Yana
Mabilis na dumating ang weekend at hindi naging madali para sa akin ang mga nagdaang araw.
My alaga is still constantly bullying me and ang mas pinaka nakakainis sa lahat ay ang bwisit nyang Kuya na walang ginawa kundi pahirapan ang buhay ko dito sa mansyon.
"Talagang ayaw kang tigilan ni Señorito ano?" Moira said. Nasa kusina kaming dalawa at naghahanda ng meryenda.
"Kung patigasan lang ng ulo ang labanan hindi sya mananalo sa akin." I replied.
"Ano bang mga ginawa sayo ni Señorito?" tanong ni Moira habang nagtitimpla ng juice.
"Hmmmm." I said while thinking and reminiscing everything that happened.
Noong Monday binuhusan nya ako ng harina at tubig pagdating ng tuesday napagtripan nya yung mantika sa kitchen cabinet, Wednesday I woke up with a huge spider on my face, Thursday I was soaked in Vinegar and yesterday Toyo naman ang nahablot nya.
(-_____-)
Tumawa ng malakas si Moira sa mga kinuwento ko sa kanya.
"Balak yata akong adobohin nung lalaking yung pero his childish antics would not make me leave this house." nakangusong sinabi ko kay Moira.
"Hindi ko alam if dapat ko nga bang paniwalaan si Misis Morticia na katakutan yung lalaking yun eh he is nothing but an amateur bully." I added.
Biglang naging seryoso ang mukha ni Moira.
"Totoo ang sinabi ni Misis Morticia. Hindi mo pa lubusang nakikilala si Señorito. After the accident nagbago na sya hindi na sya ang Señorito Ramiel na dati kong nakilala. Yana, mag-iingat ka sa kanya at wag mo syang gagalitin."
So far I have nothing to be afraid of Ramiel. Hindi naman siguro ako mamamatay sa araw araw nyang pang-iinis sa akin.
Siguro sa kunsumisyon pwede pa! Pero I don't find him scary at all except for that mask he is wearing. Nakakakilabot!
After makatulog ni Laylah pinakiusapan ako ni Misis Morticia na magwalis ng front yard dahil marami na namang naglaglag na tuyong dahon sa paligid.
I finished after thirty minutes. Nag-unat ako at nagpunas ng pawis. Mahirap pala maglinis ng mag-isa lang. The last time na ginawa ko ito at kasama ko si Moira.
"Nakakauhaw." I said to myself after ko ilagay lahat ng nawalis kong dahon sa isang black na plastic bag.
I went inside the kitchen and took a glass of water in the fridge. Pagtalikod ko napalundag ako ng makita ko si Ramiel sa may pinto. Hinahagis at sinasalo nya ang isang mansanas na hawak hawak nya.
Bigla akong kinabahan. Naalala ko kasi yung warning ni Moira sa akin.
Wag mo syang gagalitin Yana. Those were the words that Moira said to me.
"I can sense it." Bigla nyang sinabi sa akin. Napalundag yung puso ko ng tumingin sya sa akin. Nakakatakot talaga yung suot nyang maskara.
"A-alin?" nauutal kong tanong sa kanya.
Lumapit sya sa akin like a predator stalking its prey. Nanginginig yung basong hawak hawak Ko.
Kinuha nya yung baso sa kamay ko at inilipag sa table. He chuckled.
Oh my sitaw! Binabawi ko na! Natatakot pala ako sa kanya!
"I can sense your fear." he said tapos inilagay nya sa kamay ko yung mansanas na hawak hawak nya. Tumalikod sya at nagsimulang maglakad papalayo.
BINABASA MO ANG
Once upon a Time
AléatoireAng pinakaayaw ng pamilya ni Alyana ay yung magkaroon ng nakabinbing na utang. Kaya naman ng malugmok sila sa kahirapan ay sya ang naisipang ipambayad ng ama sa isang mayamang pamilya na pinagkakautangan nito ng malaking pera. But can she survive li...