Isang magandang umaga ang sumalubong sa akin. Gumising ako sa kulay kahel na liwanag ng bagong sikat na araw sa silangan. Hindi ang pamilyar na painting ko sa kwarto ang nasilayan ko pagbukas ng mata ko kundi ang magagandang mga matang nakatitig sa akin habang natutulog ako."Good morning." aniya. He showed me his captivating dimples in a genuine smile. Napansin kong nakabihis na siya, nakasuot na ng puting polo. His hair is gelled in spikes today. I don't know he's capable of looking more and more handsome each day.
"Did I oversleep?" I asked him
"Nope. It's six in the morning. You still have time for jogging and early breakfast."
"Bakit nakabihis ka na? Aalis na tayo? Ngayon na ang kasal natin?"
Tinawanan niya ako. His laughter filled the room it echoes in my heart.
"Aayusin ko ang mga detalye ngayong araw kaya nakabihis na ako. Kailangan kong lumuwas ng Maynila. Isasama na kita sa susunod."
"Kelan ang balik mo?" the thought of not seeing him even for just one second suffocates me.
"In three days. I want you to wait for me here, Thea. Gusto ko pagbalik ko andito ka at magpapakasal tayo. I can't give you an extravagant wedding you deserve, not yet. I just want you to be mine as soon as possible. Hindi na ako pwedeng maghintay. But I promise to give you the wedding of your dreams soon after. Kaya mo bang gawin para sa akin iyon Thea? Will you wait for me this time?"
Tumango ako. I give him a reassuring smile that this time around, I will be there for him exactly where he needs me.
Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan. Mula sa isa niyang kamay hindi ko napansin ang hawak niyang isang tangkay ng rosas. Inangat niya iyon at inabot sa akin."
"Before this rose wilts, I promise you I'm home. I can't wait to marry you, babe."
Ilang masayang ngiti ang binalik ko sa kanya. "Me too." Dinala ko sa ilong ko ang bulaklak. It has the most heavenly fragrance of all. Hindi na din ako makapaghintay.
"Bakla ka ng taon!! Ilang linggo kang walang paramdam sa mundo, halos kidnapin na ako ng mga Boss natin dito pati na ng mga fans mo para lang sabihin ko kung ano ang nangyayari sa'yo sa Isla tapos bigla mo akong gugulatin ng balitang 'yan??!"
Halos pumikit ang mata ko sa tili ng kaibigan ko sa telepono. Bahagya kong inilayo ang cellphone ko dahil masakit sa airdrums ang tunog ng ngala-ngala niya. "Aliyah. Kalma. Okay? Ilang linggo akong hindi pinayagan ni Caden na komontak sa outside world. Alam mo naman ng totoong dahilan kung bakit niya ako dinala sa Isla di ba?"
"Yun na nga eh. Alam ko ang totoong dahilan, kaya hindi ko lubos mawari 'yang sinasabi mo na ikakasal ka na sa kanya. Paano nangyari yun? Is it marriage for convenience? Part of his scheme to get back to you? Naghihiganti lang siya sayo bakit ka pumayag at bakit parang ang saya mo pa? Nabaliw ka na?"
"Sabi ko sayo. Kalma. Magpapaliwanag ako okay?"
Nanahimik siya sa kabilang linya ng kalahating minuto.
"Anuna? Magsalita ka!"mainipin niyang singhal sa akin nang hindi ako magsalita sa binigay niyang patlang.
"Noong una, gusto niyang maghiganti. Pahirapan ako. Pero nang marinig niya ang explanation ko tungkol sa mga nangyari noon at kung bakit ko ginawa 'yun, naging maayos na ang lahat sa amin. Hindi lang talaga kami nagkaunawaan noon at isang masinsinang pag-uusap lang ang kailangan. Aliyah, he told me loves me. Alam mo kung gaano ko katagal na hinintay na sabihin niya sa akin iyon di ba? Higit sa lahat, gusto niya akong pakasalan."
BINABASA MO ANG
The Boy I Love to Hate
Novela JuvenilYou Belong With Me by Taylor Swift. This is the song that best fits neighbors Caden and Thea. He's popular. She's not. He's the school famous Quarterback. And she's just a fan girl. She's in love with him since forever. But unlike the song, they're...