Chapter 14 Apparently, Losers are not Allowed

16.2K 762 15
                                    


Hindi ulit siya dumating. Tamang-tama dumating na si Mang Rudy kaya wala nang problema sa akin ang pagpunta sa school. Mas magiging madali na din para sa akin na iwasan siya. Tahimik na dumaan ang buong maghapon ko. Dahil panaka-naka akong may naririnig tungkol kay Caden sa mga estudyanteng nakakasalubong ko sa classroom man o sa cafeteria, alam kong pumasok na siya sa araw na ito. Narinig kong niyaya siyang magtry out sa basketball hindi siya pumayag dahil may injury siya sa paa. Ngayon ang usap-usapan ay kung paano daw ni Caden nakuha ang injury na iyon. Baka daw may nakaaway siya at napuruhan siya. May iba naman na nagsasabi na naaksidente siya. Meron pa ngang speculation na gawa daw iyon ng isa sa mga chic niya. Napapakamot nalang ako ng ulo.

"Napanu nga kaya ang binti ni Caden? I heard he was not able to play the last time. That he wouldn't even show up in practice.." namumroblemang pahayag ni Aliyah. "Baka may nanakit sa kanya!"

"Wala." sagot ko. "It was an accident, natalsikan ng matalas na glass ang binti niya. Masama ang naging tama kaya matagal gumaling."

Kumunot ang noo niya sa akin. "Paano mo nalaman?"

"I was there when the doctor stitched his wound. Manipis at maiksi ang sugat pero malalim."

Tuluyang napanganga si Aliyah. There was no point hiding it from here. Baka mamaya isipin niyang pinaglilihiman ko siya, maging mitsa pa ng pagkakaibigan namin ang simpleng bagay lang na kagaya ni Caden.

"Kapitbahay ko siya. We live next to each other. Literal na nakikita ko ang bintana ng kwarto niya araw-araw sa tuwing bubuksan ko ang blinds ng bintana mula sa kwarto ko."

Nanlaki ang mga mata ni Aliyah. "What?? Tapos ngayon mo lang sinabi sa akin? Kaya pala kilalang-kilala mo siya!"

"Yup. At lahat ng sinabi ko noon about him. Totoo 'yun. Well," medyo naghesitate ako. "He has goodness in him pero...nakabaon." lahat naman ng tao may goodness. "It's just not worth digging for."

"Hindi ako makapaniwala." natulala pa ang kaibigan ko sa narinig. "I hate you."

"Really now, Aliyah." tumirik ang mga mata ko. Hindi ikaw ang klase ng kaibigang magagalit sa ganoon kababaw na rason."

"Kahit na! Naglihim ka pa rin sa akin."may pagtatampo sa boses niya.

"Inisip ko kasing pansamantala lang ang pamamansin na ginagawa sa akin ni Caden. Buong buhay ko yata magkapit bahay kami pero recently lang niya ako kinausap. Kaya hindi ko na sinabi sayo."

Huminga ng malalim si Aliyah. "Nakakainis ka pa rin. Hmp! Ilibre mo ako mamaya ng lunch ha? Utang mo sa akin 'yun!"

Inirapan ko lang siya. "Sus"

"Teka, ito magsabi ka ng totoo ah. Si Caden ba ang nagturo sayo ng math problem natin---"

"Uh-hmm!" biglang singit ni Nika. "Anong pinag-uusapan niyong dalawa? I thought I heard the name of my future boyfriend Caden Arguelles...? Teaching you math...? What the--!"

Pareho kaming napanganga ni Aliyah nang sabay-sabay na naglingunan ang mga ulo ng halos lahat ng kaklase namin.

"No! Mukha bang si Caden Arguelles ang pinag-uusapan namin? Sa tingin mo talaga? Caden Arguelles teaching us Math? It may happen...in a different world may be. In a completely different circumstance." depensa ni Aliyah.

"Yup. In a circumstance where you both are beautiful and hot. Not the nerdys---"

"Enough with your stupid comment, Nika. Bye! We're not talking to you."

"Whatever." umikot pa ang eyeballs nito bago tumalikod. Nakita kong ginaya siya ni Aliyah. Gusto ko nalang tumawa sa inasta ng kaibigan ko.

Ilang sandali pa pagkatapos ng dalawang subject namin, binigyan kami ng time na mag-ikot sa loob ng campus para mag-observe ng ecosystem at kumuha ng mga pictures nito. Sa botanical garden kami ni Aliyah napadpad.

The Boy I Love to HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon