Yana
Inabot sa akin ni Soira ang tray ng pagkain ni Laylah. Simangot pa rin ang mukha ng kakambal ni Moira.
"Thanks." I said to her pero di nya ako kinibo.
Bitbit ang tray na may lamang spaghetti at isang strawberry juice ay dahan dahan akong umakyat ng hagdan. I walk towards Laylah's room at marahan akong kumatok.
"Laylah nandito na yung food mo. Papasok na ako ha." I said and then after counting from one to five pumasok na ako sa loob.
I look at her bed pero wala sya dun. Inilapag ko muna yung dala kong pagkain sa table sa loob ng kwarto.
"Laylah." I called pero wala bata na sumulpot.
"Kakain ka na." I said to her pero still wala pa rin. I checked her bathroom pero wala din sya dun. I closed the door and pagtalikod ko napatalon ako sa gulat ng makita ko si Laylah sa likod ko. Nakatitig lang sya sa akin bitbit yung creepy doll nya.
Papatayin yata ako ng batang ito sa kaba eh! (T ~ T)
"Nandyan ka lang pala eh. Tara nandito na yung food mo." I said to her tapos pumunta ako sa tray ng pagkain na inilapag ko pero nagulat ako kasi nagkalat na sa floor yung spaghetti.
"Laylah? Did you do this?" tanong ko sa kanya. Hindi sya kumibo. Naupo lang sya sa gilid ng kama nya at nilaro yung doll nya.
Yumuko ako at sinimulang pulutin yung mga spaghetti sa floor. Pati yung sauce nagkalat na. Suddenly I saw red liquid drpping from my head. I look up and saw Laylah pouring the juice all over me.
Napatayo ako and I look at her. Sinadya nyang tapunan ako! Napakapilyang bata! Akala ko ba mabait sya?!
She laughs at me without sound. Naningkit yung mga mata ko sa inis pero pinigilan ko kasi bata sya at hindi pa nakakapagsalita dapat ako ang umintindi.
Biglang tumakbo palabas ng kwarto si Laylah.
"Laylah wait!" I exclaimed tapos nung hahabulin ko na sya nadulas naman ako dun sa spaghetti sauce. Unang bumagsak pwet ko pa! Ang sakit kaya!
Tumayo ako and then hinabol ko sya. Bumaba sya sa first floor at pumasok ng kusina.
"Laylah put that down." I said ng makita kong hawak nya yung bote ng harina. She grins at me tapos isinaboy na sa akin yung harina.
Now I look like an espasol! (T o T)
"Tama na Laylah!" I shouted pero tumakbo muli sya and then nabasag pa nya yung bote ng harina.
Hinabol ko ulit si Laylah na lumabas naman ngayon ng bahay.
"Laylah! Wait nga!" I shouted at her but the little monster kept on running away from me hanggang sa nadapa sya.
Nagmamadali akong nilapitan sya. She is crying right now.
"OMG! OMG! Saan ba ang masakit?" nagpapanic kong tinanong sa kanya. Nakita ko yung tuhod nya na may sugat.
"Tara gamutin natin nyan." I said to her and then binuhat ko sya pero laking gulat ko na lang nag nagwala sya and then she bit my arm. Muntik ko pa syang maibagsak mabuti na lang at naibaba ko pa sya maayos habang kagat kagat nya yung braso ko.
"Laylah! What's happening here?!" narinig ko ang malakas na bulyaw ni Don Gabriel. Laylah stopped and she is the verge of crying pero halatang pinipigilan nya.
Don Gabriel kneeled and looks at my bleeding arm.
"Are you okay Yana?" he asks me. Tumango lang ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Once upon a Time
RandomAng pinakaayaw ng pamilya ni Alyana ay yung magkaroon ng nakabinbing na utang. Kaya naman ng malugmok sila sa kahirapan ay sya ang naisipang ipambayad ng ama sa isang mayamang pamilya na pinagkakautangan nito ng malaking pera. But can she survive li...