CHAPTER SIXTY FOUR: Luwalhati

617 11 0
                                    

Manolo

"Ay dios ko po Nolo! Ano bang nangyari sa iyong bata ka? Naligo ka ba sa putikan?!" tanong ni Inay ng makita ako pagdating ko sa bahay.

Minabuti ko ng umuwi muna at magpalit. Dahil sa Tisay na yun nadumihan tuloy ako! Tama bang itulak ako sa palayan?! Gawain ba ng isang matinong babae yun?

"Wala ito inay. Kamusta po pala si Itay?" tanong ko habang sinusundan si inay papasok ng aming munting kainan.

"Ang sabi ng doktor naapektuhan na daw ng sobrang paninigarilyo ang baga ng iyong ama. Mahal naman ng mga gamot na inireseta sa atin kaya wala tayong pambili."

Inilapag ni Inay ang aking hapunan sa mesa. Di ko alam pero parang nawalan ako ng gana kumain ngayon. Mahirap talagang maging mahirap subalit mad mahirap ang magkasakit ang isang mahirap.

"Wag kayong mag-alala inay makakaraos din tayo." sinabi ko. Ilang beses ko na bang sinabi ang mga katagang yun? Halos di ko na rin mabilang.

Gusto kong guminhawa ang buhay namin. Kung ako ang papipiliin ay ayoko ng magtrabaho sa bukid ang aking mga magulang subalit kung ako lang ang magtatrabaho matatagalan bago namin mabayaran ang utang namin sa mga Gomez.

"Ang balita ko umuwi dito sa hacienda ang anak ni Don Juan. Maganda pa rin ba sya?"

Pumalatak ako matapos marinig ang sinabi ni Inay.

"Mukha lang maganda sa kanya inay pero ang ugali nya napaka pangit."

Tumawa lang si Inay sa sinabi ko.

"Ingles pa ng Ingles kahit wala naman na sa Amerika bukod doon napaka yabang pa at walang kahinhin hinhin sa katawan. Ikahihiya sya ni Maria Clara!" dagdag ko pa.

"Hindi mo naman masisisi si Clarita anak dahil apat na taon pa lang sya ng lumipad patungong Amerika at alam naman natin na iba ang kultura doon."

Nagbuntong hininga na lang ako. Kahit ano pang sabihin ni Inay ayoko pa rin sa Tisay na yun.

"Mukhang nakuha ni Señorita ang atensyon mo na dati ay nakalaan ng buong buo kay Luwalhati ha." nakangising sinabi ni Inay.

"Napakalayo naman Inay ni Luwalhati sa isang yun." kontra ko.

"Pero hindi naman nating maikakailang mas maganda si Señorita kay Luwalhati."

Tsss. Puno kaya ng kolorete sa mukha ang Tisay na yun.

Mas maganda pa rin si Luwalhati sa kanya.

Luwalhati

Maaga kaming pumunta ni Cedes sa bukid kinabuksan. Gusto ko ng makita agad si Nolo. Naging bahagya lang ang pag-uusap namin kahapon.

"Hindi ka ba nababagabag Luwalhati?" tanong ni Cedes habang naglalakad kami.

"Saan naman?"

"Hindi ba't si Nolo ang naatasan na magbantay kay Señorita?"

"Oo. Ano namang dapat ikabagabag ko doon?"

"Maganda si Señorita paano kung mahulog ang loob ni Manolo sa kanya?"

"Ako ka ba Cedes! Kung ano ano yang iniisip mo. Hindi naman siguro mangyayari yun." sinabi ko.

"Paano kung mangyari nga? Ano ng gagawin mo?"

Huminto ako sa paglalakad. Matagal ko ng hinihintay na magtapat sa akin si Manolo dahil nararamdaman ko namang may pagtingin sya sa akin at ganun din naman ako sa kanya. Sa mga nakaraang taon panatag ako sa nararamdaman namin para sa isa't isa subalit bakit parang ngayon nawawala ang kapanatagang iyon?

"Ano namang gusto mong gawin ko Cedes? Ako ang manligaw sa kanya? Hindi naman yata tama yun."

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Cedes.

"Bakit ba kasi hindi pa nagtatapat sayo si Manolo?"

"Hindi ko din alam."

"Huwag ka ngang sunod ng sunod sa akin!!!!!" sigaw ng isang tinig sa di kalayuan. Napatingin kami ni Cedes sa pinanggalingan ng tinig at laking gulat namin ng makita si Nolo na hinahabol si Señorita.

"Alam kong tatakas ka naman! Akala mo siguro maloloko mo ako ano?!!" sigaw din ni Manolo.

Mayamaya pa ay nadapa si Señorita. Napakataas naman kasi ng mga takong na suot nya.

Agad na Lumapit si Nolo at sinubukan syang tulungang tumayo subalit tinabig lamang nI Señorita Clarita ang kamay ni Manolo.

Naupo si Manolo at mukhang may sinabi sa kanya. Inirapan lang sya ni Señorita at sinubukang tumayo subalit napaupo muli sya at sinapo ang kanan nyang paa. Laking gulat ko na lang ng bigla syang buhatin ni Manolo.

"Let go of me!!!!!!!" sigaw ni Señorita habang naglalakad papalayo si Manolo buhat buhat sya sa mga bisig nito.

"Sigurado ka bang hindi nga mahuhulog si Manolo sa kanya?" bulong sa akin ni Cedes. Napadiin na lang ang paghawak ko sa basket na daladala ko.

Clarita

"Hindi naman po nabali ang buto ni Clarita mukhang may naipit lang na ugat. Mas makabubuti kung hindi muna nya masyadong igalaw ang kanan nyang paa." payo ng doktor natapos bentahan ang kanan kong paa.

This is all that farmboy's fault. Wala na syang ginawa buong araw kundi ang sundan ako! The moment I stepped out of our house pagmumukha na nya agad ang nakita ko.

Nakakainis talaga!

Ilang beses ko syang sinubukang takasan pero nahuhuli pa rin nya ako! Nagtago na nga ako sa bahay ng mga manok subalit natagpuan pa rin nya ako.

Atleast nakaganti naman ako. (^_____^)

Pero likas yatang laging alerto ang karma dahil eto naman ang sinapit ko.

I look at my foot. With my condition right now escaping would be impossible.

"Hindi ka ba talaga titigil Clarita?" tanong ni Dad sa akin matapos ihatid palabas yung doktor.

"Titigil lang ako kung sasabihin nyong pababalikin nyo na ako ng Amerika."

"Mahihirapan kang takasan ang bantay mo Clarita dahil walang tiwala sayo si Manolo kaya sya ang inatasan kong magbantay sa iyo." sinabi ni Dad pagkatapos ay lumabas na sya ng silid ko.

Wala na akong maisip na paraaan. Ubos na lahat ng plano ko! All thanks to that caveman!

My eyes suddenly caught a glimpsr of the phone inside my room.

Tama! Tatawagan ko si Steve!

"Honey how are you?" Sabi ni Steve sa kabilang linya.

"It's awful here Steve. I miss you and I want to go back there already."

"Well I miss you too. Can't you do something about it?"

"I've ran out of plans already. The man who was assigned to watch me can easily catch me. All my plans got ruined because of that irritating farmboy! He just doesn't  trust me so I couldn't fool him." pagsusumbong ko kay Steve.

"I don't know what to do anymore Steve. You have to help me out." I added.

Ilang segundo ding natahimik si Steve.

"That's right! Why don't you get him to trust you? Work your way on it then if you already got it, it will be the best time to escape him."

"That's a brilliant plan Steve! I really love you!" I exclaimed after hearing his plans.

Matapos namin mag-usap ni Steve sa telepono napangiti na lang ako.

Panahon na para gumanti sayo Manolo De Vera.

Once upon a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon