AGAD ang paghila ni Bimbi ng makapal na kumot papunta sa mukha niya ng masilaw siya ng labis sa liwanag na nanggagaling mula sa labas ng bintana.
"So your wake up apo. . ."masiglang bati ni Donya Krisanta kay Bimbi na iinot-inot nang bumangon.
"Why are you here Mamita?"casual na tanong ng binata. Agad na itong tumayo at nagtungo sa banyo.
"Tinatanong mo pa ba iyan, siyempre namimiss ko lang naman ang nag-iisa kong apo. Bakit? bawal na ba akong nagpupunta rito sa condo mo, hmmm."malambing na sagot ng abuela niya.
Lumabas na siya ulit ng banyo, habang nagpupunas ng tuwalya sa mukha. Nanakit pa rin ang ulo niya dahil sa daming nainom na brandy kagabi, may pinuntahan na naman kasi silang party ng isang elites.
Ang naalala niya'y nag-uwi na naman siya ng dalawang babae na guest din sa party na iyon. Halos hindi niya rin naman matandaan ang mga pangalan ng mga ito at mukha ng mga babaeng sumama sa kaniya. Kaya mabilis niyang pinalis sa isipan ang pag-iisip sa dalawang babae.
Basta ang naalala lang niya, he make a good time last night with the two bitch.
"Ngiting-ngiti ka diyan? Alam ko na naman ang ibig sabihin ng mga galawang mong iyan, Hay naku apo! Kailan ka ba titigil sa pambabae. Matanda na ako, sana naman maisipan mo ng magkaroon ng pamilya. Ang pinakamagandang mangyari sa buhay ng isang tao rito sa mundo'y magkaroon ng isang asawa na uuwian at mga anak na mamahalin. . ."mahabang salaysay ng matanda sa kaniya.
"Mamita, ang bata-bata ko pa para isipin ang pag-asawa, nag-eenjoy pa ako ngayon. . ."nasabi na lamang niya. Kada magkita sila nito ay lagi nitong iniuungot sa kaniya iyon.
Ngunit dahil sa sinabi ng abuela niya'y biglang dumaan sa isipan niya ang maamong mukha ni Rachelle, habang bit-bit nito sa bisig ang isang malusog na bata. Agad niya rin pinalis sa isipan iyon.
Kakatwa na muling sumagi sa isip niya si Rachelle, sa ilang linggo na nakalipas ay hindi niya naalala ito.
"Hindi nga ba?"pilyong sabi ng kontrabidang tinig mula sa isipan niya.
Ang totoo sa tuwing may kasama-kasama siyang babae sa kama at kaulayaw niya sa mga nagdaan na gabi ay ito ang laman ng isip niya. Tila ba nakatatak na sa utak niya ang gabing iyon, kung saan naging ganap na babae ito sa kandungan niya.
"Benti-otso ka na Bimbi, nasa tamang edad na paraa mag-asawa. Kaya ano? tutulala ka na lamang ba diyan, ang mabuti pa'y ipasiyal mo ako sa restaurant niyo. . ."agaw-pansin ng matanda sa kaniya.
"Sure,"tugon niya. Napagdesisyunan na ng binata na maligo. Sa QUIDYSABE na lamang din siya kakain.
AGAD niyang pinagbuksan ng pinto ang abuela niya.
"Wow! mas nag-improve ang restau niyo ngayon apo. Noong last na pumasiyal ako rito ay wala pang burger and pizza sa menu niyo, mukhang masarap din ang pasta at carbonara niyo."nagniningning na pamumuri ng abuela niya.
"Hinay-hinay lang sa mga kakainin niyo Mamita, baka tumaas ang cholesterol niyo. . ."paalala naman ni Bimbi rito.
"Nah it's okay, I have maintenance though."
Naiiling na lamang ang binata, agad siyang nagtawag ng staff na kumuha ng order nilang maglola. Isang brewd coffee, chicken filley and omellete ang inorder niya para sa sarili. Habang ang abuela naman niya'y non-sugar hot milk and pasta.
Nasa kasarapan na sila nang pagkuwe-kwentuhan ng Lola niya ng bumungad si Quinx at ang fiance nito sa bungad ng hagdan.
"Hola! iho, mukhang nahanap mo na ang babaeng mapapangasawa mo. Kailan ang big day?"nangingislap ang mga mata na tanong ng matanda sa dalawa na naupo sa table nila.
"Next year po Lola,"maiksing tugon ni Quinx.
"Mabuti ka pa at naisipan ng lumagay sa tahimik, habang itong si Bimbi. . . Ewan ko na. Hanggang kailan siya magsasawa sa mga babaeng pinagaaksayahan niya ng---".
Ngunit, agad ng nagsalita si Benedict.
"Mamita, ano ba I'm just enjoying my bachelor life. . ."
"I don't understand apo, okay lang sana na magkaroon ka na ng steady girlfriend. Kaysa naman iba't ibang babae ang kinikita mo."disappointed pang wika ng matanda.
"Don't worry Mamita, makikita ko rin ang babaeng pag-uukulan ko ng espesyal na damdamin soon."pagtatapos ng binata upang hindi na mangulit ito.
Mataman siyang napaisip, ang totoo'y natagpuan naman na niya talaga ang babaeng pinaglaanan niya ng spesyal na damdamin. Kaso . . .
"He just reject you Benedict. . ."piping pang-uuyam ng kontrabidang boses sa isip niya.
Dahil sa isipin iyon ay nababad trip siya.
"Excuse me, I'll just gonna use the bathroom."tumayo na siya. Napatigil pa siya sa paghakbang, muntik na kasing tumaob ang tray sa harapan niya na hawak-hawak ng babaeng laman ng order nila.
Agad iche-neck ni Bimbi ang suite na suot.
"Hey! wala ka bang mata at hindi mo ginagamit ng maayos."mataas ang boses na tungayaw ni Bimbi rito.
"S-Sorry sir. . ."utal na wika ng babae.
Agad ang paglipad ng tingin ni Benedict ng mabosesan niya ito.
"Y-You?!"mangha na bulalas nito.
Hindi aakalain nito na makakaharap pa niya si Rachelle. Agad niyang binalingan si Quinx na agad pumagitna sa kanila.
"Sige Ms. Madriaga, pakibaba na lamang iyang tray. Bumalik ka na sa pantry,"baling ni Quinx rito. Agad naman itong dinaluhan ni Lilina. Maski ang Lola ni Benedict ay nagpasensya sa ginawang pagsigaw ng apo.
Gustong pigilan ng binata ang Mamita niya sa paghingi nito ng dispensa kay Rachelle. Dahil para rito'y ito ang may atraso sa kaniya.
Tuloy-tuloy ng naglakad papunta sa office nila si Bimbi, agad sumunod si Quinx dito.
Pagkasara pa lamang ng pinto nito ay agad ng rumatsada ang bunganga ni Benedict.
"What's was that? A-Anong ginagawa ni Rachelle dito. Akala ko ba na buo na ang isipan niyo na tanggalin siya. And now pinabalik niyo pa rin siya ng wala man lang pasabi sa akin?"nanggigil niyang bigkas.
"C'mon pare, akala ko ay alam mo. Bakit hindi mo tanungin si Sancho. He knew about this, calm down. Maano ba kung i-hire natin ulit iyong tao, mukhang marunong na siya. Kaya wala ng magiging problema sa kaniya."dire-diretsong sabi ni Quinx.
Gusto pa sana niyang magreklamo ngunit nagpigil na siya. Baka kung ano pang isipin ng mga ito sa kaniya.
"Huwag mong sabihin na bother ka sa presence ni Miss Madriaga Bimbi."puno ng usisang saad ni Quinx.
"Of course not! I-It's just that. . . hmmm, never mind."tuluyan niyang pagtatapos.
Tinalikuran na niya ito, nagpunta na siya sa table nila. Sumunod rin naman si Quinx sa kanila.
Tila naman nakisama ang Lola niya, dahil hindi na ito nag-usisa pa. Sa lumipas na sandali ay itinuon na lamang ni Bimbi ang pansin sa kinakain.
Hihintayin na lamang niyang dumating si Sancho at ito ang kakausapin niya ng tungkol sa pagha-hired kay Rachelle ng walang pasabi sa kaniya. . .
BINABASA MO ANG
Playboy Meets The Unwanted Girl (COMPLETED)
Romance"Ako iyong taong pupuno sa pagkukulang at tatanggap sa buong pagkatao mo..." -Benedict Castellejo Playboy Meets The Unwanted Girl (PUBLISHED UNDER CHAPTERS LOVE PUBLISHING HOUSE) Babz07aziole Romance Bimbi also known as Benedict Castellejo, isang...