CHAPTER THIRTY FOUR: Girl Talk

884 21 0
                                    

Yana

I sit up and look at everyone. Mukhang tulog na and lahat. We had one great pyjama party at ito ang pinaka masayang pyjama party na naexperienced ko.

I look at Laylah who is sleeping peacefully beside me. Parang kelan lang di pa kami magkasundo pero ngayon pakiramdam ko parang kapatid ko na din sya.

Ang bilis talaga ng panahon. Ilang buwan na din akong nandito sa mansyon. Parang pamilya ko na din silang lahat.

But....

Next month everything will change. Magkaka fiancé na si Ramiel that means no more rooftop time together para sa aming dalawa.

"Bakit parang nanghihinayang ka ha?" I ask myself.

Dahil hindi ako dalawin ng antok I went out of the room. Warm milk lang ang katapat nito.

I made myself a glass of milk and sat at the counter.

"I don't even know if ano ako sa buhay nya. Does he even consider me as a friend o babysitter slash katulong slash scholar lang ako para sa kanya?"

"Di ka rin makatulog?" I heard Yumi's voice. When I turned around I saw her walking inside the kitchen.

"Oo eh. Ikaw din?" I ask. Yumi sat beside me.

"Oo. Di Ko nga alam kung bakit."

"Baka namamahay ka din. I was like that nung bagong dating pa lang ako dito sa Gray Mansion. Masasanay ka din."

"Kailangan kong masanay dahil in the future dito din naman ako titira." she said with a weak smile.

Tama si Yumi. In the future dito sya titira kapag asawa na sya ni Ramiel and by that time wala na ako dito.

"You look sad. May naisip ka ba?" Yumi disrupted my thoughts.

"Naisip ko lang ang pamilya ko." I lied. I can't tell her na nalulungkot ako dahil mapapangasawa nya si Ramiel na crush ko lang naman.

I stand up and go to the cupboard. "Ipagtitimpla kita ng warm milk para antukin ka." I said to Yumi.

"Nasaan pala sila? Yung family mo."

"Nasa probinsya. Naluge kasi yung company ni Papa kaya naghirap kami at nabaon sa utang. Isa sa pinagkakautangan ni Papa si Don Gabriel kaya para mabayaran yun kinuha akong babysitter ni Laylah." I said remembering the conversation I had with my dad a few months ago.

Inabot ko kay Yumi and mainit na gatas.

"Parehas lang pala tayo." she softly said. Nakita Ko ang lungkot sa mga mata nya pero bigla din nya itong itinago behind her smile.

"Do you believe in True Love?" Yumi asks changing our topic.

"True Love?" I repeated.

"Oo. True Love like those we read on books and poetries. Love like the one we watch on movies. Pagmamahal ni Rapunzel kay Flynn, ni Ariel kay Erick a love like what Belle has for Beast. That kind of love."

Paano ko ba sya sasagutin kung di Ko lubos ding maintindihan and salitang Love o Pag-ibig?

"Ahmmm siguro meron pa ding ganung klase ng pagmamahal. I believe it is still somewhere out there." I said.

"In our family there is no such thing as true love. Lahat kami puro arranged marriage kaya wala sa bokabularyo namin ang pagmamahal." Yumi said quite sad.

I feel somehow sad for her. Kung ako ang nasa kalagayan nya hindi talaga ako papayag na mapakasal sa isang taong hindi ko naman mahal.

"Madali lang naman matutunang mahalin si Ramiel. Malay mo balang araw mahalin mo din sya."

Once upon a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon