CHAPTER SEVENTY FIVE: Paghihiganti

664 15 3
                                    

Manolo

Bumaba ako sa aking kabayo at pinagmasdan ang malaking bahay sa harapan ko. Maraming alaala agad ang bumalik. Mga alaalang akala ko'y naibaon ko na sa limot.

Mayamaya pa ay naglalakad na ako patungo sa opisina ni Don Juan. Sa aking kamay hawak hawak ko ang mga dokumento.

Binuksan ko ang pinto at agad Kong nakita si Don Juan na nakaupo sa upuan nya. Tila lalo syang nagmukhang matanda ngayon marahil dahil sa dami ng pansan pansan na problema.

Tumayo sya ng makita ako.

"Ikaw?!!! Anong ginagawa mo dito sa pamamahay ko?!" bulyaw nya sa akin.

Lumapit ako at inilapag ang mga dokumento sa harapan nya.

"Sa pagkakaalam ko pamamahay ko na ito ngayon Don Juan." sinabi ko sa kanya habang nagsisindi ako ng isang sigarilyo.

Agad nyang binasa ang mga nasa dokumento. Pagkatapos ay tumingin sa akin.

"P-pero kay Luis Antonio Javier ko ibinenta ang lupain ko." nagtatakang tanong sa akin ni Don Juan.

"Ako at sya ay iisa lamang. Isa sa mga natutunan ko sa buhay ay nabibili lahat ng pera pati pangalan."

"Sinasabi ko na nga bang yaman lang namin ang habol mo kaya pinaibig at pinaikot ang aking anak!"

I slammed both my hands on his table.

"Mag-iingat ka sa binibintang mo Don Juan! Wala akong hinangad kundi ang mahalin ng buong buo ang anak mo! Halos ibigay ko sa kanya pati kaluluwa ko mapaligaya lang sya pero anong nangyari hindi ba't iniwan nya ako dahil lang nagbago ang anyo ko. Hindi ako ang nagpaikot kundi ang mapagbalatkayong anak nyo!"

Nanginginig na talaga ako sa galit. Ilang taong kong kinimkim lahat ng poot sa taong ito na nasa harapan ko ngayon.

"Amoy putik ka parin kahit nakasuot ka ng magarang damit ngayon Manolo. Ang putik lagyan mo man ng ginto ay mananatiling putik pa rin."

"At ang hayop magdamit tao man ay hayop parin." sinabi ko sa kanya.

"Halimaw ka!" bulyaw ni Don Juan at nung aakma syang sasaktan ako ay pinigilan ko sya.

"Kung ano man ako ngayon yun ay dahil sa inyo at sa anak nyo."

Binitawan ko ang kamay ni Don Juan. Napasalampak na lang sya sa upuan nya. Naglakad ako papuntang pinto. Huminto ako ng bahagya Ko na itong mabuksan.

"Makakaalis na kayo ngayon sa lupain ko." sinabi ko matapos ay lumabas na ako.

Nasa may pintuan na si Pedro paglabas ko. Inabot nya sa akin ang tali ng aking kabayo. Agad akong sumakay dito.

"Uuwi ka na ba?" tanong nya sa akin.

"Hindi pa. May kailangan pa akong daanan."

"Saan?"

"Sa multo ng buhay ko." sagot ko pagkatapos ay mabilis ko ng pinatakbo ang kabayo.

Pagdating sa destinasyon ko ay agad akong tumungo sa pinto ng mansyon at kumatok. Napasinghap ang babaeng nagbukas ng pinto.

"Manolo?" gulat na sinabi sa akin ni Manang Charito. "A-Anong ginagawa mo dito?"

"Nasaan sya?" tanong ko as I let myself in.

"Na-nasa silid nya si Señorita nagpapahinga sya." sagot ni Manang Charito.

Dali dali akong umakyat sa ikalawang palapag. Sinundan ako ni Manang Charito.

Ayon sa nagbigay sa akin ng impormasyon ay mag-iisang buwan na sa bansa si Clarita. Sya ang sadya ko ngayon dito sa Gray Mansion.

Binuksan ko ang pinto ng silid nya. Nakita Ko sya nakaupo sa may bintana. Nakasuot sya ng puting bestida. Nakapikit and mga mata nya at tila ninanamnam ang dampi ng araw sa mukha nya mula sa bintana.

Once upon a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon