CHAPTER TWENTY TWO

125 2 0
                                    

PANGATLONG ARAW na nina Rachelle at Benedict sa Batangas. Bukas ay uuwi na sila sa Manila, naisipan nilang lumabas sa bahay bakasyunan ng binata para makapamili ng pasalubong para sa Mama ng dalaga. Napagdesiyunan kasi ng dalawa na dadalaw sila sa sa Tarlac bago ang huling araw ng Buwan ngayong taon.

"Sa tingin mo Baby, sakto kay Mama Mercedes 'tu?"Tanong ni Benedict na tangan-tangan ang dalawang bestida na magkaiba ang desinyo.

Dahil katanghalian tapat ay tirik na tirik ang araw ng mga sandaling iyon.

"Hey! Rachelle Ano? Mas okay itong Red o---"Pang-aangaw ni Benedict sa atensyon ng nobya na panay ang paypay ng kamay sa mukha.

"Ano ba! Kahit ano diyan! bilisan mo na nga lang ang init-init eh!"Nakasimangot na sabi ni Rachelle at saka tuluyan itong tumalikod at nagdadabog na umalis sa harap niya.

Naiiling na natahimik na lang si Benedict. Ipinag-sawalang bahala na lang niya ang pagsusungit ng fiance sa kaniya.

"Naku sir! nobya mo 'yun?"Tanong ng tindera na marahil ay nasa edad katorse.

"Nope,"maiksing sagot niya lamang.

"Eh ano mo siya sir? Hindi naman kayo magkamukha alangan kapatid mo? Baby pa nga tawag mo sa kaniya. Kung ako sa'yo Kuya i-break mo na akala mo naman kagandahan si Ate!"echoserang sabi nito.

"Pwedi ba, ibalot mo na iyan. Kukunin ko na. Kaya pwedi ba huwag mong pagsasalitaan ng ganiyan ang fiance ko."Nairitang sabi nito.

Dahil sa kaseryuhan ng mukha ni Benedict ay tuluyan naitikom ng dalagita ang bibig. Maging ang ilan sa mga babaeng costumer na nagpapacute rito ay tila hindi maatim na fiance ang pakilala nito kay Rachelle.

Matapos na makuha at mabayaran ng binata ang binili ay dali-dali na siyang naglakad. Mabilis niyang iginala sa paligid ang tingin. Sa bawat madaan niyang tindahan sa palengki ng Batangas kung saan dina-dayo rin ng mga kapuwa niya bakasyunista.

Panay linga siya, tinatambol na rin ng kaba ang dibdib niya dahil kahit saan siya tumingin ay hindi niya makita si Rachelle.

"Where are you baby?"bulong niya mula sa isipan.

Bagama't nakasuot lamang ng ordinaryong polo at sa loob naman ay puting sando with beach short na tinernuhan niya ng sandals ang sapin ay panay pa rin ang tinginan ng mga nakakasalubong niya. Nakashade man siya ng itim ay napansin pa rin iyon ni Benedict.

Sa totoo lang ay ayaw niyang nakakakuha ng atensiyon sa ibang tao. Hindi katulad dati na okay lang sa kaniya kahit pagpiyestahan siya ng mga taong nakakaharap niya.

Ibang-iba na ngayon, gusto niyang maging preserved. Magmula ng maging sila ni Rachelle ay mas okay sa kaniyang maging private ang lahat.

Lalo ngayon, hindi na niya ini-announce sa social media at press people ang pagpro-pose niya. Pinili niyang imbitahan ang mga taong sa tingin niya'y may karapatan makaalam at makasaksi sa pag-aya niyang pakasalan si Rachelle.

Ngunit hindi niya batid kung paano nalaman ng Mommy at Daddy niya ang tungkol sa nangyare sa QUIDYSABE. dahil unang-una ay nakiusap siya sa lahat ng naroon na huwag ipagsasabi sa iba ang nangyare.

Kaya ora mismo ay nagbiyahe sila ni Rachelle rito sa Batangas upang kahit paano ay mailayo sila sa kaguluhan na dala ng media at siyempre sa pangungulit ng magulang.

Akma ng kukuhanin na ni Benedict sa may bulsa ang android phone para tawagan si Rachelle ng mapansin niya itong nakatayo sa laba ng pet store.

"Hey! Bakit hindi mo ako hinintay, alam mo ba kung saan-saan na kita hinanap,"sunod-sunod niyang sabi.

Playboy Meets The Unwanted Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon