This place is not a private subdivision, isa itong barangay na sakop ng Taguig. Ang apartment na pinasukan namin ay hindi kagoon kalaki at hindi rin ganoon kaganda ang bakod at pintura. Bago kami nagtransfer sa isang magandang subdivision at malaking mansyon ay ganito na ganito ang itsura ng bahay namin noon nila Papa. I was too small to remember but I'm still feeling nostalgic about a place like this. Nagtataka lang ako kung ano ang ginagawa namin ni Caden sa lugar na ito.Hawak niya ang kamay ko habang umaakyat sa makitid na stairs, dinaanan namin ang mga pintuan ng ibang umuukupa sa building. Madilim at walang kailaw-ilaw ang mga baitang pero nagagawa naman naming aninagin dahil sa liwanag na nagmumula sa labas ng bakod. Huminto kami sa pinakahuling palapag ng apartment, pang limang palapag iyon kaya halos hingalin na ako.
"We're here." aniya. Kinuha niya mula sa bulsa ang isang set ng mga susi para buksan ang kandado at doorknob ng pinto. Malamang ay kailangan ng double lock dahil kahit sino ay pwedeng pumasok sa building at mangloob dahil wala namang nagbabantay sa labas. Nang makapasok kami at buksan niya ang ilaw isang maaliwalas na apartment ang bumungad sa akin. Malinis at puting-puti ang kulay ng mga walls, tiles ang sahig, may maliit na kusina at isang kwarto. Iilan lang ang kagamitang mayroon si Caden dito, kagaya ng isang maliit na personal ref, isang 32inch na TV, isang sofa set at bilog na dining table na gawa sa glass at dalawang upuan sa ilalim niyon. Hindi naka-aircon ang lugar, kung hindi bubuksan ang electric fan ay mainit talaga.
Mayroong dalawang malaking sliding window kung saan pwede kang sumilip at makikita mo ang maraming kabahayang dikit-dikit ang bubong. May tindahan sa tapat ng apartment, may nagtitinda ng balot, ng barbeque at pati na rin ng homemade pizza. Sa di kalayuan ay nakikita kong may maliit din na kainan na may nakadisplay na mga ulam sa labas. Kahit may takip ang mga iyon naisip kong naliligo pa rin sa usok dahil sa maliit na kalyeng iyon at may dumadaan na pampasaherong jeep at mga tricycle.
"Caden, anong ginagawa natin dito...?" maang na tanong ko.
"This is my new apartment."
"Apartment? Bakit kailangan mo ng apartment eh ang laki ng bahay niyo sa subdivision?"
Huminga siya ng malalim bago nagkibit-balikat. "Hindi na ako pwedeng tumira doon. My Dad put it up for sale and the new owner is moving already."
"Ha? Why would your Papa do that, doon kana lumaki at nagkaisip. I'm sure that house has a lot of good memories for your family. Bakit kailangan niyang ibenta--"
"Thea. A lot has just been goin on and he can't helped it. Anyway, bottomline is I need to move to another place, I can't stay in that neighborhood anymore. Huwag na nating pag-usapan iyon, ang importante alam mo kung saan na ako ngayon nakatira and that you can come here anytime you like. I hope that this place doesn't disgust you because for now this is all that I can afford, if everything gets better I'll move to a better place closer to you."
Maraming tanong ang gusto kong isa-isahin sa kanya pero sa tono niya nang sinabi niyang huwag na naming pag-usapan kung bakit siya nandito ay parang pinal na iyon at hindi ko na siya makukumbinsing magsabi kung ano talaga ang nangyayari sa kanya at sa pamilya niya.
"Caden, I don't have a problem with this place, ang inaalala ko ay ikaw, hindi ka sanay dito..."
"Ilang araw na akong nakatira dito kaya nasanay na ako. In fact, this small place is better than that empty huge house full of disgusting memories. Dito iba, ang maiisip ko simula ngayon kapag uuwi ako ay ikaw habang nakatayo diyan sa bintana at sinusuri ang bawat sulok ng lugar na ito including the store and the people outside. Maaalala ko ang maganda mong mukha na nakakunot ang noo at hindi alam kung ano ang unang itatanong sa akin kung bakit tayo nandito."
BINABASA MO ANG
The Boy I Love to Hate
Teen FictionYou Belong With Me by Taylor Swift. This is the song that best fits neighbors Caden and Thea. He's popular. She's not. He's the school famous Quarterback. And she's just a fan girl. She's in love with him since forever. But unlike the song, they're...