CHAPTER TWENTY: Downpour

910 28 1
                                    

Yana

"Totoo ba?" Zedrick asks pagliko namin sa unang kanto.

"Ang alin?"

"Yung halimaw sa mansyon na tinitirahan mo?"

"Walang halimaw sa Gray Mansion at wala ding mga babaeng pinapakain sa kanya." I said quite irritated. When will the issue die anyway? Tayong mga Pilipino talaga mahilig sa kababalaghan.

"Pero parang weirdo yung mga taong nakatira doon. Naalala ko pa dati nung napadaan ako nung isang gabi doon tinakot ba naman ako ni Hunchback of Notre Dame! Sinigawan pa ako na wag daw akong aaligid aligid sa bahay."

He must be referring to Igor.

"Baka naman kasi talagang umaaligid aligid ka dun sa bahay." I said because knowing Igor alam kong hindi sya magagalit ng basta basta ng walang dahilan.

"Nagbabakasali lang naman akong makita kita. Malay ko ba kung kailangan mo ng hero na magliligtas sayo laban dun sa halimaw, dun sa Beast."

"I don't need protecting dahil walang halimaw sa mansyon."

Ilang minuto pa ay nasa tapat na kami ng steel gate ng Gray Mansion. The rain is also pouring more heavily now.

"Thank you sa paghahatid." I said to Zedrick as I take my things from him.

"Teka malakas ang ulan mababasa ka! Gusto mo ba ihatid na kita sa loob?" Zedrick suggested.

"Hindi na, okay lang na mabasa ako ng ulan." I said while opening the gate.

"P-pero." Zedrick said pero pumasok na ako sa loob at kinawayan sya. Mahirap ng magpapasok ng ibang tao sa loob dahil hindi ko din naman ito bahay in the first place.

"Beauty basta kung kailangang mo ng tigapagligtas laban dun sa halimaw call my name and I will be there!" Zedrick shouted.

Di ko na sya pinansin. Ayaw nya talagang tigilan yung halimaw thing na yun. One thing that I know and sure of is...hindi halimaw si Ramiel. I once thought he is dahil sa ugali nya pero kahit pilit man nyang itago nakikita ko pa rin ang kabutihan ng loob nya and his scars never even made him ugly at all.

I opened the front door of the house and saw Moira and Misis Morticia. I smiled at them.

"Nandito na po ako. Grabe ang lakas po ng ulan sa labas." I said habang pinupunasan ang basa kong buhok at mukha. Hindi sila kumibo they seem to be looking behind me.

"Se-señorito Ram? Basang basa na po kayo ng ulan." Moira said.

I saw Ramiel passed by me and he is soaked in rain. He seems to be holding something in his hand. He didn't say a word to anyone of us he just continued to walk dropping what he had in his hand and climbed the stairs.

Lumapit ako sa nahulog ni Ramiel and I picked it up. Isa pala itong pulang rosas. Tatawagin ko sana sya to give back the rose but wala na sya sa hagdanan. Nagkatinginan si Moira at Misis Mortcia.

"Madame mukhang hindi po yata maganda ang mood ni Señorito Ramiel ha." nag-aalalang sinabi ni Moira kay Misis Morticia.

"Hayaan na lang natin sya baka nag-away na naman silang dalawa ng kanyang ama. Yana umakyat ka na din at magpalit ng damit at baka trangkasuhin ka na naman." Misis Morticia said so I followed and headed up to my room to changed.

Pagdating ko ng kwarto ay agad kong binuklat ang aking bag at inalabas ang maskara na ginawa ko.

"Mamayang gabi na lang kita ibibigay." I said to the mask.

The night finally came and the heavy rain hasn't stopped yet. After Laylah fell asleep I went down to the kitchen. Everyone is there having some tea.

Once upon a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon