"I really shouldn't be talking to you right now." mahinang turan ni Caden habang nakatitig ang mga mata sa akin. After school, instead of going to the library with Aliyah, niyaya ako ni Caden na sabay kaming umuwi. Hindi ako dapat sumama pero nandito ako ngayon sa tabi niya, pinapanood ang malawak na kalangitan na napapalamutian ng nagkikislapang mga bituin. He brought me to a quiet place just outside the city at hindi ko alam kung paano niya ako napapayag. It must be the loneliness I see in his eyes, it must be the way he asked me to come with him, or simply just because I feel that he needs a friend right now.
"Well, wala ka nang choice. Ako ang pinili mong makasama dito." nakangiti kong sagot sa kanya. Nakahiga kami sa jacket niya, nakatingala siya sa langit habang ako nakatitig sa dulo ng matangos niyang ilong at sa mahahabang pilik na pumapalibot sa maganda niyang mata. "May problema ka ba?" tanong ko.
"Wala."
"Hmmm. Bigla mong naisipang e-isolate ang sarili mo sa lugar na ito tapos sasabihin mong wala kang problema? Make sense...."
"In-isolate ko ba ang sarili ko? Pagkakaalam ko kasama kita. Guni-guni lang ba kita ngayon?" bigla siyang bumaling sa akin. Tinukod niya ang siko niya upang mapagmasdan ang mukha ko. Napalunok ako ng ilang ulit. Gumapang ang mga kamay ni Caden sa beywang ko at pumaikot doon. Kasabay noon ang mapwersa niyang paghila para magdikit ang katawan namin.
"Caden! What are you doing?" alam kong nangangatog ang boses ko.
"Gusto kong yakapin ang guni-guni ko ngayon. Wala namang masama doon di ba? You're just inside my mind, I can do whatever I want with you."
"Stop it!" pumipiyok sa kaba ang tinig ko lalo pa nang dahan-dahan niyang tanggalin ang salamin sa mga mata ko. Pinaka-titigan niya ang mukha ko, kaya ganoon din ang ginawa ko sa kanya. Kahit sa kakaunting liwanag, nagniningning ang kagwapuhan ng lalaking ito. Anong gayuma ang meron siya na kahit ang tadhana ay naka-ayon sa kanya. I bet he never had to ask twice in his entire life. Lahat ng gusto niya, kapag hiningi niya, binibigay sa kanya.
"You're beautiful." aniya.
Nakagat ko ang ilalim ng labi ko kaya napatitig siya doon.
"Anong ginagawa natin sa lugar na ito, Caden?" I asked him while looking at his deep-set eyes.
"I want to unwind. Breath fresh air and just be quiet for a while."
"Bakit ako ang sinama mo?"
"Cause I'm used to you now. You don't demand. You don't fuss. You don't exaggerate yourself just to please me. You're just you."
In short, I'm his friend now. "O-okay. Am I fun to be with?"
"Not exactly."
Sumimangot ako sa kanya na nagpatawa sa kanya. "What you give me isn't fun. It's comfort. A homely feeling that I will always go back to no matter how far I've traveled."
"Are we friends now, Caden?"
"We shouldn't." biglang sumama ang tono niya. Binitiwan niya ako ng bahagya. Tiningnan ako sa mga mata tapos ay tuluyang humiga nang may distansiya na sa akin.
"Alam mo bang hindi ka dapat na sumasama sa akin sa kung saan-saan lalong lalo na sa mga lugar na ganito?"
"Bakit? I mean, hindi nga talaga dapat. Pero anong magagawa ko nandito na ako?" biglang sumagi na naman sa akin ang nangyari sa nakaraan. At heto na naman ako, inuulit ang kagagahan ko.
"Sa susunod na yayain kita, huwag ka nang sumama. I can be a danger to you. I can hurt you."
Umangat ang sulok ng labi ko. "Only if I let you. Don't flatter yourself to much."
BINABASA MO ANG
The Boy I Love to Hate
Teen FictionYou Belong With Me by Taylor Swift. This is the song that best fits neighbors Caden and Thea. He's popular. She's not. He's the school famous Quarterback. And she's just a fan girl. She's in love with him since forever. But unlike the song, they're...