Chapter 49 The Boy

17.3K 1.1K 265
                                    


Late na akong natulog. In fact I cried myself to sleep last night. Pero maaga akong bumangon at naligo. Pinahiran ko din ng foundation ang ilalim ng mata ko dahil halata ang pangingitim ng mga iyon sa magdamag na puyat at pag-iyak. I slip into a comfortable jogging outfit, green sports bra, black leggings and black sneakers. Then I pulled my hair in a bun. Huminga ako ng malalim, alam kong ito ang oras na lumalabas si Caden para magjogging, gusto kong sumama sa kanya pero hindi ko alam kung paano siya yayayain pagkatapos ng insedente kagabi. Bahala na! Pinihit ko ang pinto at binuksan iyon, laking gulat ko nang mabungaran si Caden sa harap ng pinto ko na para bang matagal na siyang nakatitig doon... hinihintay ako.

"You're jogging today?" tanong niya.

Tumango ako.

"Gusto mong sumama sa kin? You might not be familiar with the trail yet-"

"Gusto ko! Ready na ako."

"Okay then."

The silence was frighteningly overwhelming. The quiet mood in of the woods didn't help either. Tanging tunog lang ng mga sapatos namin at pagal na paghinga ang naririnig. I was following him on a trail towards the depth of the woods. Pasikat palang ang haring umaga, malamig pa ang simoy ng hangin at nakikita ko pa ang mga butil ng tubig sa mga berdeng dahon sa paligid. The heavenly scent of a morning dew occupied my nostrils. Tila nawawala ang pagod ko sa pagtakbo dahil sa bango ng mga dahon at wild na bulaklak sa dinadaanan namin.

"You're slowing me down. Wala na bang ibibilis ang takbo mo?" masungit niyang baling sa akin. Napansin kong malayo na ang gap namin sa isa't isa at napag iiwanan na niya ako. Sinubukan kong bilisan ang takbo para mahabol siya, pero dahil nga hindi naman talaga ako sanay na magjogging kaagad na napagod ang katawan ko. Kung tutuusin hindi dapat ako basta-basta napapagod dahil kahit naman hindi ako mahilig magexercise, gamit na gamit naman ang katawan ko sa mga dance routines na ginagawa namin kapag may concert ako. I know I should keep up and not slow him down.

Sumabay na ulit ako sa pace niya sa pagtakbo, habang nakasunod sa kanya hindi ko mapigilan ang mapatitig sa kabuuan ng katawan ni Caden mula sa likod. I knew that he had stopped playing football when he transferred to America, but he obviously maintained his athletic lean built. His legs still looking so powerful in that jogging pants, his exposed arms and shoulder still made of steel, ilang abs na ba ang meron siya ngayon? Siguradong mas madami kaysa sa dati.

I was obviously not paying attention. I bumped my face into his hard chest dahil hindi ko napansin na tumigil na pala siya sa pagtakbo at hinintay ako, umikot ang paningin ko sa lakas ng impact, nabuwal ang paa ko sa lupa at sumayad sa maputik na daan ang pwetan ko.

"Ano ba kasing ginagawa mo? Hindi ka tumingin sa dinadaanan mo?" nakaangat ang isang kilay niya pero nakalahad naman ang kamay para alalayan akong makatayo. Napigil ko ang paghinga nang paluin niya ako sa pwet.

NOpe. Hindi pala. Tinatanggal lang niya ang dumikit na putik doon. Nag-init ang pisngi ko sa ginawa niya na halata namang balewala lang sa kanya. Wala bang nagbago? Wala pa rin bang epekto ang katawan ko sa kanya? That's not entirely true, I console myself. I can still vividly remember how his eyes blaze with desire for me last night.

"Can you still run?"

"My leggings and sneakers are a bit heavier now. Also, I'm exhausted, I'll probably get back to the house on my own now... sige na, iwan mo na ako dito."

Pagkasabi ko nun biglang sumama ang panahon, I thought late lang lumabas ang araw, makapal pala talaga ang ulap at nagbabadya ng ulan.

"Are you kidding me? Do you even know how to get back?"

The Boy I Love to HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon