Manolo
If there is one thing I learned at an early age that was life is hard.
Ako si Manolo Javier De Vera, labing walong taong gulang.
Parehong magsasaka ang mga magulang ko. Lumaki ako mula sa isang bandehadong pawis mula sa kanila.
Nag-iisa akong anak. Wala akong kilalang mga kamag-anak. Matagal ko ng itinanong sa mga magulang ko kung bakit ganoon pero ang tanging tugon lamang nila sa akin sa tuwing nagtatanong ako ay wag ng maging usisero.
Naging batak ang katawan ko dahil sa pag-aararo. Elementarya lang ang natapos ko dahil kapos kami sa pera at kailangan ko ng tumulong sa pagsasaka at pag-aalaga ng mga hayop sa hasyenda ng pamilya Gomez.
"Nolo! Tara na at mananghalian!" anyaya sa akin ni Pedro. Sya ang nag-iisa Kong matalik na kaibigan.
Matapos kong ilagay sa lilim ng puno si Kulas ang katukayo kong kalabaw sa pagtatrabaho ay agad akong pumunta sa ilalim ng puno ng mangga kung saan naroroon na ang iba pa naming kasamahan.
Inihahain na ng mga kababaihan ang tanghalian.
Siniko ako ni Pedro habang sumusubo sya ng kanin.
"Tinutunaw mo na naman ng malalagkit na tingin yang si Luwalhati ha Manolo." bulong sa akin ni Pedro.
Si Luwalhati ang pinaka maganda dito sa loob ng hacienda. Mapungay ang mga mata, makinis ang balat at kay pupula ng kanyang mga labi.
Matanda Lang ako sa kanya ng isang taon at Matagal na akong may pagtingin sa kanya.
Tumingin sa gawi namin si Luwalhati at nagbigay ng isang matamis na ngiti. Siniko na naman ako si Pedro.
"Halatang may gusto naman din sayo si Luwalhati. Bakit di mo ligawan? Tiyak makukuha mo agad ang matamis nyang oo. Kahit ba isang damakmak pa ang manliligaw nyan eh di naman natin maikakailang ikaw ang pinaka matipuno at magandang lalaki dito sa loob ng hacienda." suhol pa ni Pedro.
"Wala naman akong magandang buhay na maibibigay sa kanya Pedro."
"Alam mo Nolo basta't nagmamahalan ang dalawang tao hindi na importante yang pera. Hindi ba't masaya naman tayo kahit ganito lang ang naabot natin sa buhay? Isa pa hindi mo madadala ang yaman sa langit." usal ni Pedro sabay tawa. Tumalsik tuloy ang mga lamang kanin ng bibig nya.
Matapos ang trabaho sa bukid ay umuwi na ako sa aming barong barong. Hindi na naman nakapagtrabaho si Itay dahil dinadalahit na naman ito ng ubo.
"Nay! Tay! Narito na po ako!" sigaw ko pagkatali ko kay Kulas sa may puno ng santol sa gilid ng bahay namin.
Rinig ko na agad ang sunod sunod na pag-ubo ni Tatay pagkapasok ko ng bahay. Sinalubong ako ni Nanay. Nagmano ako at agad Kong napansin ang kanyang pagkabalisa.
"May problema ba inay?" nag-aalala Kong tanong.
Nagsimula ulit umubo si itay kaya pareho kaMing napalingon ni inay sa kwarto.
"Nag-aalala na kasi ako sa tatay mo Manolo. Ang tagal na ng ubo nya at nahihirapan na din syang huminga. Hindi naman tumatalab ang mga gamot na ibinigay ni Tata Selo." sagot ni Inay.
Si Tata Selo ang nag-iisang albularyo sa barrio.
"Hindi naman kasi nakikinig si Itay. Hindi ba't ilang ulit na nating sinabi sa kanya na tigilan na ang paninigarilyo? Ano ng balak nyo inay?"
Nagbuntong hininga si Inay. "Sa tingin ko magpapasama ako kay Manang Osang sa bayan para maipatingin na sa doktor ang tatay mo."
"May pambayad ba tayo inay?" nag-aalala kong tanong.
BINABASA MO ANG
Once upon a Time
RandomAng pinakaayaw ng pamilya ni Alyana ay yung magkaroon ng nakabinbing na utang. Kaya naman ng malugmok sila sa kahirapan ay sya ang naisipang ipambayad ng ama sa isang mayamang pamilya na pinagkakautangan nito ng malaking pera. But can she survive li...