Yana
I can't take my eyes off the painting. Those set of eyes keeps on drawing me in. Hindi ko din maipaliwanag ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko.
"Ano ka ba naman Yana mata lang yan pero nagkakaganyan ka na?!" I said to myself.
Pero ang ganda talaga ng mga matang ito.
Wahhhh!!!! I must be going nuts! I am attracted to a pair of eyes? Nagiging weird na yata din ako tulad ng mga tao dito sa mansyon.
Hahawakan ko pa sana ulit yung painting ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni Moira sa labas.
Dali Dali akong tumayo at pumunta sa pinto. Sinilip ko pa muna ang painting bago ako lumabas nito.
"Yana! Nasaan ka na ba?" I heard Moira shouted.
I tiptoed behind her tapos kinalabit ko sya.
"Ano ka ba? Nakakagulat ka naman!" Moira said habang sapo sapo ang dibdib nya dahil sa gulat. I chuckled.
"Saan ka ba nanggaling? Kanina pa kita hinahanap. Akala ko na kidnap ka na."
"Ano ka ba naman Moira? Bakit naman ako pag-iinteresan ng mga kidnappers eh mas mahirap pa ako ngayon sa daga diba?" malungkot kong sagot. Hindi ko mapigilang hindi maisip ang pamilya ko na nasa probinsya.
Si Mikmik kaya okay sa bago nyang eskwelehan?
Si Papa kaya hindi nahihirapan magsaka?
Si Mama kaya iyak parin ng iyak?
"Wag mong sabihin yan Yana. Naniniwala ako na malalagpasan ng family mo ang problema nyo." Moira said habang inaakbayan ako.
I gave her a smile. Ayoko na muna ng negative vibes dahil ilang araw na akong punong puno nito dahil sa pambubully ng alaga ko.
"Nasaan pala si Don Gabriel?" I ask Moira. Hindi ko pa kasi nakikita ang Don simula kahapon.
"Ang alam ko kahapon umalis sya papuntang Cebu for a business meeting. Mamaya pa daw yata uuwi." Moira said.
"Si Laylah?"
"Okay na sya don't worry. Pero mamaya hindi na kita matutulungan sa pagpapaligo sa kanya kasi kailangan na ako sa kusina ha. Wag kang mag-alala marunong naman na maligo mag-isa yung bata you just have to prepare the tub for her."
Haist! Yung mga akala kong simpleng task humuhirap dahil sa kasutilan ng batang yun eh!
After helping for awhile in the kitchen ay umakyat na ako papuntang kwarto ni Laylah. Nanibago aKo kasi when I opened the door tahimik lang syang nakaupo sa may kama yakap yakap ang manika nya at nakatingin sa labas ng bintana.
Bigla kong naisip na sa loob ng mag-iisang linggo ko dito sa mansyon parang hindi ko pa nakikitang naglalaro si Laylah sa labas ng bahay.
"Aayusin ko lang yung tub mo Laylah ha pagkatapos pwede ka ng maligo." I said and then dumiretso na ako sa bathroom.
Tinimpla ko yung tubig at pinuno ang tub. I put bubble on it. Biglang nag flashback sa memory ko yung magandang mata sa painting.
Umiling ako.
"Anuber Yana! Ayan ka na naman ha! Erase that thought." I muttered to myself then I close the faucet.
May naramdaman ako na nakatayo sa likod ko. Paglingon ko I saw Laylah and Anabelle standing behind me. Nginitian ko sya.
"Tapos na. Sige lalabas na ako." I said pero nung aakma akong tatayo na she pushed me and I lost balance and fell in the tub.
Laylah giggles tapos tumakbo sya palabas ng bathroom.
BINABASA MO ANG
Once upon a Time
RandomAng pinakaayaw ng pamilya ni Alyana ay yung magkaroon ng nakabinbing na utang. Kaya naman ng malugmok sila sa kahirapan ay sya ang naisipang ipambayad ng ama sa isang mayamang pamilya na pinagkakautangan nito ng malaking pera. But can she survive li...