CHAPTER EIGHT

191 4 2
                                    


AGAD hinila papasok ni Benedict sa kotse niya si Rachelle, kahit panay na ang hila ng babae sa palapulsahan niya mula sa mahigpit na pagkakahawak ng binata roon.

"A-Ano bang problema mo Sir?"sigaw ni Rachelle ng tuluyan siyang mapaupo sa driver seat ng kotse ni Bimbi.

Sinundan lamang ni Rachelle ang lalaki hanggang sa makapasok ito sa tabi nito.

"Wear your seatbelt."mahinahon na mando ni Bimbi. Naiinis siya sa babae kung umakto ito ay tila walang namagitan sa kanila!

Agad ang pagtapon ng malamig na titig ng binata sa kaniya. Hindi pa rin niya ginawa ang ipinag-uutos nito.

"Ellechar! gusto mo bang ako ulit ang magkabit ng seatbelt mo?"mariin na utos ni Benedict.

Dahil sa pagkaalala ni Rachelle kung paano dati ang ginawa ng binata sa kaniya at kung anong klaseng pakiramdam ang naramdaman niya rati ay mabilis pa sa alas-kuwarto niyang isinuot ang seatbelt.

Agad ang pagngisi ni Bimbi ng mahuli niya ang pagkataranta sa magandang mukha ni Rachelle. Tuluyan ng pinaandar ni Bimbi ang kotse nito. Bigla naman kinabahan si Rachelle sa inaakto ng boss niya.

"S-Saan po tayo pupunta?" pautal na tanong ni Rachelle sa katabing binata.

"Saan ba ang bahay mo?"balik-tanong ni Benedict. Nanatiling sa may daan ang pansin nito.

"Bakit niyo itinatanong?"kinakabahan pa rin na pagtatanong ni Rachelle.

"Tinatanong mo pa ba iyan Ellechar, syempre your my girl now starting today. . ."walang preno na sabi ng binata.

"Hibang ka ba? diba't sinabi kong ayuko!"mataas na rin sabi ng dalaga.

Napahigpit ang kapit ni Rachelle sa seatbelt ng biglang magpreno ang sasakiyan ng binata.

"No one can reject me baby, even you."pinal na saad nito.

Bigla naman natahimik si Rachelle tila wala siyang maisip na sabihin sa lalaking katabi. Naramdaman na lamang ni Rachelle ang paghawak ng palad ni Benedict sa palad niya.

"Don't worry, I'll be a good partner to you. So what your address. . ."muling pangungulit nito sa kaniya.

"Bakit mo ba itinatanong? S-Saka bakit ako pa? andami-dami naman mga babae na nagkandarapa sa iyo. Marami na akong prinoproblema, huwag ka ng dumagdag pa!"baling niya rito. Hindi na niya alam kung paano itataboy ito.

Kilala niya ang mga katulad nito, playboy. Kapag nagsawa na'y iiwan din siya!

Ngunit tila walang narinig si Bimbi ipinagpatuloy lamang nito ang pagmamaneho.

"Gusto ko nang bumaba!"Sigaw ni Rachelle.

Kitang-kita nito ang paghigpit ng hawak sa manibela ng binata. Magkasalubong na rin ang makakapal nitong kilay.

"Ano ba Bimbi, sabi kong baba na ako!"pangungulit ni Rachelle. Isang tili ang namutawi sa labi niya ng bigla nitong kinabig ang manibela at ipreno iyon.

Agad na kinalas ni Rachelle ang seatbelt, akma na nitong bubuksan ang pinto ng kotse ni Benedict ng maramdaman niya ang masuyong paghawak ng palad nito sa palapulsahan niya.

"I-I'm sorry if sa tingin mo pinagtri-tripan kita. It's just that, may nakita lang kasi ako sa iyo na wala sa iba. K-Kung magbago ang isip mo sabihin mo lang. Sasabihin ko rin kina Quinx na gawin ka ng permanent sa restaurant . . ."

Hindi naman nakaimik agad si Rachelle, wala siyang maisip na maisagot rito.

Napabuntong-hininga na lamang ito pagkatapos.

"I-Iyan ba ang desisyon nina Sir Quinx, g-gusto ba nila akong tanggalin?"tanong niya rito.

Nang hindi umimik si Benedict ay tuluyan nakumpirma ni Rachelle na mukhang mawawalan pala siya ulit ng trabaho.

Pansin na niya iyon kahapon pa, pero dahil malapit siya sa fiance ni Sir Quinx ay hindi nito masabi ng diretsa sa kaniya.

Sa mga sandaling iyon ay biglang nanikip ang dibdib niya. Ramdam na naman niya ang biglang pagraan ng mabigat na pakiramdam sa kaibuturan niya.

Lagi na lamang ba siyang aayawan ng lahat?

"Baba na ako sir, pakisabi na lamang kina sir Quinx na salamat. . . "tugon niya.

Sinundan na lamang siya ng tingin ni Bimbi. Balak niyang sundan ito para malaman niya kung saan ito nakatira, ayaw pa rin niyang sumuko. Nagbabakasali na magbago ang isip nito at tanggapin ang offer niya.

"What gotten to your mind Bimbi, madami pang mas nakakahigit sa babaeng iyan. . ."bulong ng kontrabidang tinig sa utak niya makalipas ang ilang sandaling pagsunod rito.

Hanggang sa tuluyang sinunod nito ang kumukontrang boses sa utak niya. Muli siyang bumalik sa Restaurant nila .

"Oh kumusta ang pag-uusap niyo ni Rachelle?"tanong ni Sancho na idinampi-dampi pa ang ice bag sa may gilid ng labi nito. Kung saan banda siya nasuntok ni Bimbi kanina.

"Hindi na mahalagang malaman niyo pa ang pinag-usapan namin, tuloy ba tayo mamaya. . ."pilit na pinasigla ni Benedict ang tinig.

"Pasensiya ka na rin pala,"hinging-paumanhin ni Benedict kay Sancho na nag-okay sign lang.

"Ayos ka lang ba talaga pre?"si Dyson.

"Oo naman, kailan pa ako naging hindi maayos."naisagot na lamang ni Benedict.

Mabilis na lumipas ang maghapon, tuluyan natuloy ang tatlo sa bar na laging pinupuntahan ng mga ito.

"Are you alright?"malambing na tanong ni Michelle na kasalukuyan nakakandong sa kaniya habang hinahalikan ang leeg niya ng mga sandaling iyon.

Isa sa mga Kolehiyala sa sosyalidad nila ang dalaga, may mataas na panunungkulan ang Mommy at Daddy nito sa Malacañang.

Maganda, sexy at sosyal na sosyal ang babae. Ngunit nakakapagtakang walang ka amor-amor kay Benedict ang itsura nito.

"I'm fine Mitch, just tired. . ."Bimbi exclaimed.

Kitang-kitang niya ang pakikipag-sayaw sa harapan ni Sancho. Habang si Dyson naman ay pilit na hinahalikan ng babaeng kadate nito. Mukhang hindi pa rin ito ready makipag-flirt sa ibang babae.

Naramdaman ni Benedict ng ipasok ni Michelle ang isa palad sa polo na suot niya.

"What you waiting for Bimbi? Tara sa pad ko hmmm..."nanghahalinang ungot ni Michelle.

Mataman munang nag-isip si Benedict. Hanggang sa tuluyan niyang hinapit ang beywang ng babae.

"Let's go babe. . ."

Tuwang-tuwa naman na nagpatiayon si Michelle.

"Kung ayaw mo, 'wag mo. . ."mapait na bigkas mula sa isipan ni Bimbi patungkol kay Rachelle na nanatiling tumatakbo sa isipan ng binata.

Naglumikot na ang mga kamay ni Michelle sa matitipunong dibdib ng tuluyan mabuksan nito ang pagkakabutones niyon. Hinayaan niyang matangay sa haplos ng babaeng kasama. Lalaki lamang siya, bakla na siya kung 'di niya papatusin ang magandang babae na katulad ni Michelle. . .

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Playboy Meets The Unwanted Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon