CHAPTER SIXTY FIVE: Tiwala

595 13 0
                                    

Manolo

"Kamusta po si Señorita?" tanong ko kay Don Juan ng lumabas sya ng bahay. Sinabi nya kanina na umuwi na ako ngunit hindi ako mapakali hanggang di ko alam ang kalagayan ni Tisay.

Bakit nga ba ako nag-aalala? (>____>)

Mabuti nga yun dahil ang tigas talaga ng ulo nya! Akala siguro nya hindi ko sya makikita kanina nung nagtago sya sa bahay ng mga manok.

Pero ang mas nakakainis ay nung mapagdiskitahan nya akong batuhin ng mga itlog ng manok!

Siguro kung magkakaanak ang isang ito o magkakaapo sing tigas ng ulo nya.

"Nandito ka pa pala? Wag kang mag-alala hindi naman malubha ang nangyari sa paa ni Clarita. Makakauwi ka na muna dahil nagpapahinga naman si Clarita at panigurado akong hindi sya makakatakas ngayon dahil sa kalagayan ng paa nya."

"Sige po Don Juan mauuna na po ako." sinabi ko pagkatapos ay naglakad na ako pabalik ng bahay.

Kinabuksan ay agad akong bumalik sa mansyon eksakto namang nakaupo sa may labas ng bahay si Tisay.

Tila may binabasa syang libro at subsob ang mukha nya dito. Pinagmasdan ko sya sa malayo. Tama nga si Inay mas maganda sya kesa kay Luwalhati lalo na ngayon at napaka malumanay ng mukha nya at kakaunti lang ang kolorete nya sa mukha. Nag-angat sya bigla ng mukha at napatingin sa gawi ko.

Laking gulat ko ng ngumiti sya at kumaway.

Teka lang? Ako bga bang nginingitian nito at kinakawayan?

Luminga-linga ako sa paligid kung may ibang tao dahil baka hindi naman pala akong binabati ng isang ito pero ako lang ang tao sa paligid.

"Nolo!" tawag ni Tisay sa akin. Napakunot noo na lang ako. Nananaginip ba ako?

"Hoy! Ano ba? Halika na dito at magmeryenda!" tawag muli nya.

Nagtataka akong lumapit sa kanya. Sigurado akong paa ang nasaktan sa kanya kahapon at hindi ulo nya.

Nakangiti parin sa akin si Clarita.

"Umupo ka." sinabi nya sa akin habang itinuturo ang bakanteng upuan sa harapan nya.

"Charito magtimpla ka pa nga ng isang kape." utos nya sa mayordoma nila. Matapos makaalis ng mayordoma ay ibinaling na muli nya ang tingin nya sa akin.

"May sakit ka ba? Mataas ba ang lagnat mo at nagdedeliryo ka ngayon?" tanong ko sa kanya.

Tumawa lang si Clarita ang humigop sa tasa ng kape nya.

"Wala akong sakit." sagot nya.

"Na-engkato ka ba o may natapakan kang nuno sa punso?"

"Ano ka ba Nolo?! Nakakatawa ka naman. Sa totoo lang mapagtanto ko na tama si Papa kaya simula ngayon magpapakabuti na ako. Hindi na ako tatakas dito." nakangiti nyang sagot sa akin.

Kaduda duda talaga. Dapat ko bang pagkatiwalaan ang isang ito?

"Kaya naman gusto ko magsimula muli tayo sa umpisa." dugtong pa nya pagkatapos ay inilayad nya sa akin ang isa nyang kamay.

"Ako nga pala si Maria Clarita Gomez." sinabi nya sa akin.

Tinitigan ko ang kamay nya. Dapat ba akong maniwala sa kanya? Pero tulad ng sabi ni Inay lahat ng tao pwedeng magbago.

Nakipagkamay ako sa kanya.

"Manolo Javier De Vera." sinabi ko sa nakangiting babae sa harapan ko.

Simula noong araw na yun ang tila nagbago na nga si Clarita. Hindi na sya muling nagtangkang tumakas pa.

"Tungkol ba saan yang binabasa mo?" tanong ko sa kanya noong isang araw na nagpapahinga kami sa ilalim ng isang puno ng mangga.

Nakahiga ako at pinagmamasdan ang mga dahon ng mangga na tila sumasayaw sa ihip ng hangin. Si Clarita naman ay abala sa pagbabasa ng daladala nyang libro.

"Tungkol sya sa isang lalaki na yumaman at naghiganti."

"Bakit naman sya naghihiganti?" tanong ko.

"Ang puso Nolo kapag nasaktan ng sobra napupuno ito minsan ng sobrang poot at galit."

"Malalim ka pala." biro ko kay Clarita.

Tumingin lang sya sa malayo. Di Ko maiwasan ang di mapatulala sa ganda nya. Umiwas agad ako ng lumingon sya muli sa akin.

"Maraming tao ang nag-aakalang alam na nila lahat tungkol sa pagkatao ko pero hindi pa pala." malungkot nyang sinabi sa akin.

"Paano naman pala yumaman yung lalaki dyan sa binabasa mo?" tanong ko. Gusto Kong maiba ang usapan dahil nararamdaman kong nalungkot sya.

"May nakilala syang isang pare sa kulungan na nagsabi sa kanya ng kinalalagyan ng isang kayamanan."

Natawa na naman ako.

"Sino ba naman ang nagsulat nyan? Napaka imposible ng mga pangyayari." natatawang sinabi ko kay Clarita.

"Ewan ko sayo!"

Mukhang nainis na naman sa akin si Tisay. Nakanguso na naman kasi sya.

Clarita

Ilang linggo na din akong nagpapakabait at mukhang unti unti ko ng nahuhuli ang loob at tiwala nitong si Manolo.

Kaunting tiis na lang at makakabalik na ako ng Amerika.

Isa sa mga malaman ko tungkol sa pagkatao ni Manolo ay ang likas nyang pagiging buskadero. Madalas syang mang-inis at lagi din naman akong napipikon.

Narinig ko syang naghikab. Oras na kasi ng siyesta at napakasarap ng hangin dito sa ilalim ng puno ng mangga.

Pinagmasdan ko si Manolo na nakapikit na ngayon at nakaunan ang ulo nya sa kanyang nga kamay.

Napaka ganda talaga nyang lalaki. Ngayon lang ako nakakita ng isang tulad nya.

Biglang may napadaan na isang grupo ng mga kababaihan.

"Magandang hapon po Señorita." pagbati nila sa akin. Agaw pansin ang isa sa kanila na nakatingin sa ngayong gising na na si Manolo.

"Magandang hapon din sa inyo." sinabi ko pagkatapos ay nagpatuloy na sila muli sa paglalakad.

Napansin ko ang paghabol ng tingin ni Manolo doon sa babaeng nakatingin din sa kanya kanina.

"Gusto mo sya ano?" natatawa kong sinabi sa kanya.

"H-Hindi ha!" usal ni Manolo.

"Wag ka ng magkaila kitang kita naman sa mga mata mo."

Hindi na kumibo si Manolo.

"Mukhang gusto ka din nya. Bakit hindi mo suyuin? Paniguradong sasagutin ka nya." udyok ko kay Manolo.

"Pareho kayong mag-isip ni Pedro. Tigilan nyo nga ako." inis nyang sinabi sa akin.

"Natatakot ka bang magtapat sa kanya?"

Biglang namula ang mga pisngi ni Manolo dahilan para tawanan ko muli sya. May pagkatorpe din paLa ang isang tulad nya. Nakakatuwa.

Biglang dumating si Pedro na humangos.

"Pedro? Anong nangyari? Bakit ka ba humahangos?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Tumingin sya kay Manolo.

"Nolo! Ang itay mo!" sinabi ni Pedro na bakas sa mukha ang pag-aalala.

A/N: Don Manolo ano ba talagang nangyari sa buhay mo? Masasagot yan sa mga susunod na kabanata ng Once Upon A Time.

Once upon a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon