I wake up to the most beautiful sunrise in my entire life. My whole bedroom bathed in the orange light of the morning sun. Masaya ang katawan kong bumangon lalo't naaalala ko kung ano ang nangyari kagabi. It's a little progress, I guess. Noong nasa loob kami ng storage ayaw niyang dumikit man lang ang dulo ng daliri ko sa kanya, kagabi hinahayaan niyang damhin ko ang mga labi niya.
Ki-aga-aga ang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko 17 years old ulit ako at ito ang unang beses na pinansin ako ng crush ko. Ito yung feeling na nahuli mo siyang nakatingin sayo. Yung feeling na nginitian ka niya unang beses. Yung feeling na napansin ng crush mo ang existence mo... ganun na ganun.
Ilang sandali pa ang lumipas narinig ko ang marahang katok mula sa pinto. Kinabahan ako bigla, si Caden ba yun? Napabangon ako at tumingin sa malapad na vanity mirror. Hindi pa ako nakakapag-ayos ng buhok, hindi pa ako nakakapagtoothbrush at hilamos!
"S-Sino yan?"
"It's me, Ms Thea your assistant. I'd like to just check if you have slept well." she said behind the door.
Napabuga ako ng hangin, sa wakas ay nakahinga ako ng maluwag. Tinungo ko ang pinto at hinarap si Catiana.
"Good morning!" masayang bati niya sa akin. Catiana's face is so refreshing in the morning, manipis lang talaga siya magmake up pero lutang na lutang ang napakasosyal niyang ganda. Para siyang bida sa mga pinapanood kong foreign films. I bet she's half-Irish. Her eyes are a slight shade of green, she has faint freckles on her nose, her skin in unbelievably fair and radiant, bagay sa kulay ng buhok niya na kung titingnang maigi ay hindi black kundi brown.
It's not just the face. Her body too is to die for. Not too skinny, not too curvy, she can easily be a Victoria Secret model with her looks and figure!
"Hi," maikli kong sagot sa pagbati niya. Abala ako sa pagpuna sa itsura niya nakalimutan kong tugunan ang good morning niya.
"Do you have specific morning routine you want to do? We have a yoga and fitness room, jogging trail outside and an English breakfast preparing in the kitchen."
Yoga? Jogging? English breakfast? I have been in Hollywood for almost a decade but I still live my life the way it used to be. No yoga. No jogging. No English breakfast. Just plain tosilog and ginger lemon tea in the morning.
"It's okay Cat,I'll just wash myself and be ready for breakfast."
Magiliw siyang tumango at tumalikod na.
Even her back is gorgeous. Si Caden kaya ang nag-hire sa kanya? I'm sure she was hired because she can do the job, but is that entirely the reason why? Baka nagandahan siya sa kanya or something...? Pinilig ko ang ulo ko, ano ba naman 'tong tinatakbo ng utak ko.
Gusto nila akong dalhin sa dining room para doon kumain. Pero dahil may nakita akong maliit na space kung saan may table at chair na available sa kitchen sinabi kong doon nalang ako kakain habang pinapanood silang maghanda ng pagkain ni Caden.
I requested for a ginger-lemon tea. Eggs, tomatoes and bacons are in front of me, naghahanap ako ng sinangag pero mukhang hindi naman sila magluluto nun, nahiya na din akong magrequest. I was in the middle of sipping my tea when Caden showed up in the kitchen., parang mga robot na naging alerto ang lahat ng tao sa kitchen sa kanya.
I can tell na galing siya sa jogging. Basang-basa ang suot niyang sando sa bandang leeg at at bandang abs. Hulmang-hulma sa damit na iyon ang perpekto niyang torso pati na ang magandang hugis ng kanyang balikat at mga braso. Nakapaikot sa leeg niya ang maliit na towel na basa na rin ng pawis. His jet black hair is a mess pero kahit hindi magsuklay ng isang libong taon ang taong ito ikakagwapo niya pa yun pihado. Binuksan niya ang malaking fridge at kumuha ng bote ng mineral water mula doon.
BINABASA MO ANG
The Boy I Love to Hate
Novela JuvenilYou Belong With Me by Taylor Swift. This is the song that best fits neighbors Caden and Thea. He's popular. She's not. He's the school famous Quarterback. And she's just a fan girl. She's in love with him since forever. But unlike the song, they're...