CHAPTER SEVENTY ONE: Pasakit

598 15 3
                                    

Kung nalaman ko lamang na dulot nito'y malubhang pasakit di sana ako nagmahal ng labis labis.

Luwalhati

"Saan ba ang lakad mo anak at talaga namang nag-ayos ka pa ng husto?" tanong sa akin ni Inay habang nag-aayos ako sa harap ng salamin.

"Magkikita kami kasi ngayon ni Manolo Inang." nakangiti kong sagot.

Kagabi kasi ay nakatanggap ako ng liham sa kanya na gusto nya akong makausap ngayon. Matapos naming nagtungo ng bayan napagdesisyunan ko ng sagutin sya. Bakit Ko pa nga ba patatagalin ang lahat kung Matagal naman naming alam na mahal namin ang isa't isa?

Nung isangguni ko ang plano ko kagabi Kay Cedes ay nag-alinlangan sya. Masyado pa daw maaga at dapat pang patunayan ni Manolo kung tunay nga ang pagmamahal nya sa akin. Sinabi din ni Cedes na baka naman dahil kay Señorita kaya nais kong sagutin na agad si Manolo.

Tama naman sya. Dahil nga sa kanya. Nakita Ko kasI sa mukha ni Manolo na nagsisimula na syang mag-alala ng husto Kay Señorita Clarita at nangangamba akong mahulog ang loob nya dito.

Hindi ko yata kakayanin na mawala sa akin si Manolo. Sa matagal na panahon ay sya lamang ang minahal ko.

"Inang aalis na po ako." sinabi ko kay Inay pagkatapos ay tumungo na ako kung saan kami magtatagpo ni Manolo.

Malayo pa lang ay tanaw ko na si Manolo. Nakasandig sya sa puno ng mangga at nakatingin sa kalawakan ng bukirin. Hindi nya napansin ang pagdating ko.

"Nolo."

Lumingon si Manolo at nagulat ng makita ako. Ngumiti ako. Marahil ay nagulat sya sa ayos ko ngayon.

"Kamusta ka Luwalhati?" tanong nya sa akin. Hindi ko mapigilan ang hindi matawa naalala Ko kasi noong gabing nangharana sya. Sa sobrang kaba ay wala syang naitanong sa akin kundi ang Kamusta ka.

"Maayos naman ako Nolo. Bakit mo ako gustong makita ngayon? May sasabihin ka ba?"

Hinawakan nya ang kamay ko at lumuhod. Eto na nga ba ang pinakahihintay ko? Kapag sinabi nyang mahal nya ako magtatapat na rin ako.

Huminga ako ng malalim at hinintay ang pagtatapat nyang matagal ko ng inaasam.

"Luwalhati patawarin mo ako."

Teka Lang. Tama ba ang narinig Ko?

"Patawarin? Hindi kita maintindihan Manolo. Bakit ka humihingi ng tawad sa akin?" naguguluhan kong tanong sa lalaking nakaluhod sa harapan ko.

Tumingin sya sa mga mata ko at nakita ko ang matinding lungkot sa mga ito.

"Hindi ko din ito inaasahan na mangyayari subalit nobya ko na si Clarita,

Luwalhati."

Napaatras ako habang umiiling Kay Manolo. Nananaginip ba aKo? Tama ba lahat ng narinig ko? May kasintahan na si Manolo at hindi ako ito?

"Paano nangyari yun Nolo? Hindi ba't ako at hindi sya ang sinusuyo mo? Ako at hindi sya ang mahal mo?" tanong ko sa kanya.

Yumuko si Manolo.

"Hindi ko sinasadya Luwalhati ngunit nahulog na ang loob ko kay Clarita."

Napasinghap ako. Parang sasabog ang dibdib ko sa halo halong emosyon sa loob nito. Tama bang isipin na pinagtaksilan nila ako kung hindi pa naman talaga kami ni Nolo?

"Patawad Lu..."

"Pakiusap Manolo huwag ka na lang magsalita."

Isang salita pa mula sa kanya ay baka hindi ko na makayanan pa. Pinipigilan ko lang ang pagpatak ng aking luha.

Once upon a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon