CHAPTER TWENTY

128 5 0
                                    


PINAGMASDAN ni Benedict ang pag-aayos ng mga staff nila sa QUIDYSABE ng mga oras na iyon.

mag-a-alas siyete na ng gabi kaya binibilisan na nila ang galaw.

"Sure ka na ba sa gagawin mo pare?"Si Sancho na nasa kabilang panig niya lang.

"Oo naman."matipid niyang sabi. Ngunit siguradong-sigurado naman siya.

"I can't believe na gagawa ka talaga ng ganito huh! Kasi ang kakilala kong Benedict Castellejo ibang-iba!"naiiling at tatawa-tawang bulong ni Dyson.

"Maybe ngayon mababago na ang pananaw niyo sa isang katulad ko."Nakataas ang kilay na saad ni Benedict at agad na nagpunta sa center table para i-check ang ilang mga gagamitin ng banda doon.

"Woah! talo mo pa ang contour designer sa inaasta mo Bimbi."patuloy pa rin ni Dyson na sumusunod sa kaniya.

"Gusto ko kasing maging perfect para pagdating ni Ellechar ay walang sasablay. Matanong ko Sancho natawagan mo na ba si Quinx?"Agaw-pansin ng binata rito.

"Oo siya ng bahala roon, kasama naman niya si Lilina. Tiyak kapag makikita mo si Rachelle matutunaw 'yang puso mo."

"Matagal ng natunaw 'tu! Okay sige, fuck! kinakabahan ako. Wait sunduin ko lang si Mamita. . ."biglang nasabi ni Benedict. Tuluyan na nitong inilabas sa bulsa niya ang susi ng Volvo niya.

Nagtinginan na lang at saka naghigh five ang dalawa dahil sa pagkataranta lang naman ng kaibigan nila.

Hindi nila aakalain na magkakaganoon ito, dahil sa inihanda lang naman na surpresa ni Benedict sa birthday ni Rachelle. Isang band party celebration in the house ang naisipan lang naman nito.

PATULOY sa maingat na paglalakad si Rachelle sa mga sandaling iyon. Magmula ng makaalis sila sa apartment niya ay nakapiring na siya.

Hindi niya matukoy kung nasaan na siya ngayon, kung ano ang trip ng best friend niya. Ang sabi nito ay may dadaluhan silang party.

Kaya todo ayos sa kaniya ang mga kilalang make up artist at hair stylist na kasama nina Quinx sa apartment niya. Even the red night gown na dinala nito'y nagustuhan niya. Humahakab kasi sa balingkinitan niyang katawan matapos niyang maisukat iyon. Maging ang katamtaman laki ng dibdib niya'y naemphasize. Gayong hindi naman kalakihan ang mga iyon. Halos hindi niya nakilala ang sarili pagkatapos ng isang oras na pag-aayos sa kaniya ng mga ito.

Kahit na ikinatutuwa ni Rachelle ang kinalabasan ng transformation niya ay ayaw na sana niyang sumama dahil hindi pa siya nakapagpaalam kay Benedict. Hindi rin naman niya makontak ito dahil patay ang android phone nito na ipinagtaka niya dahil unang beses na nangyari iyon.

Baka kapag nagtagal siya sa dadaluhan nilang party ay hanapin na siya. Ayaw na ayaw pa naman nitong pinag-aalala niya.

Sa lahat ng nagustuhan niya rito ay ang ugaling iyon ng kasintahan ang pinakagusto niya. Lagi siyang isinaalang-alang at inuuna sa lahat ng bagay. Ramdam niya ang kaseryusuhan nito sa relasyon nila ang pagmamahal na ngayon niya lang naranasan sa isang lalaki na hindi niya aakalain na mararanasan niya.

"Lilina? Ano na, aalisin ko na ba itong takip sa mga mata ko!"pasigaw na turan ni Rachelle mula sa kinauupuan matapos ang ilang sandali matapos siyang iupo nito sa isang silya.

Taimtim siyang nakiramdam at nakinig sa palibot niya ngunit sadiyang napakatahimik na tila nasa isang kulob siyang lugar.

Nang hindi ito umimik ay tuloy-tuloy na siya sa pagtanggal sa telang tumatakip sa mga mata niya.

Agad niya rin naman tinakpan ang mga mata ng masilaw siya sa liwanag ng paligid.

Nang masanay ang mga mata ay nanlalaking iginala niya ang paningin. Agad niyang tinakpan ang bibig upang hindi kumawala ang singhap mula sa labi niya.

Playboy Meets The Unwanted Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon