"Nice ass my home girl!" sinalubong ako ng kindat ng isang senior student na nakasalubong ko on my way to class. For the first time since puberty I'm wearing a high waist fitting jeans topped with my mother's vintage off shoulder white blouse. I don't know I have the figure for it until I see myself in the mirror this morning. Isang beses sa isang linggo, allowed ang dress down sa school kaya nagsuot ako ng ganito."Whoa!" nanlalaki ang mga mata ni Aliyah sa akin, tutop niya ang bibig telling me silently that I rock the outfit I chose for the day. Nakaangat ang mahaba kong buhok na pinaghirapan kong I-curl kaninang madaling araw, like in a messy pony tail. I wear contacts today.I chose Megan Fox's eyes. I don't know what gotten into me, even my Mom was shocked this morning. Well not nearly as shocked as I am when I turned to the mirror and find the image of a woman I don't even recognized.
"I told you, you just need to dress up! May kinalaman ba si Caden sa change of fashion style mo na 'yan?" nakaangat sa akin ang kilay ni Aliyah. "Is the pressure that tough when you're his girl, huh?"
"I'm not his girl, Aliyah."
"Hindi? You kissed, right?"
"Hindi," nagbaba ako ng tingin. "Hindi ko alam kung ano kami. I'm just being me whenever I'm around him. You know, just happy! I like him a lot. I don't wanna deprive myself of that happiness. Pero kapag naghihiwalay na kami at hindi ko na maramdaman ang presence niya, bumabalik naman ako sa katinuan ko. Kagaya ngayon, sinuot ko ang damit na ito dahil gusto ko."
"Nabasa mo 'yung mga comments ng mga students sa website 'no?"
"Wala naman masama kung magdamit ako ng kagaya ng inyo di ba? I'm not the conservative type anyway, nakasanayan ko lang. Lahat naman ng nakasanayan pwedeng baguhin lalo na't nagpapahirap na ng buhay mo ito di ba?"
"No one's stopping you, girl. Do whatever you want, isa pa, walang studyante ngayon dito sa St. Martin ang gugustuhing makalaban ka ngayong alam na nila kung ano ang kaya mong gawin sa kanila."
Ilang metro nalang bago kami makarating ng classroom. Sinalubong kami ni Julius. He's wearing his football jersey, looking so cool and macho with his teammates behind him--really the type of jock I detest so much.
"I love how you look today, babe." aniyang sinipat ako mula ulo hanggang paa. Gustong bumaliktad ng sikmura ko nang banggitin niya ang 'babe'. Sa isang tao ko lang gustong marinig iyon at kay Caden lang 'yun. Siya lang ang may karapatang tumawag sa akin ng babe. "Looking beautiful and...sexy huh?"
"We're running late to our first class Julius. I hope you don't mind, excuse me." nakangiti kong sagot sa kanya at tahasang hindi pinansin ang mga pambobola niya. Hindi ko na hinintay ang sagot niya, nilampasan ko siya pati na ang grupo niya. Hinabol niya ako, humarang siya sa dinadaanan ko.
"Hindi ko gustong napapahiya ako lalo na sa harap ng mga kaibigan ko. Baka naman pwedeng huwag kang masyadong masungit sa akin. What did I do to you to deserve this?"
Pinalis ko ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa braso ko. "Hindi kita pinapahiya sa barkada mo. I never meant to do that to you. Look, you're good looking, wealthy and famous wala ka naman na dapat patunayan sa sarili mo. I just feel like I don't qualify, I might be famous for one day but I'm not beautiful enough for someone like you to have lunch with me." pagkatapos ko siyang ngitian ng matamis ay tumalikod na ako kasama si Aliyah.
"Hey! That's not the answer I wanna hear from you!"
I ignored him. Humahagikhik si Aliyah sa tabi ko. "Dope!!"
Buong maghapon akong pinagtitinginan ng mga kaklase ko mapalalaki man o babae. Ganoon na ba ka big deal ang pagsusuot ko ng contacts, pagpony tail ko sa buhok at pagsusuot ng hapit na pantalon? I still look like ordinary, wala namang pinagkaiba ang damit ko sa karaniwang damit ng mga babae dito.
BINABASA MO ANG
The Boy I Love to Hate
Teen FictionYou Belong With Me by Taylor Swift. This is the song that best fits neighbors Caden and Thea. He's popular. She's not. He's the school famous Quarterback. And she's just a fan girl. She's in love with him since forever. But unlike the song, they're...