ISANG tapik ang ginawa ni Benedict sa balikat ni Dyson pagkarating pa lamang niya sa QUIDYSABE.Kasalukuyan silang nasa second floor, mag-aalas tres pa lamang ng hapon ay kaharap na ng dalawa ang bote ng mga alak at pulutan na marahil ay inorder pa sa ibang restaurant.
Kagagaling lamang niya sa isang outside meeting ng binata. Kaya hapon na siya nakarating sa kanilang restaurant.
"Oh! maaga pa para maglasing!"naiiling at nakataas ang sulok na labi na panimula ni Benedict.
"Paano ba naman kasi, etong si Dyson agad-agad na nagpabili kay Betty ng maiinom."si Sancho na agad binuksan ang bote ng San Mig at agad na inuumang kay Benedict.
Tuluyan naman kinuha iyon ng binata at nilagok.
"Badtrip kasi, hanggang ngayon hindi pa rin ako makaget over na buntis ko si Donabelle!"Halata sa tinig nito ang inis at kawalan ng gana sa nasabi.
Tuluyan nang naupo si Benedict.
"Asus! ayaw mo nun, magiging Daddy ka na?"Kantiyaw ng binata.
"Hoy! akala mo ba nakakatuwa? Damn it! that means, na tapos na ang pagiging single ko!"Atungal nito.
"Ahhh. . . iyon pala, pwedi ka naman makipag-usap sa babae e. Kung ayaw mong pakasalan, sustentuhan mo na lang."Suhestyon ni Sancho.
"Kung ganoon lang sana kadali, alam niyo naman ang lahi ng pamilya niyon! Hindi basta-basta!"Himutok ni Dyson na tuluyan nangalumbaba sa lamesa.
"Uy! magtigil ka nga! Nasa QUIDYSABE tayo, tapos gaganiyan-ganiyan ka, malas sa business 'yan. Matanong kita, wala kana ba talagang makapang kahit na anong damdamin kay Donabelle. Alam mo na, baka meron pa. Mas okay pa rin kasi na pakasalan mo siya kasi siya ang magiging ina ng anak mo."payo ni Benedict.
"Bakit pare kung mabubuntis ba si Rachelle pakakasalan mo? Oh, never mind! huwag mo ng sagutin. Dahil alam ko na kung ano ang isasagot mo. . ."Nakakalukong saad ni Dyson.
"Sinabi mo pa, kita mo ilang Buwan pa lang magkarelasyon pakakasalan na niya. Sana all na lang tayo!"Pambubuska pa ni Sancho.
"Sira!"sabay ng pagbato ng pinagbalatan ng kendi ni Benedict na natatawa.
"Oh! Bakit totoo naman, ewan ko ba at kung ano ang nakita niyo nina Quix sa mga fiance niyo ngayon at aabot talaga na pakasalan niyo sila."patuloy ni Sancho.
"Secret! Hayaan mo maiintindihan mo rin ako kapag nahanap mo na ang babaeng nakatakda sa'yo."
"Talaga? kailan pa kaya iyon, sa ugali nitong si Sancho na hindi makapirmi sa iisang babae napakaimposible!"Naiiling na sabat ni Dyson.
"Aba makikita mo, malay mo nasa paligid lang siya diba Betty!"Agad na umakbay ito sa Assistant Manager ng restaurant na kakaakiyat lamang.
Napatanga sila ng bigla na lamang binaliko ng babae ang kamay nito hanggang sa may likuran ni Sancho na umakbay sa balikat nito.
"Aray! Aray! Hoy Ms. Jacinto! Let go of my hand! Fuck!"Agad na pakiusap ni Sancho. Pinukpok nito sa lamesa ang isang kamay.
"Sure Sir! huwag ka lang uulit. . . "masungit nitong sabi matapos na makuha nito kay Bimbi ang ipinapirma na papeles ay tuluyan na siyang pinakawalan.
Gusto pa sanang habulin ito ni Sancho para magantihan ng mabilis na siyang nahila ng dalawa.
"Hoy! kalalaki mong tao papatol ka sa babae? At kay Betty pa."iiling-iling na sabi ni Benedict.
BINABASA MO ANG
Playboy Meets The Unwanted Girl (COMPLETED)
Romance"Ako iyong taong pupuno sa pagkukulang at tatanggap sa buong pagkatao mo..." -Benedict Castellejo Playboy Meets The Unwanted Girl (PUBLISHED UNDER CHAPTERS LOVE PUBLISHING HOUSE) Babz07aziole Romance Bimbi also known as Benedict Castellejo, isang...