakainis. Puro pacute lang ang alam gawin dito sa eskwelahan. Palibhasa mga anak mayaman, akala nila habambuhay silang aasa sa pera ng mga magulang nila. Ang yayabang."
"Ang nega mo. Kaya ka nagmumukhang manang d'yan eh. Lahat naman tayo dito umaasa sa parents natin, isa pa, lahat tayo may mga negosyong naghihintay pagkatapos ng school. Hindi na masama ang mag-unwind naman kahit papaano di 'ba? Ang hirap kayang mag-aral."
Ramdam ko ang hugot ni Aliyah. Ito kasing bestfriend ko sunod-sunuran sa istriktong mga magulang. Aral-bahay-aral-bahay. Tuwing weekend naman kumukuha pa ang Mommy niya ng private tutor, wala siyang maramdamang saya sa buhay. Kaya siguro pagdating sa bagay na iyon medyo bitter din siya.
"Aliyah. Manood ka nalang ng mga Koreanovela, at least ang mga gwapong lalaki doon, hindi nananakit ng mga babae. Sa totoong mundo ang mga kagaya ni Caden at nang buong gang niya, mga ulcer sila. Sasaktan ka lang nila."
"Mukha namang mababait sila.."
"Hindi totoo 'yan. Hindi ka yata na-inform. Gusto mo ipunin ko pa tapos ipadala ko sayo with matching pictures ang mga ebidensyang bad news sila? Si Caden Arguelles, literal na badboy ng buong campus. Alam mo ba kung ilan na ang babaeng nagamit at naikama niyan dito? Hindi na mabilang! Literal siyang fuckboy! Ultimo sex scandal meron siya! Manggagamit siya ng babae okay? Baka nga may STD pa siya, nakakatakot!Tapos yung buong gang niya, madalas masangkot sa gulo mapaloob at labas man ng campus. Kilala mo ba si Raid Pascual, yung malaking lalaking sisiga-siga? Mortal na magkaaway ang grupo nila, nagpapatayan sila sa labas ng campus!"
"Miss Villasanta! Miss Bernabe! Can you pay attention to the board, you two keep talking at the back, I can hear you!" sitang bigla ang teacher namin. Pareho kaming namula sa pagkapahiya dahil nagtinginan lahat ng kaklase namin sa gawi namin.
"Bakit ang dami mong alam tungkol kay Caden, ha? Crush mo din ba siya?" bulong pa ni Aliyah na nagpamulat ng mata ko. "Yung sex scandal na sinasabi mo, isend mo sa akin ha? Gusto kong makita!"
"Hindi! Tumahimik ka na dyan mamaya na tayo mag-usap." Napahawak ako sa noo ko. Ito ang unang beses na nagka-crush si Aliyah sa buong buhay niya tapos sa lalaking kagaya ng Caden na iyon! Masama ito. Masama ito dahil hindi madaling balewalain ang charm ng tumor na iyon. Kagaya kanina, kahit na anong galit ko sa kanya, kapag nakakatabi ko na siya nanghihina ang barikada ko. Kaya nga walang ibang mabisang solusyon kundi ang iwasan na lamang siya at huwag humarang sa landas niya.
BINABASA MO ANG
The Boy I Love to Hate
TeenfikceYou Belong With Me by Taylor Swift. This is the song that best fits neighbors Caden and Thea. He's popular. She's not. He's the school famous Quarterback. And she's just a fan girl. She's in love with him since forever. But unlike the song, they're...