CHAPTER TWENTY EIGHT

130 2 0
                                    


TAHIMIK NA TAHIMIK ang buong kabahayan ng mga sandaling. Ayon na rin sa ipinag-utos ni Benedict sa lahat.

Hating-gabi na, ngunit nanatiling nakamulat at pinagmamasdan niya ang payapang mukha ng kaniyang anghel sa crib.

Noong umalis pala siya ng araw na iyon ay dali-daling nagpunta ng mall ang abuela niya upang mamili ng mga gagamitin na gamit ng anak niyang si Herschel.

Nagulat pa nga siya, dahil kinumpleto na ng kaniyang abuela ang lahat. Sa mga isusuot nitong damit, gatas, botelya at iba pang kasangkapan na magagamit ng anak niya.

Tila maging si Senyora Krisanta ay tuluyan na rin nagtiwala at naniwala. Ganoon na yata kapag nag-iisang apo na katulad ni Benedict ay ibibigay ang lahat kahit hindi alam kung nasa tama pa ba.

Pero noong makarating sila sa mansiyon at mapagmasdan ng Senyora ang anak ni Benedict ay tila nagliwanag ang mukha nito at dali-daling kinarga si Herschel.

Ora mismo ay nagtawag ito ng mga katulong upang bitbitin ang lahat ng mga dala-dalang gamit nina Minang na nasa loob pa ng sasakiyan nito.

Isang salu-salo rin ang inihanda nito sa bagong dating na si Minang at para na rin sa apo nitong si Herschel na walang ginawa kung 'di ang humagikhik at makipaglaro sa abuela niya.

"Hindi ka pa ba matutulog iho? Don't worry may sasabihan akong katulong na titingin-tingin kay Herschel kapag hindi ka nagising sa oras ng pagdede niya,"ang agaw-pansin na saad ni Senyora Krisanta sa mababang boses. Maging ito man ay nag-iingat na makagawa ng ingay upang hindi maisturbo sa pagtulog ang munting anghel ng kanilang mansiyon.

Isang matamis na ngiti at iling lamang ang ginawa ni Benedict na nanatiling nakatutok ang atensyon sa bata.

"Hindi pa ho ako inaantok Mamita, sa totoo lang hindi ho ako makapaniwala na magpahanggang ngayon na kasama ko na ang anak ko. N-Na binigyan ako ng pagkakataon na makasama siya. . ."parang may bikig sa lalamunan na sagot ng binata.

Unti-unti naman napaupo si Senyora Krisanta sa kama ng binata sa tabi rin nito. Manaka-nakang hinihimas nito ang likuran ng binata.

"Iyon nga eh iho, gusto kong magtampo sa ina ng bata. Kung bakit hindi niya ipinaalam sa iyo na may anak na kayo. . . "

Bigla naman nilingon ito ng binata na nakakunot-noo. Sa mga sandaling iyon ay napaisip din siya, pero hinayaan na lang niya.

"O-Okay lang Mamita, atleast ngayon nakuha ko na si Herschel. Iyon ang importante."sagot ng binata.

"Nakakatuwa nga e iho, kamukhang-kamukha mo siya. Para kayong pinagbiyak na bunga, kahit hindi na natin isagawa ang DNA testing sa bata. . ."galak na anunsiyo nito.

Napatango-tango naman si Benedict. Ngunit, hindi pa rin nawawala sa isipan niya ang katanungan na nabuksan ng abuela niya.

Kung bakit itinago at hindi ipinaalam ni Rachelle na may anak sila. . .

KINABUKASAN ay maagang nagising si Benedict. Agad na dumako ang pansin niya sa crib, ngunit wala na ang bata roon.

Mabilis siyang naglakad palapit sa bintana. Tuluyan siyang dumungaw, nakita nga niya si Herschel sa bermuda grass sa garden ng mansiyon.

Naroon na umaalalay si Minang, nagtaka siya. Dahil sa ganoong kaagang oras ng umaga ay naroroon ang Mommy at Daddy niya.

Nakakapagtakang hindi nag-aaway at tila maayos na nag-uusap ang dalawa.

Isang kaway ang ginawa ng abuela niya na agad naman niyang tinugon.

Nagmadali na siyang tumalikod at nagpunta sa banyo. Hinayaan niyang maglandas sa hubad niyang katawan ang lamig na dulot ng tubig sa shower.

Playboy Meets The Unwanted Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon