CHAPTER SEVENTY EIGHT: Liham ni Clarita

691 13 1
                                    

Clarita

"Salamat Manang Charito." sinabi ko ng ilapag ni Manang angbtasa ng kape sa lamesita sa harapan ko.

I look at my caring and faithful Yaya.

"Umiiyak ka ba Manang?" I ask her.

Pinunasan ni Manang Charito ang kanyang mga mata.

"Nalulungkot po kasi ako Señorita dahil sa karamdaman nyo."

I look outside the window. Kadarating ko pa lang mula Amerika. Sa wakas napapayag ko ang aking Ama na makauwi ako ng Pilipinas.

"Wag mo nga akong iyakan Manang. Buhay pa ako oh!" pagbibiro ko sa kanya.

"Ikaw talaga Señorita nagawa mo pang magbiro ng ganyan."

I smiled at Manang Charito. "Gusto lang kitang pangitiin. Kadadating ko pa lang kc pero luha na agad ang sasalubong sa akin?"

May inabot sa akin na larawan si Manang Charito.

"Ano po ito?" I ask habang isinusuot ko ang aking salamin para makita kung ano ang nasa larawan.

Nagulat ako ng makita na larawan pala ito ng isang batang babae.

"Sya na po ba ito Manang?" I exclaimed with happiness.

"Nahirapan akong makakuha nyan mabuti na lang at nasuhulan ko yung nag-aalaga sa bata na ikupit ako ng isang larawan."

Hinaplos ko ang larawan. Napakalaki na ng aming si Consuelo.

"Napakaganda po nya Manang at ang lakI laki na nya." naluluha kong sinabi habang pinagmamasdan ang larawan.

Gusto kong makita at mayakap ang aking anak bago man lang tuluyang mawala ang aking paningin.

"Maiwan na muna kita hija ha." Manang Charito said then she went out of my room.

My tears instantly fell. How many years had it been? Tatlo na nga ba?

Pinayagan ako ng aking ama na makabalik ng Pilipinas kapalit ng kundisyon na hindi ako makikipagkita kay Manolo at sa anak namin.

But I wanted to see them badly subalit di parin mawala wala ang kaba sa dibdib ko sa muling pagkikita namin ni Nolo.

I was devastated ng ipawalang bisa nya ang kasal namin. Pakiramdam ko tuluyan ng nawala sa akin ang puso nya.

I look at our wedding ring na di ko pa rin tinatanggal. It was a sign of our Love na kahit minsan ay di nawala para sa akin.

I opened the table drawer at naglabas ako ng isang papel then I started writing.

Pinakamamahal kong Nolo,

Gusto ko sanang simulan ang liham ko sa katagang 'kamusta ka na?' subalit matapos lahat ng nagawa ko sayo ay pinangangambahan kong hindi ko dapat simulan ang aking liham sa ganoong paraan kaya sisimulan ko ito sa mga katagang nararapat mong marinig pagkatapos ng lahat lahat.

Patawad Nolo.

Hindi ko sinasadyang pasakitan ka at hindi ko din ninais na iwanan kayo ni Consuelo subalit nung pinapili ako ng aking ama kung buhay mo o ang pananatili Ko dito sa Pilipinas ay hindi na aKo nagdalawang isip pang piliin ang buhay mo.

Wala ng mas hihigit pa sa akin kundi ang mabuhay ka mahal ko dahil alam kong mas makakaya mong magpatuloy sa buhay na wala ako kesa ang magpatuloy ako sa buhay na wala ka.

Walang oras, minuto o segundo sa buhay ko na huminto ako sa pagmamahal sayo at kung may magtatanong man sa akin kung sakaling bumalik man ang panahon at papiliin muli ako ng aking ama ay yun at yun pa rin ang pipiliin ko.

Once upon a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon