HALOS isang linggo na ang nakararaan ng magbalik sila sa apartment.
Kasalukuyan niyang pinapakain si Cael ng mga sandaling iyon. Katulad ng nakasanayan ay pagpipinta lamang ang inaatupag niya sa mga nakalipas na araw.
Bagama't masama ang pakiramdam ay tuluyan ng tinapos ni Rachelle ang pagpipinta sa anyo ni Benedict. Iyon na siguro ang huling obra niya. Dahil magbabawas na rin siya ng gawain, ayon na rin sa nakausap niyang Doctor noong nagpacheck up siya ay kakailanganin niyang ipahinga ang katawan.
"Wow! okay na 'tu. Sana magustuhan niya. . ."naibulalas ni Rachelle habang titig na titig roon.
Nangingiti naman niyang tinakpan iyon ng tuyong tela. Agad niyang kinuha mula sa paanan niya si Cael ng panay ang dikit nito sa paanan niya.
"Sa tingin mo Cael, matutuwa siya sa ibabalita ko. . ."pakikipag-usap ni Rachelle sa kuting.
Ngunit akmang yuyuko na siya ng bigla ay makaramdam siya ng pangkahilo.
"B-Baby? are you alright?"Kinakabahan na tanong ni Benedict na kapapasok lamang mula sa pinto. Kauuwi lamang nito galing sa QUIDYSABE.
Dahil sa tatlong araw na nawala ay marami siyang inasikaso sa business nila. Lalo ngayon nakaleave si Quinx dahil sa nalalapit nitong kasal. Habang si Dyson naman ay may kinakaharap na usapin sa personal nitong buhay.
Nalaman niya mismo kay Sancho na buntis si Donabelle at si Dyson nga raw ang ama.
"Okay lang ako Baby, gutom ka na ba? Gusto mo na bang ipaghain kita. Nagluto ako ng niligang baka. . ."agad na sagot ni Rachelle ng makabawi.
"Hindi pa naman baby, halika iuupo kita. Gusto mo ba ng tubig?"Tuloy-tuloy na sabi ni Benedict.
Matapos niyang iupo si Rachelle ay mabilis na siyang kumuha ng tubig. Halos nakalahati rin ng dalaga ang laman niyon.
"Ang mabuti pa ay ako na ang maghanda ng dinner natin. Sit down and relax ka lang diyan."Mayamaya'y suhestyon ni Benedict.
Hindi na nito hinayaan na makapagsalita ang fiance. Dali-dali ng naglagay ng mga plato at kubyertos ang binata. Naglagay na siya ng kanin sa bandehado at nilagang baka na ulam nila sa mangkok.
"Kain ka na . . ."wika ni Benedict. Agad naman bumuka ang bibig ni Rachelle at tuluyan isinubo ang nasa kutsara na tangan-tangan ng binata.
"Thanks baby, napaka-sweet talaga ng fiance ko. Kaya napakaswerti ko. . ."matamis na ngiti ni Rachelle.
"Of course! gusto kong maging okay ka baby. After we eat ay magtake ka agad ng gamot maliwanag ba?"malambing na saad ni Benedict.
"Hmp! ayaw kong magtake ng gamot. Itutulog ko na lang ito. . ."nakasimangot na saad ng dalaga.
"Sige-sige! kaya damihan mo ang pagkain at mahiga ka na maya. Ako ng bahala rito okay?"
Nang tumango si Rachelle ay mabilis na nitong hinipan ang tangan-tangan na kutsara. Sa ilang pagsubo ay tuluyan ng umayaw ito.
Wala ng nagawa si Benedict pagkatapos. Dahan-dahan na niyang inilalayan ang dalaga at tuluyan sinindihan ang bentilador sa paanan ng hinihigaan nila.
Panay himas lamang ang ginawa ng binata sa pisngi ni Rachelle.
"Can you sing for me baby?"naglalambing na hiling ng dalaga na nanatiling nakapikit ng mga sandaling iyon.
"Okay baby, wait kunin ko lang iyong gitara ko."
Dali-dali naman kinuha ng binata ang naka-bag na instrument.
Bukod sa pagpapatakbo ng business ay hilig ng binata ang pagkanta at pagtugtog ng gitara. Walang lakas ng loob na ipakita ng binata iyon sa iba. Maging sa pamilya niya at mga kaibigang matatalik ay walang kaalam-alam sa talent niya.
BINABASA MO ANG
Playboy Meets The Unwanted Girl (COMPLETED)
Romance"Ako iyong taong pupuno sa pagkukulang at tatanggap sa buong pagkatao mo..." -Benedict Castellejo Playboy Meets The Unwanted Girl (PUBLISHED UNDER CHAPTERS LOVE PUBLISHING HOUSE) Babz07aziole Romance Bimbi also known as Benedict Castellejo, isang...