CHAPTER FIFTY THREE: Breathe

666 25 2
                                    

A/N: Hi guys! Pasensya na pala dun sa lyrics ng na post ko na vid may mga mali kasi, kaya lang yan lang talaga available na vid eh.

Hi xyz_zyx this one is for you. b(^_____^)d Happy reading!

Ramiel

"May balita ka na ba para sa akin Igor?" I ask Igor when he came inside the library. Umiling lang sya sa akin. Ilang linggo na din ang nakalipas mula ng inutusan ko syang alamin kung bakit biglang nagbalik ang mga Araneta.

"Wala pa ding nakakalap na impormasyon yung taong inutusan ko pero may nakilala daw sya na pwedeng pagkuhanan ng impormasyon." sagot ni Igor.

Hinimas ko ang sumasakit ko na ulo. Ilang linggo na lang at kaarawan ko na but still I don't know how to stop my engagement.

"Igor ano bang mangyayari kung hindi ako pumayag sa kasunduan?" I ask him hoping that he can give me answers.

"Sa totoo lang Señorito wala pa talagang De Vera ang umayaw sa kasunduan at hindi ko din alam kung bakit." Igor said while shooking his head.

I went towards the window and look outside. Suddenly I noticed smoke coming near the main gate of the Mansion.

"Igor? May nagsisiga ba ngayon sa loob ng Gray Mansion?" I ask Igor.

Igor stands beside me and look outside.

"Ang pagkakakaalam ko wala Señorito. Lahat ng mga tuyong dahon at sanga hindi na namin sinusunog ngayon dahil ipinakukuha na lang namin sa mga basurero." Igor said.

Napatingin kami ni Igor sa tunatakbo na trabahador. Halos magkanda dapa pa ito sa pagtakbo.

"Nasusunog ang old cabin!" sigaw ng hardinero mula sa ibaba.

I felt my heart racing. After two years nagkasunog na naman sa loob ng mansyon.

Nagmamadali kaming bumaba ni Igor palabas ng mansyon. Nakasalubong ko ang mga pinsan ko.

"Ram may narinig kaming sumisigaw. Ano bang nangyayari?" tanong ni Mike sa akin.

"Nasusunog ang old cabin." I replied then we all ran downstairs.

"Señorito nasusunog po ang lumang cabin." sinabi ng hardinero sa akin pagkalabas namin ng bahay.

"Anong kaguluhan ito?" tanong ni Dad sa may bungad ng pinto. Kasunod nya ang ibang tao sa bahay.

"Nasusunog daw Tito and lumang Cabin." sagot ni Azrael.

"Ano?!" my dad exclaimed. "Tumawag kayo agad ng bumbero. Kumpleto ba tayong lahat dito? Wala naman sigurong tao doon diba?" my dad asks as he looks at everyone.

"Si Yana." I heard Igor whispered. I immediately look at everyone but didn't find her.

"Nasaan si Yana Igor?" I ask him at lalo akong kinabahan when I saw his shocked expression.

"Nawawala ang anak ko! Wala dito si Yumi!" sigaw ni Madame Claire then she started crying.

Yumi is not here as well?!

"Tulong! Tulungan nyo kami!" Mayumi's voice came from a distance. We all saw her frantically running towards us. Madame Claire run towards her and hugged her tightly.

"I'm glad you're safe Yumi. Akala Ko napahamak ka na anak!" she said in tears.

"I'm fine Ma." Yumi said to her mom then she looks at us.

"Tulungan nyo po si Yana. Please. She's inside the cabin." Yumi said.

For an instance I thought my whole world stopped then I just found myself running as fast as I could towards the burning cabin.

Once upon a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon