Yana
I look at my forehead in the mirror. I smiled at it. Sa wakas nawala na ang sulat sa noo ko.
"That Beast! Akala siguro nya basta basta na lang ako susuko?! Pwes he is so wrong!" I said to myself then I stand up and go to my window. I opened it and sininghot ang Fresh Air mula sa labas.
"Good Morning World!!!!!" I shouted with matching unat pa ng both arms ko.
Tok!
Something dropped on my head. Kinapa ko ito and I felt something slimy. I look at hand and saw egg shells. Tumingala ako and I saw Ramiel looking down at me from the window above.
"Ikaw ba naghagis nito?" I ask him.
Bakit pa ako nagtanong eh obviously he is the culprit! (-_____- !)
"Ang aga aga kasi ang ingay ingay mo na agad!"
"Pake mo! Tse! Sana maiputan ka ng ibon sa ulo!" I shouted tapos I went in and closed my window.
"Ang aga aga nangbabadtrip na agad?! Bwisit! Makaligo na nga!" nakasimangot kong sinabi then I went in my bathroom.
I headed to the kitchen afterwards and then tumulong doon. Matapos sa kusina I went back to my room to get my things. Paglabas ko ng pinto I saw Ramiel. I rolled my eyes at him.
Wala ba syang ibang magawa sa buhay?
"Ano na naman?" I ask at dahil nangangati na naman ang ilong ko minabuti ko ng maglagay ng distansya in between us.
"Oh ano aalis ka na?" he said to me.
Hinawi ko sya sa dadaanan ko. "If akala mo mapapaalis na ako ng isang itlog na yun nagkakamali ka." I said to him tapos binelatan ko sya at tumakbo papuntang hagdan.
I stepped out of the house. Mamaya lang may temporary freedom na ako! Hehehe.
Something fell on the ground at my right side. I look down and saw another smashed egg. Tumingala ako and once again I saw the Beast at the window.
"Umalis ka na tapos wag ka ng babalik!" he shouted at me.
So childish!
"Nek Nek mo! Duleng!" I shouted back at him. Binelatan ko ulit sya sabay nagduling dulingan but I didn't expect what happen next. Naglabas kasi ng timba itong si Ramiel and he poured white flour all over me.
I coughed out flour at nagpagpag ng sarili.
"Bullseye!" he exclaimed tapos tumawa ng malakas bago nawala.
"Hindi pa din ako aalis! Bakulaw! Mamaw! BEAST!!!!!!" I shouted tapos naglakad na ako papalabas ng mansyon ng mga De Vera.
Papasok pa rin ako kahit mukha pa akong espasol!
At kahit ubusin pa nya lahat ng rasyon ng harina sa mansyon hindi pa din ako aalis!
At Madrigal...
Pagpasok ko ng room feeling ko everyone is talking about me. Lahat sila nakatingin sa akin at nagbubulungan. I saw someone waving at me si Jane pala. Sumenyas sya na maupo ako sa tabi nya.
"Hi!" she said pag-upo ko. "Nakakatuwa naman kasi magka section din pala tayo."
"Oo nga eh."
Mabuti naman may kakilala agad ako at least hindi na ako mahihirapang makipagkaibigan.
"Alam mo sikat ka na agad." she said.
"Bakit naman?"
"After kasi nung enrollment kumalat sa school na sa Gray Mansion ka nakatira. So tell me totoo ba yung rumors about the halimaw?"
May halimaw naman talaga sa loob ng bahay na yun pero hindi sila kumakain ng tao nagbuburaot lang ng buhay!
"Hindi totoo yun." I replied.
"Yun din ang sinabi nung mga dating nakatira dun tapos nawala silang bigla." Jane said na parang boses nananakot pa.
Hindi na ako nakasagot pa kasi dumating na yung prof namin.
After our lessons Jane and I decided to hang out under a tree along the pathway of the university. Maraming mahilig tumambay doon kasi nakikita mo lahat ng estudyanteng naglalakad papasok o papalabas ng campus.
"So tell me Yana, may bf ka na ba?" Jane asks.
"Wala pa. Wala pa sa isip ko yang mga ganyang bagay. Mas madami akong pinoproblema para problemahin pa yang love love na yan." sagot ko habang nagbubukas ng wrapper nitong binili kong mamon sa canteen.
"Kahit manliligaw wala pa din?"
I paused and think for awhile. Kasama ba sa category ng pagiging manliligaw kapag lagi kang binibigyan araw araw ng chocnut ng seatmate mo nung grade three ka pa lang?
I guess not so crossed out na si Popoy.
"Wala din." I replied after thinking.
"Sa ganda mo yang wala pang nanliligaw sayo? Dapat nga ang pangalan mo Beauty eh!"
Natawa na lang ako. Wala pa talaga sa isip at priorities ko ngayon ang pag-ibig. Love can wait pero yung financial crisis ng pamilya ko hindi na kayang maghintay pa.
Ramiel
Humikab ako at ginawang unan ang mga kamay ko. Maganda ang araw ngayon kaya tulad ng dati nandito ako ngayon sa bubong at pinagmamasdan ang kalangitan.
I'm bored to death! Wala akong maasar dahil nasa eskwelehan pa yung babaeng yun.
Mukhang I need a better plan to make her want to leave this house.
"Good afternoon po!"
Napaupo ako ng marinig Ko ang boses na yun. Sumilip ako sa ibaba and I saw her walking towards the house.
Mukhang masaya ka ha.
Kinuha ko ang timba na kanina pang nasa tabi ko and I waited for the exact moment. Pagtapak nya sa right spot ibinuhos ko pababa sa kanya ang tubig na laman ng timba.
She screamed and I laugh. Tumingala sya at kitang kita ko ang inis nya sa mukha. Kumaway ako sa kanya.
"Welcome back." pang-aasar ko sa kanya.
"You!!!!!" she shouted at me habang tinuturo ako.
"Yes it's me! So ano? Give up ka na?"
"Grrrrrrr!!!!! Never!!!!!!" she screamed tapos she marched inside the house.
Ang tigas ng isang ito! Nakakaasar na!
Yana
"Akala nya I will give him the satisfaction of seeing me leave and winning? Nagkakamali sya noh! That will never happen!" inis kong sinabi sa sarili ko habang sinisipit ko sa sampayan itong mga notes ko na nabasa ng tubig kanina.
Sana matuyo sila agad. (T ~ T)
"Hashooooo!"
(-____-) Mukhang nandito na ang bakulaw sa tabi tabi ha!
"Lumabas ka na dyan! Hindi pwedeng magkamali ang ilong ko." I said at nagpakita naman agad itong si Ramiel.
Pinagmasdan nya yung mga basa ko na notes.
"Hindi ka ba talaga aalis?" he asks me.
"Hindi."
"Mahihirapan ka lang."
"Problema ko na yun pero thanks na lang din sa pag-aalala ha." I said sabay irap. Nagsimula na ako maglakad.
"Alam mo it would be easier for both of us if you would just leave."
Nilingon ko itong si Beast at nameywang ako.
"Who says I want things to be easy for you? Hindi Ko pa nakakalimutan na sinakal mo ako at yung labas sa ilong na pag sorry mo kaya sorry ka na lang because I plan to get even." I hissed at him.
"If you say so but don't blame me if things will be hard for you from now on." He said tapos umalis na sya.
Bring it on Beast! Just bring it on dahil hindi kita aatrasan!
BINABASA MO ANG
Once upon a Time
RandomAng pinakaayaw ng pamilya ni Alyana ay yung magkaroon ng nakabinbing na utang. Kaya naman ng malugmok sila sa kahirapan ay sya ang naisipang ipambayad ng ama sa isang mayamang pamilya na pinagkakautangan nito ng malaking pera. But can she survive li...