PANGATLONG araw ng mapagpasiyahan ni Bimbi na pumunta sa restaurant nila.
Makulimlim ang araw na iyon, may tyansa na umulan ng malakas sa hapon na iyon.
Sa ilang araw na hindi siya naglalabas ay umasa lang naman siya na magbabalik sa kaniyang unit si Rachelle. Ngunit bigo siya, dahil hindi ito dumating sa lumipas na araw.
Mabilis na niyang ipinarada sa harapan ng QUIDYSABE ang dala niyang Volvo. Isang parking space ang bakante na natatanging para sa binata. Bali may tatlo pang parking space para kina Quinx, Sancho at Dyson.
"Goodmorning Sir Benedict! mabuti ho at nagawi na kayo rito. . . "sagot ng security guard na si Danilo. Hindi naman ito sinagot ni Bimbi, tuloy-tuloy itong pumasok matapos na pagbuksan ito ng sliding door ng lalaki.
Hindi naman na nag-usisa si Mang Danilo, kilala kasing masungit at hindi namamansin ang binata. Sa kanilang apat na nagmamay-ari ng restaurant ay mababait at palapansin ang tatlong mga kaibigan niya. Siya lang ang sadiyang hindi madaling lapitan.
Nakasimangot si Benedict kaya natitiyak nitong bad mood ang amo.
Agad na naglakad sa may hagdan si Bimbi papuntang second floor iyon, exclusive lamang iyon sa kanilang apat na nagmamay-ari at ilang malalapit na kaibigan nila o kaya mga important client din.
Ang ilan sa mga babaeng costumer ng QUIDYSABE ay napatuon ang mga mata sa direksyon niya.
Bumubulong at tila kinikilig sa presensiya ng binata. May mangilan-ngilan kasi na dumadayo pa sa branch nila rito sa Makati, hindi sa kadahilanan na dahil ito ang main branch ng mga business nila. Kung 'di dahil doon sila laging nakatambay na apat. Kaya hindi maipagkakamaling pinakamalakas kumita ang Makati branch nila.
Nagbabakasali ang mga costumer nila na mapansin sila ng isa sa mga nagmamay-ari ng QUIDYSABE Milk Shake and Tea Restaurant.
Patuloy lamang sa pagpanhik sa itaas si Benedict, napansin niya agad si Quinx na nakatalikod sa kaniya. Busy itong tumitipa sa kaharap nitong laptop. Habang si Sancho naman ay nasa hawak nitong iPhone ang pansin. Kasalukuyan itong may kausap sa kabilang linya. Sa reaction pa lamang nito'y alam niyang babae na naman ang kausap nito.
"How's the business?"agad na tanong ni Benedict sa dalawa. Marahan nitong tinapik si Quinx.
"Mabuti naman at naisipan mo ng gumawi rito sa reatau. . . "naiusal ni Quinx, mabilis lamang siya nitong tinapunan ng pansin bago ibinalik sa ginagawa ang pansin.
"Sorry naman may inasikaso lang ako. . ."walang-gana niyang sagot.
Saglit na nagkatinginan sina Sancho at Quinx.
"Huwag mong sabihin na babae iyan, dahil kung Oo! fuck that impossible man!"tatawa-tawang biro ni Sancho.
Matlim naman siyang binalingan ni Benedict.
"I-It's not of your business!"angil nito.
"Okay. . ."iiling-iling naman si Sancho. Mukhang hindi ito kumbinsido sa sinabi ng kaibigan. Si Quinx naman ay ipinagpatuloy ang pagtipa sa kaharap na laptop.
Agad ang paghayon nina Bimbi sa direksyon ng hagdan ng bumungad roon si Dyson.
"Oh man! your here! mabuti naman at naisipan mo na rin magpakita ng halos isang linggo mong hindi pamamasyal dito. . ."bati naman ni Sancho na naghigh five pa rito.
"Oo nga naging abala lang sa maling babae. . ."naibulalas ni Dyson.
Taka naman nagpalitan ng tingin si Sancho at Bimbi. Maski si Quinx ay itinigil ang ginagawa.
BINABASA MO ANG
Playboy Meets The Unwanted Girl (COMPLETED)
Dragoste"Ako iyong taong pupuno sa pagkukulang at tatanggap sa buong pagkatao mo..." -Benedict Castellejo Playboy Meets The Unwanted Girl (PUBLISHED UNDER CHAPTERS LOVE PUBLISHING HOUSE) Babz07aziole Romance Bimbi also known as Benedict Castellejo, isang...